Jasmine's POV

Dali-dali akong sumakay ng elevator.Shit naman kasi.Masyadong traffic sa EDSA.Late na ako.Hindi ko na nilingon kung sino-sino ang mga nakasakay sa elevator.Basta nagmamadali ako,pakialam ko sa world balance.He he!

Pawisan na nga ako eh.

Kinuha ko ang panyo sa shoulder bag ko at nag-punas sa leeg ko.Pati buhok ko ay medyo nabasa na rin ng pawis ko.Kainis!Lumalabas pa naman ang bango ko kapag pinapawisan ako.

Punas pa.Punas ulit.May ganyan akong ugali eh.Yun bang tinatawag nilang I have my world of my own.

"Ehem!" Napalingon ako sa may likuran ko ng may tumikhim.

Isang nakangising bakulaw ang nakita ko and...oh noes! Dalawa lang pala kami dito sa loob ng elevator Shit!Kinakabahan ako.Baka may second kissing scene na naman na magaganap.

Ay pisti!Bakit yun kaagad ang naisip ko?

Inirapan ko siya at kunwaring di ko siya nakikita.Wow!Ang galing ko talaga.Kunwaring di nakikita?Samantalang nag eye to eye pa kami.

"Bakit late ka naman?" Bulong niya mula sa likuran ko.Ramdam ko pa ang init ng hininga niya sa batok ko.Anebeyen?!Hihihi!Kaya nagulat ako at napasigaw ng...

Kiss!

Harhar!

Joke kaya yun.

"Ano ba?!" Sigaw ko sa kanya na di siya nililingon.Makita ko na naman kasi ang mga labi niya. Ang mga labi niyang kaysarap halikan,ang mga labi niyang malalambot at matamis.

Di ko namalayan na unti-unti ko na siya palang nilingon at dumeretso sa mga mapanuksong labi niya ang mga makasalanan kong mata.

Whoa!Mercy!

Jasmine umayos ka!Kastigo ko sa isipan ko.

Nakita ko na lang ang nakangising mukha niya kaya bumalik ako sa matinong pag-iisip.

"Miss my lips huh?" At isang pilyong ngiti ang pinakawalan niya.

"Bastos!Of course not!" Sagot ko na medyo malakas.
Hindi ko miss ang mga labi mo dahil halik mo ang na-miss ko.Dugtong pa ng konsensiya ko.Take note,konsensiya ko yun, di ako.Harhar!

"Bakit ka late?" Sumeryoso na siya sa pagtatanong.Lumitaw na tuloy ang kasupladuhan ng mukha niya.

"Traffic sa EDSA." At umiwas ako ng tingin sa kanya. Galing ng dahilan ko no?Pakiramdam ko tuloy ako si Jennelyn Mercado.Ganyan na ganyan kasi ang mga palusot niya sa pelikulang English only please.Haha!

At ng bumukas na ang pintuan ng elevator mabilis ako na humakbang palabas.Ngunit nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin.Haha!Joke!

Hinila niya ang mga kamay ko at di naiwasang mapasandal sa kanya dahil sa lakas ng pagkakahila niya.Nag-sara na ang elevator at umandar na ulit ito paakyat.Samantala ako ay parang mighty bond na,na nakadikit kay Kevin.Yun bang kayhirap humiwalay.

Inilapit niya ang mga labi niya sa tainga ko.Napapikit na lang ako dahil kung hahalikan niya man ito ay bahala na. Ngunit maling-mali pala dahil bumulong lang siya sa tainga ko ng...
"Alam mo ba kung bakit hinila kita pabalik dito sa loob?Kasi mali ang floor na binabaan mo?Seventh floor lang yun, nasa tenth floor pa tayo." At agad niya akong pinakawalan.

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!