*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

A/N: Hi guys.Ang mga kaganapan sa chapter na ito ay mababasa rin sa HWOR pero dahil team JaVin ang mga main characters dito siyempre mayroong mga dagdag po at may mga tinanggal din ako.May mali po kasi akong nailagay dun sa HWOR.He he!Thanks.

------------------------------
Jasmine's POV

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung ano ang dinekwat ng Kevin na iyon sa mesa ko.

Manuod na nga lang ng telebisyon.Malapit na kasing mag-alas otso.

Narinig ko may biglang kumatok.Kaya tinungo ko ang pintuan.Wala naman akong inaasahang bisita ah.Pero binuksan ko pa rin ito.

"J-jas..." Bungad niya sa akin.

"Allison?Gabi na ah.At saka bakit ka may maleta?" Gulat kong tanong sa kanya. Si Allison ay yung sinasabi kong boss ko at the same time ay kaibigan na rin. Naging malapit kasi siya sa akin at ako na lang ang takbuhan niya sa ngayon dahil wala na rin ang best friend niyang si Lindsay.At ewan kung nasaan na iyon.

Lumayas ba ito dahil may dala siyang maleta?

"Jas,di ko na kaya." Naluluhang sabi niya sa akin sabay yakap.

"Pasok ka muna." Yakag ko sa kanya. "Why,what happened?" Tanong ko kaagad sa kanya ng makaupo kami maliit kong sofa.Siyempre di ko afford ang malaki no?Ipinanganak akong mahirap kaya di ito malaki ang apartment ko.Dagdagan pa ng mga palamunin kong mga kapatid at magulang.Ang hirap kaya magpalaki ng mga magulang.He he!

"Pwede bang tumuloy muna ako dito Jas?" Nakayuko lang siya.

"Sure.Tatanggi pa ba ako eh may bitbit ka ng abobot kaya.He he!" Biro ko sa kanya. I was just trying to make her smile but I failed.

Maya't-maya pa ay nagkwento na siya ng pangyayari kung bakit siya naglayas sa asawa niya.Ito'y dahil sa nag-away daw sila ng asawa niyang si Zachary. Kasi ba naman ang gagong Zach na iyon ay mas kinampihan pa ang best friend na si Miesha kaysa sariling asawa.Wala siyang pinalampas na kwento. Pinakasalan siya kasi ni Zachary dahil para makaganti sa best friend niya na si Lindsay.Pero ang totoo pala ay talagang ginamit lang ng Zach na iyon si Lindsay para mapalapit kay Allison dahil galit si Zach sa kanya.Dati na kasi silang magsyota.Nagkahiwalay nga lang.(Please read His Way of Revenge para maintindihan)

Haist...pag-ibig nga naman,nakakaloka,nakakabaliw.

Ng matapos na siyang magkwento ay nahiga na kami.At siya namang pag-ring ng phone ko.Dinampot ko ang iPhone 6 ko,siyempre pangarap ko lang ang magkaroon ng iPhone 6 no.Kung ang iPhone 5 nga di ko afford,6 pa kaya?Harhar!Ang totoo niyan MyPhone lang ang phone ko.Yeah,cheap lang.Kasi di naman ako mayaman.

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!