Kevin's POV

"Ate,maawa ka.Kapatid mo ako.Kapatid mo ako ate.Kaya please." Nagsusumamong sabi ng babaing kararating lang.Napahagulhol pa ito sa harapan ni mommy.

Halos mabingi ako sa sinabi niya kay mommy.Siya ang tunay kong ina? Kapatid siya ni mommy?

Siya ang nanay ni Kent.Natatandaan ko pa.Pero bakit niya ako naging anak? Ampon ba ako?Ampon ba talaga ako ng kinilala kong mga magulang?Anak ako ng kapatid ng ina ko?Sa iisiping iyon,parang may kung anong bagay ang tumusok sa puso ko.

Pisil-pisil pa rin ni Jasmine ang kamay ko pero hindi ko mapigilan ang pagkuyom nito.

Di ako makasalita.Wala akong masasabi kundi ang panuorin ang eksenang ito. Natameme at natulala lang ako.Totoo ba ito? Kung ganun,ako nga si Kent?Kaya ba may larawan ako kay Jasmine dahil iisa lang kami?

Muli kong tinitigan ang babaing ito. Oo,pareho kaming singkit at hugis ng mukha.Katulad din ng kay mommy.Pero ngayon ko lang napansin na magkapareho nga kaming singkit ni mommy,pero magkaiba ang hugis. Unlike sa babaing ito na nagpapakilalang ina ko.Malaki ang pagkakahawig.

"Anak, Kent..." Lumapit siya sa akin at ikinulong ang mukha ko sa mga palad niya.

Nakatulala pa rin ako habang kaharap siya.Di ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.Parang may nabuhay na kung anong damdamin sa puso ko.Kagaya nang niyakap niya ako nun sa Bulacan. Sabik! Ito ang nararapat na kataga.

Hindi ko pala namalayan na naluluha na ako.Nang akma niya akong yayakapin ay mabilis siyang sinaway ni mommy.Si daddy kasi parang tanga lang na namumutla.Parang nababakla.Ano ba ito? Panaginip ba ito?

"Tama na Karina.Hayaan mong kami ang magpapaliwanag kay Kevin." Saway ni mommy.Lumapit siya kay mommy at iniwanan akong nakaawang ang mga labi. Alam kong nasa tabi ko si Jasmine pero parang di ko na siya ramdam dahil sa mabilis na pagtibok ng puso ko.May bahagi kasi ito na parang ayokong malaman ang katotohanan.Ayokong maging ampon.

Narito rin si mama na siyang kasama ng ...ano ba dapat ang itatawag ko sa babaing ito?

"Hindi Ate. Kailangan niyang malaman na ako ang tunay niyang ina!" Napataas na ang boses nito. "Sapat na yun di ba? Sapat na ang pagbabayad ko ng utang sa inyo.Sobra-sobrang bayad na iyon Ate..." Nasisinok pang sabi nito. Halos iduro niya na si mommy.

Lalo naman akong naguluhan.Utang?Saan?

"Pero ibinigay mo na siya sa amin ng lubusan!May pinirmahan ka.At legal lahat yun!" Mataas ang boses na sagot ni mommy.Prente pa rin itong naka-upo,pero halatang kinakabahan.

What the hell is happening now?

"Ginawa ko lang yun Ate, dahil nasa bingit ng kamatayan ang anak ko!" Sigaw nito. Yun bang parang gusto niyang ipasok sa utak ni mommy ang nais niyang ipaliwanag.Pero isang bagay ang nagpagulo lalo sa akin. Bingit ng kamatayan? Ako ba iyon?Pero bakit? Ano ang nangyari sa akin.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at pilit inaalala ang lahat.

"Kapatid mo ako Ate,pero nagagawa mo ito sa akin?!Anong klasing kapatid ka?!" Sigaw nito.Napadilat ako.Agad namang napatayo si daddy pero napigilan ni mommy.Siya ang tumayo at pumantay sa...napahilamos na lang ako sa mukha ko dahil di ko kayang dugtungan ang itatawag ko sa babaing iyon.

Nilingon ko si Jasmine na naka-kunot noo na rin at nakaawang ang mga labi. Alam kong kahit siya ay naguguluhan din.

"Wag mo akong masigaw-sigawan at wag mo akong matawag na kapatid dahil alam mong di kita kapatid!" Si mommy.Lalong nabulabog ang mundo ko.Ano?Ano na naman yun?

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!