Jasmine's POV

Habang naghihintay ako kay Kevin na maka-baba,babasa muna ako ng wattpad.Adik lang kasi ako eh.Nakaupo ako ngayon sa sofa dito sa sala.Simula kasi ng naging mag-asawa na kami,di na niya ako pinayagang magtrabaho.Dahil nga raw ay buntis ako.Baka raw kasi makakasama kay baby.Oh di ba? Ang sweet ng mokong kong asawa.

Salamat kay baby dahil nabuo siya. Siya ang dahilan ng pagiging masaya namin ni Kevin ngayon.

Pagka-uwi namin kasi galing honeymoon ay ang sweet-sweet niya na sa akin.Kaya grabi ang kilig ko tuloy.

Pupunta kami ngayon sa OB-Gyne ko kaya ko siya hinihintay.Gusto kasing sumama eh.Masyadong excited.

Kapag gumayak kasi ang lalaking iyon ay mas matagal pa kaysa akin.Kaya heto, ako palagi ang naghihintay.

Ang gaganda na kaya ng mga binabasa ko sa wattpad.Kaso nakaka-HB lang ang mga updates ng mga author na ito.Iyong updates ni skylierreyes sa mga stories niya na 'ever after series' hay naku lang.Ang daming kontrabida.Isa din itong kay Smykynyze.Yung 'when the foolish heart beats' ay completed na. Pero atleast nagkatuluyan pa rin si Marco at Janine. Mabuti na lang di na umepal si Natasha na ex-girlfriend ni Marco dahil kasal na ito kay kuya Mark niya.Haistttt...naman.Ganito talaga kapag wattpad adik.Palaging affected.Kaya kung minsan pinagseselosan din ito ni Kevin eh.Kulang na lang ay burahin niya ito sa phone ko.

Napahinto ako sa pagbabasa ng marinig ko na may nag-doorbell.Kaya dali-dali ko itong binuksan.

"Yes! Sino ang —Miesha?" Gulat na tanong ko.Bakit kaya nandito ang babaing ito. Parang bigla tuloy uminit ang ulo ko.May nakaraan pa naman sila ni Kevin.Although nalaman ko na mabait naman talaga siya pero di ko pa rin maiwasan ang magselos kahit papaano.Una siyang minahal ng asawa ko no.

"H-hi Jasmine." Alanganin na ngumiti siya. Nag-wave pa siya sa akin.Pero di ko na siya napansin dahil may umagaw na ng pansin ko.May bata siyang dala. Lalong umarko tuloy ang kilay ko.

Gusto ko na siyang palayasin.Ano ito? Sasabihin niyang anak ito ni Kevin sa kanya.Ganitong-ganito ang nabasa ko sa kaka-update lang na 'Sold To My Ex-Husband' eh.Yung si Sandra.May dalang bata at sinabi kay Stuart na anak nila ito.

"Hi po tita." Nagkaway pa ang bata sa akin.Kitamz niyo,ganito talaga yun.Hindi ko nga pinansin ang bata. Naku, wag lang masabi ni Miesha sa akin na anak ito ni Kevin.Pareho ko silang kakalbuhin.

"Anong kailangan mo Miesha?" Walang ganang tanong ko sa kanya.

"Ah si Kevin sana.Hinaha —"

"Wala siya dito." Inis na putol ko sa sasabihin niya.

"Pero kakatext ko lang sa kanya. Sabi niya nandito daw siya." Kunot-noong sabi niya. And so?Tiningnan ko ulit ang bata kung kamukha ni Kevin.Pero hindi naman.Siguro nasa mga four years old ito.

"Kakaalis lang.Kaya pwede ka ng uma—"

"Sweety.Bakit di mo sila pinapasok?" Naputol ang sasabihin ko kasi biglang dumating si Kevin.Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila.Gusto ko kasing makita ang mga reaksyon nila. Pero parang normal lang naman.

"Ninong!" Napatakbo ang bata papunta kay Kevin.

"Hey kiddo.You miss ninong?" Kinarga ito ni Kevin.Nakatingin lang ako sa kanila. Ibig sabihin,inaanak lang niya ito? Hindi niya anak?Pahamak talaga ang wattpad.Kung anu-ano tuloy ang naiisip ko.

"Hi Miesh.Pasok muna kayo." Si Kevin na niyaya silang pumasok.

Anak ba ito ni Miesha?Ibig sabihin,may anak siya? Pero sino ang ama?Ang alam ko kasi dalaga pa siya.

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!