#ShortUpdate
#PatikimLang

--------------------------------------

Jasmine's POV

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.
Ngayon ko lang kasi nakita ang asawa ko na sobrang galit. Nakakatakot!Kanina nung nagwala siya hindi ko alam ang gagawin.Nanginginig ang katawan ko sa takot.Sobrang sakit ang nararamdaman ko sa nakikita kong kalagayan ng asawa ko.Si Kent at si Kevin ay iisa lang.Ang lalaking minahal ko noon at ang asawa ko ngayon ay iisa lang.Masaya di ba? Pero paano kami sasaya kung ganito kagulo ang sitwasyon?Ang labo eh.Di ko in-expect na ganun pala ang buhay ni Kevin.Kaya pala bigla na lang sila umalis noon sa lugar namin ng di ko alam, kasi naaksidente siya.Walang nakakaalam na na-aksidente pala si Kent.Ang aksidenting iyon na paulit-ulit sa panaginip ko.

"Bakit di niyo kaagad sinabi ang totoo?" Mahinahon niyang tanong pero alam kung galit na galit siya.Naramdaman ko kasi ang pagkuyom ng kamao niya. Sana kung pwede ko lang bawasan ang nararamdaman ng asawa ko ay gagawin ko.Ayoko siyang ganito.Gusto ko yung Kevin na wala ng ginawa sa akin kundi ang lambingin ako at lokohin.Ang yakapin at halikan kami ni baby kahit nasa sinapupunan ko pa ito.

"A-anak,natatakot kasi kami na baka kapag nalaman mo ang totoo ay iiwan mo na kami.Hindi ko papayagan yan.Mahal ka namin Kevin.At ayokong mawalay ka sa amin?" Naiiyak pa rin na sagot ni mommy.

"Mahal?Pagmamahal ba ang tawag diyan mommy?Selfishness yan eh.Dahil gusto niyo kayo lang.Ipinagkait niyo sa akin ang mga panahong makilala ko ang tunay kong ina." Dahil sa hindi niya maisigaw ang galit ay napatiim-bagang na lang siya. Ayaw niya lang siguro na matakot ako ulit kaya siya nagpipigil.

"Iho,sorry.Oo,pinagkait namin sayo ang totoo dahil ayaw  na naming ungkatin yun.Ayaw naming malaman ng family ng mommy mo na anak ka ng totoo mong ina.At kapag nagkataon yun,ilalayo ka nila sa amin ng tyluyan Kevin.Kaya wag mo muna kaming husgahan.Kung ang pag-aakala mo na pinagtaksilan namin ang mommy mo noo.Nagkakamali ka.Hindi.Hindi ko nagawang pagtaksilan ang mommy mo.Dahil..." Bumuntong hininga si daddy.

"What dad?Galingan niyo ha.Baka sakaling mabilog niyo na naman ang ulo ko." Si Kevin.Kahit ako ay napapaisip sa sinasabi ni Daddy.Ang labo no?Paanong nabuo si Kevin kung di sila nagtaksil?

Habang hinihintay namin ang dugtong ni daddy,may ibang bagay na sumagi sa isipan ko.

Bakit kaya mayaman ang mommy ni Kevin samantala si tita Karina na siyang ina niyang totoo ay mahirap?Dahil ba ampon lang ito? Ano,itinakwil siya ng pamilya ni mommy dahil naging kabit siya ni daddy?Pero di naman daw sila nagtaksil eh.Ang gulo.Ang gulo talaga.

"...dahil ang tunay mong ina ang siyang asawa ko sana ngayon." Dugtong ni daddy na siyang nagpatigil ng mundo namin ni Kevin.

Ano na naman ba ito?

Hindi kaagad nakapag-salita si Kevin.Parang natulala o nagulat ito sa narinig.At ganun din pala si mama.

Ngayon naman ay nakakabinging katahimikan ang bumalot sa paligid namin.Napansin ko rin ang bibig ni Kevin na nakaawang.Yun bang gusto niyang magtanong pero walang may lumalabas na kataga.

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!