*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Kevin's POV

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan ng office ko.

At pag-angat ng mukha ko ay nakita ko ang babaing mahigit isang buwan kong pinanabikan.Gusto kong tumayo at yakapin siya.Pero sa nakikita kong hitsura niya ay pinigilan ko ang damdamin ko.

Parang galit kasi siya.Amputs naman parang nababakla ako kasi kinakabahan ako sa ekspresiyon niya.

"Sir,sorry po.Di ko na kasi siya napigilan eh." Biglang singit ng secretary ko.Natakot siguro.Binilin ko kasi sa kanya na walang iistorbo sa akin lalo na kapag babae.

Yung Xenia kasi,pinainit ang ulo ko.Ano kaya ang nakain ng babaing iyon para pumunta dito at maglandi.

Kungsabagay,di lang naman siya ang ganyan.Sanay na ako sa mga babaing katulad niya.

"It's ok Lina.You may now leave." Utos ko sa kanya. Napansin ko naman na tiningnan siya ni Jasmine ng masama.Napangiti pa ako sa isipan ko sa pag-aakalang nagseselos siya.

"What brought you here?" Tanong ko kaagad ng maka-alis si Lina.Hindi ko kasi alam kong ano ang dapat na unang sasabihin ko sa kanya. Takte!Kinakabahan ako.Pero sa puso ko,naroon pa rin ang pananabik.God!Mahigit isang buwan ko siyang pinanabikan dahil umuwi ako ng Cebu.Si mommy na naman kasi ang na-ospital.Akala ko nga mawawala na siya dahil sa pagkaka-aksidente niya. At dahil busy si daddy sa pag-aalaga kay mom,ako na naman ang napagbilinan ng lahat.

Kung bakit hindi ko tinext o tinawagan si Jasmine, dahil gusto kong malaman ang totoong nararamdaman ko para sa kanya.At ngayon ay alam ko ng mahal ko siya. Pero talagang nauunahan ako ng takot at pride na magtapat sa kanya.Tiniis ko ang lahat ng pangungulila ko sa kanya. At kung handa na akong magtapat sa kanya, siguraduhin kong, mahal niya na rin ako.Ayoko kasi na masaktan na naman muli.

"Here." Inis na ibinagsak niya ang isang bagay sa mesa ko.

"Ano ito?" Takhang tanong ko.At mas lalong nabahiran ng galit ang mukha niya. Matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin.

"Positive." Walang emosyon na sagot niya.Ano ba ang ibig sabihin niya?Pregnancy test ba ang bagay na ito? Wala naman kasi akong alam sa ganitong bagay eh.

"Positive?" Tanong ko ulit.Gusto ko kasing masigurado eh.

"Gago!Pregnancy test yan. Ibig sabihin,buntis ako.Binuntis mo akong hayop ka na unggoy ka!" Sigaw niya na halos hampasin niya na ako.

Dahil sa sobrang saya ko,hindi ko napigilan na iba pala ang lumabas sa bibig ko. "Buntis ka lang naman pala eh.B-bunti —What?!" Kahit ako ay halos mabingi sa sigaw ko ng marealize ang lahat.Buntis siya? Magiging tatay na ako?Nabuntis ko siya? Halos di ko maipaliwanag ang nararamdaman kong kaligayan.Yes,ayoko pa sana magka-pamilya pero mahal ko na si Jasmine. At noong gabing ipinagkaloob niya sa akin ang sarili niya,hindi ko binalak na takasan siya.

Pero sa nakikita ko sa kanya ngayon,bakit di siya masaya.Sa halip,parang galit pa siya.Ayaw niya ba ang mabuntis?Gago ka Kevin.Naman!Sa isip ko.Sino ba ang gugustuhin na mabuntis ng taong di mo mahal? Sa iisiping iyon,parang sumakit ang puso ko.Pero pakiramdam ko,mahal niya ako.

"Oo, buntis ako.At alam mong ikaw ang ama." Sabi niya at biglang tumulo ang mga luha niya.Ayaw na nga talaga ang mabuntis.

Gusto ko siyang lapitan at sabihing wala siya dapat ikabahala dahil pananagutan ko naman siya. Pero heto na naman ako.Parang nagbabakla-baklaan na natatakot.Shit!

"Buntis ka iha?" Sabay kaming napalingon sa boses na bigla na lang sumingit sa usapan namin. Kahit di ko pa tingnan,alam kong si dad ang nagsalita. "At ang anak ko ba ang ama?" Dugtong ni dad na itinuro ako.Wag niyang sabihin na makialam na naman siya sa buhay ko.Wag niyang sabihin na kahit sa ganitong bagay ay pangungunahan niya ako.Kaya parang uminit ang ulo ko sa iisiping iyon.Bakit niya na naman ako sinundan dito?Nag-away kasi kami.Ayaw niya kasing bumalik na ako dito sa Manila.Pero sinuway ko siya dahil gusto ko ng makita si Jasmine. Ang babaing mahal ko.

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!