Five years later...

Jasmine's POV

Nakangiti akong tinitingnan ang mag-lolo na masayang naglalaro.Naghahabulan pa ito sa bermuda grass na narito sa garden.

"Lolo,tama na po muna yan.Mamaya na po kayo ulit maglaro ni Jaevin Fate." Awat ni Kevin sa dalawa ng pumunta ito sa kinaroroonan ng mga ito.

Tama,Jaevin Fate ang pangalan ng panganay namin.Which is pinaghalong pangalan namin ni Kevin at dinagdagan na lang ng Fate.Noong una,ayoko pa kasi parang nako-cornihan ako.Pero dahil sa pangalan namin ni Kevin iyon,di na ako tumutol pa.Nagandahan na rin ako eh.

Babae ang panganay namin.At itong hawak ko ngayon,ay lalaki naman.Dalawa na ang anak namin ni Kevin.Kagaya nang kina Allison at Zachary.

"Oh,bakit mo ako inaawat Kevin?" Narinig ko pang himutok ng matanda. "Bibihira na nga lang ako lumipad dito papuntang Manila.Tapos aawatin mo pa ako." Masungit na sagot nito kay Kevin.Napakamot sa batok ang asawa ko.

"Eh kasi lolo,baka mapagod kayo niyan." Si Kevin ulit.

"Aba'y malakas pa ito sa kabayo Kevin.Kaya hayaan mo akong makabawi sa mga anak mo." Muling saad nito. Kaya wala ng nagawa si Kevin kundi ang hayaan ang kanyang lolo.Oh yes.Lolo niya.Nagkabati na rin kasi ang pamilya nila.At tanggap na na ni lolo ang lahat.Pinatawad niya na si tita Karina at ang asawa nito.Pati siya ay humingi rin ng tawad sa mga ito.Sa lahat ng ginawan niya ng kasalanan.Pati kina mommy at daddy.At higit sa lahat,kay Kevin dahil sa ginawa nito noon.Binalak kasi daw nito noon na ipakasal si Kevin sa ibang babae na inayawan naman ng asawa ko.

Kaya heto. Sa dinami-dami ng napagdaanan ng pamilyang ito,nagkaayos din noong kakalabas lang ng panganay namin ni Kevin.Sobrang saya ko na ang lalaking minahal ko noon ay siya ding nakatuluyan ko ngayon.

At si tita Karina,ay binigyan na rin ng sariling negosyo ng lolo ni Kevin.Kaya nakaka-ahon na ito sa buhay.Ngayon ay sa isang kilalang subdivision na rin ito nakatira.Sina mommy at daddy ni Kevin at si lolo ay sa Cebu pa rin.Madalas lang sila dumalaw sa amin dito.

Ang mga magulang ko rin ay binigyan ng asawa ko ng negosyo.Kahit ayaw ng mga iyon tanggapin pero namiliy si Kevin.

Haist.Ang swerte ko talaga kay Kevin Sacramento a.k.a Kent.

"Hey sweety.Ang lalim ng iniisip ah.." Puna niya sa akin at saka hinalikan ako.Kinuha niya muna ang second baby namin mula sa akin. "Ang tigas ng ulo ni lolo." Dugtong pa nito.

"May naalala lang kasi ako sweety eh." Sagot ko.Sumilay sa mga labi niya ang nakakaloko.

"Naalala mo sweety kung paano ka nabighani sa kagwapuhan ko noon?" Taking nito.

"Tse! Assuming na naman po ang asawa ko." Inirapan ko siya.

"Asos.Totoo naman kasi.Halos talian mo na nga ako dahil baka may mahuhumaling na babae sa kagwapuhan ng asawa mo.Kaya pagtiisan mo na ang kagwapuhan ng asawa mo sweety.Inborn eh." Nakangiti pa rin ito ng nakakaloko at saka nilagay ang anak namin sa stroller.

"Ang yabang!" Palatak ko.Lumapit siya sa akin at niyakap ako.Kasabay noon ay hinalikan ako sa noo.

"I was just telling the truth sweety." Bulong nito sa akin. "Di ba?Pinagseselosan mo pa nga si Xenia?" Tukso nito.

"Tse.Di no." Tinaasan ko pa siya ng kilay.Oo nga pala si Xenia may asawa na rin.Mabait naman ang babaing yon kahit medyo malandi ang ayos at galaw.

Ganito kaming dalawa.Hanggang ngayon nagbubuhatan pa rin kami ng sariling mga bangko.Pero alam naman namin sa aming mga sarili na kung alin ang totoo at hindi.Talagang nakasanayan na naming mag-asawa ang tuksuhan.

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!