Jasmine's POV

Tahimik kaming nakarating ng bahay.Iwinaksi ko na rin sa isipan ko na si Kevin at Kent ay iisa.Malabong mangyari iyon.Baka nagkataon lang na pareho silang singkit.

Hindi ito isang kwento sa wattpad ang buhay namin.Buhay namin ito ni Kevin.Siguro,kailangan ko na talagang kalimutan si Kent.Pareho na kaming may sariling buhay.

"Sweety,pahinga ka na.Matulog na tayo.Wag mo na masyadong isipin iyon." Sabi niya sa akin.Ginabi kasi kami kaya nag-dinner na kami sa labas.At isa pa,ang haba din ng byahe namin.Lalo na dahil ma-traffic pa.

Inayos niya na ang bed namin at saka hinila na ako pahiga.Niyakap niya na ako at hinalikan.

"Goodnight sweety.I love you." At isang matamis na ngiti ang pinakawalan niya.Parang naglaho lahat ng pagod ko ng makita ang ngiti ng asawa ko.

"I love you too,sweety.Thank you." Ako na ang unang humalik sa kanya.

"Thank you for?" Naka-kunot noong tanong niya.Kinapa niya ang na-umbok ko ng tiyan.

"For everything. Napaka-understanding mong asawa.Akala ko kasi noon,pambabae lang ang alam mo." Nakalabi kong sabi.

"Ako nga rin sweety eh.Akala ko noon,babae lang ang maiisip ko kahit may asawa na ako.Pero wala eh." Nagkibit balikat pa siya. "Pinana ako ni kupido.At heto o,sapol.Kaya nagpakatino baka kasi ako pa ang iwanan ng isa diyan." May himig tampong sabi niya pero naroon pa rin ang paglalambing.

"Asos! Iniisip mo talaga na iwanan kita sweety?" Umangat ako ng kaunti ng mukha at nangalumbaba na tinitigan ang makinis na mukha ng asawa ko. "Di ko po gagawin iyon no." Kinurot ko pa ang pisngi niya.

"Aray, sweety." Reklamo niya.

"Ops,sareee po daddy." Nakangiting sagot ko at ginawa ko pang boses bata ang boses ko.Bumalik na ako sa pagakaka-higa at isiniksik ko ang sarili sa kanya.

Inangat niya ulit ako at pina-unan ang ulo ko sa dib-dib niya.Kaya nadinig ko ang lakas ng pagtibok nito.

"Excited na akong lumabas ang anak natin sweety.Kanino kaya magmamana yan?Kapag lalaki,sana sa akin.I'm sure,hahabulin yan ng mga chix." Biro niya.

"Yabang ha.Ayokong maging babaero ang anak natin kagaya sayo no." Hinampas ko pa siya.Yung hampas ko na parang naglalandi lang.Hihihi!

"Pero nagiging matino naman kapag naka-hanap ng katapat.I mean ng magpa-pag-ibig.Kagaya mo." At hinigpitan ang pagkaka-yakap sa akin. Ang sarap lang ng ganitong pakiramdam.

Hanggang ngayon,di pa namin naiisip kung ano ang ipapangalan sa baby namin. Saka na kapag nakapag-ultrasound na ako.Kapag nalaman na namin ang gender ng baby namin.

Di nagtagal ay nakatulog na rin kami.Nakakapagod din kasi ang byahe.

--------------------------------------

Kevin's POV

"Babawiin ko na si Jasmine sayo." Sabi ng lalaking nakatalikod sa akin.Sa tantiya ko ay mag-kasing tangkad kami.

Uminit naman bigla ang ulo ko sa sinabi niya.

"Who the hell are you?!" Tanong ko.

"Ako,ikaw,...Kevin.Bakit mo nakalimutan?" Anito.Teka lang,napansin ko rin na pati boses niya ay pareho ko.Ginagago ba ako nito?Paanong naging ako siya? Sino siya? Konsensiya ko?Kalokohan!

"Ginagago mo ba ako?Humarap ka sa akin?!" Lalong tumaas ang boses ko.Ang weird nito.

"Sarili mo ang gina-gago mo Kevin.Ang tagal ka niyang hinintay.Ang tagal kang hinintay ni Jasmine. Pero bakit kinalimutan mo siya?" Sabi niya ulit.

"What the f*ck?!Kung matapang ka,harapin mo ako?" Gusto ko siyang lapitan at bugbogin.Pero parang nakatali ang mga paa ko.Kaya di ako maka-alis sa kinaroroonan ko.

"Hindi mo gugustuhin na makita ako Kevin.Nalimutan mo na rin ba pati sarili mo? Ako ito, si Kent.Ako ito, si Kevin.Ako ito, ang sarili mo." Sabi niya.Lalo akong naguluhan.Talaga bang gina-gago ako nito eh. "Nasaan na ang pangako mo sa kanya? Ang pangako mong,kahit anong mangyari ay mamahalin mo siya at di kalilimutan?Bakit di mo alalahanin ang lahat?Bakit?" Pagpapatuloy niya. Ngayon,ay naguguluhan na ako sa kausap ko.Ano ang ibig niyang sabihin?

"W-what do you mean?" Napalunok ako ng laway

"Ako...ikaw...ay iisa Kevin."

"Ha?P-pero paanong nangyari?" Nauutal na tanong ko.

"Gusto mo ba talagang malaman?" Sabi pa niya.

"Oo." Maiksing sagot ko.

"Handa ka na bang makita ang mukha ko?" Tanong niya ulit.

"Oo. Tangna naman oh!" Napamura ako sa inip.

"Wag kang mainip.Dahil si Jasmine ay di nainip na hintayin ka, kahit ilang taon pa ang lumipas.Pero ikaw,ito nainip kaagad." Saad nito ulit.

Sa totoo lang,gulung-gulo na ako ngayon.Ano ito? Sino ang taong ito.

Naramdaman ko na unti-unti siyang lumingon sa akin.Parang nag-e-slowmo pa sya.

Nakaka-bakla sa pakiramdam.Sa totoo lang.Kinakabahan kasi ako eh.Takte talaga.

"Tingnan mo na ako ngayon Kevin?" Sabi niya.

Laking gulat ko ng makita kung sino ang humarap sa akin.It's me, - myself.Walang pinag-kaiba sa akin.Pati suot niya pala ay parehong-pareho sa suot ko ngayon.

Mas lalo akong naguluhan.May kambal ba ako?Paanong,nag-duplicate ang sarili ko?Paano?

"A-ano ang ibig sabihin nito? S-sino ka?" Nauutal kong tanong.

Ngumiti siya.At yung mga ngiti niya ay pareho din sa akin.

"Tulad ng sinabi ko, ako...ikaw...ako si Kevin at si Kent."

Ha?Ang labong kausap nito. Di ko na maintindihan ang taong ito.

"Adik ka ba?!" Nagtatagis na ang bagang ko.Kung pinagti-tripan niya lang ako,baka mapatay ko pa ito.

"Alalahanin mo ang lahat Kent...Alalahanin mo Kevin..." Naglakad na siya palayo.Pero ang mga sinabi niya ay parang nag-e-echo pa rin. Parang naiiwan.

Marami pa sana akong gustong itanong sa kanya, pero malayo na siya kaagad.Paanong nakapunta na siya ng ganun kabilis sa kalsada.

Sinundan ko siya ng tingin habang papalayo.At napakurap ako sa nasaksihan ko.Unti-unti siyang naging bata ulit.

Lumingon pa siya sa akin.At nakita ko ang mukha ko sa kanya noong nine years old pa lang ako.

Weird!

"Bye J.I.!" Sigaw niya sa akin habang kumakaway.

J.I.? Ito yung nasa bracelet ah.Yung naka-tatak na letters dun.

"Bye Jasmine!" Sigaw niya ulit.

Bakit ngayon ay kay Jasmine nang pangalan ang sinisigaw niya?Ano ang kinalaman ng asawa ko dito?Ano.

Nanlaki bigla ang mata ko ng makita ko ang humaharorot na sasakyan.Masasagaan ang bata. Ang batang kamukha ko.

Siya si Kent di ba? Siya daw iyon.Hindi na siya naka-ilag dahil tuluyan na siyang nabanggaan.

Natameme ako.Nakita ko kung paano siya tumilapon ng duguan.

"J.I.!!!!!!..." Narinig kong sigaw niya.

"J.I.!"

Napabalikwas ako ng bangon.

"Sweety,ano ang nangyari?Bakit napasigaw ka?" Nag-aalalang tanong ng asawa ko.

It was a nightmare. Bakit parang totoo? Bakit parang may gustong ipahiwatig iyon?

"Masamang panaginip sweety." Sagot ko.Binigyan niya kaagad ako ng tubig at pinunasan ang mga pawis ko.Pawisan ako kahit may aircon pa.

"Anong panaginip yun sweety?" Seryosong tanong niya.Kaya tinitigan ko siya.

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!