Hi guys.Masyado na bang serious ang mga kaganapan?Sorry ha.Kailangan lang eh.Hope you can still support the Team #JaVin

---------------------------------------

Jasmine's POV

Nakasandal ako sa hamba ng pintuan habang malayang pinagmamasdan ang asawa ko.Nandito kasi siya sa office room niya sa bahay.Pinasadya niyang palagyan ito gawa ng pagbu-buntis ko.Gusto niya daw kasi na nababantayan ako kaya dito na lang siya paminsan-minsan magta-trabaho.

Tutok na tutok siya sa kanyang laptop.Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti habang pinagma-masdan siya.Di ko akalain na ang asaran namin ay mauuwi sa kasalan at ngayon ay ganap ng mag-asawa.

Pedro ngayon,hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya.Napansin ko kasi lately na tahimik lang siya pagkatapos nung panaginip niya di man sinasabi sa akin.

Ang gwapo talaga ng asawa ko.Bumagay pa ang singkit niyang mata sa kanya. Kapag di mo siya kilala ng lubusan akala mo ay masungit siya.Kungsabagay,masungit naman siya dati sa akin.

Bumaba ang tingin ko sa ilong niyo.Pagkatapos ay sa lips niya.Napakagat-labi ako.Ang lips niya na ilang beses ko ng naramdaman sa mga labi ko.Ang lips niya na alam kong, ako lang ang nagmamay-ari niyan.

Bumalik ulit ang tingin ko sa mata niya.Baka kasi kung ano na namang pagpapantasya ang gagawin ko kapag tumagal ang titig ko sa lips niya.Hihi!

Ok ikaw na ang malandi Jasmine.

Bahagyang may nabuhay na damdamin sa puso ko ng maalala ko na naman ang mata ni Kent sa mga mata ni Kevin.Napasinghap ako.What if nga kung iisa lang sila? Ano kaya ang mararamdaman ko?Matutuwa kaya ako dahil naging kami pa rin? O magagalit ako kasi di niya ako naalala.

Muling nanumbalik ang isipan ko.May hawak pa pala akong kape para sa kanya. At muli, napapangiti na naman ako ng may maalala sa kape na ito. Ang kape na ito ang dahilan kung bakit si Kevin ang naging first kiss ko.

"Sweety,para kang sira diyan na ngingiti-ngiti." Nagulat na lang ako ng magsalita siya.Huli na ako.Parang tanga lang ako.Nakatingin nga ako sa kanya ngunit di ko napansin na nakatingin na rin pala siya sa akin.

"Sweety naman eh." Malambing na pagpo-protesta ko sa sinabi niya.Sira daw kasi ako eh.Siya lang naman ang nagpapasira ng imahinasyon ko.

Naglakad na ako papunta sa kanya. "Here's your coffee boss." Iniabot ko sa kanya ang cup na may kape.Nakita ko pa ang pag-ngiti niya bago niya kuhanin sa akin.Alam kong naaalala niya rin iyon.Dahil sa tuwing bibigyan ko siya ng kape,napapangiti siya na para bang may naaalala.

"Walang baking soda to sweety ha." At kumindat pa siya sa akin.Kaya di ko tuloy mapigilan ang tumawa ng malakas.So tama nga talaga ako. Naaalala niya talaga iyon.

"Siyempre wala na no." Natatawang sagot ko sa kanya. Pumunta ako sa side niya.

"Sayang, sana mayroon. Para naman mahahalikan kita ulit kagaya noon.Gusto ko ulit maramdaman ang ka-inosentihan mong iyon sweety." Natatawa na rin siya sa mga sinasabi niya.Lokong to.Pwede naman niya ako halikan anytime ah.

"Reminiscing huh?" Tudyo ko.Kinindatan ko pa siya.

"Yeah.Di ko kasi malilimutan yun sweety eh.Yung mga pangyayaring iyon ang una kong ginawa na ibinigay ko ang pinaka-best kong halik sa isang babae.Pero ngayon,bihasa ka na sweety.Napaka-mantas mo na sa halik.At kung minsan nga, bigla mo na lang ako hahatakin." Tawa pa rin siya ng tawa sa mga sinasabi niya.Hinapit niya ako at marahang pina-upo sa kandungan niya.(Finally, natumbok ko rin ang kandungan.Palagi kasing lap ang sinasabi ko.Hirap mag-isip ng tagalog na iyan.he he! -author)

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!