Jasmine's POV

"Daddy." Agad na lumapit si tita Karina at ang asawa nito sa kinaroroonan ng ama.At siya namang pag-asim ng mukha ng lolo ni Kevin.Parang di maipinta ang pagmumukha nito.

Hahalik na sana si tita Karina sa pisngi ng ama niya ngunit mabilis na inilag nito ang mukha at saka binigyan ng nakakamatay na tingin ang mag-asawa.

"A-ang ka-kapal din ng...mga...mukha niyo!A-ano ang ginagawa niyo...dito?!" Galit na galit na tanong nito.Napa-atras pa ng kaunti ang mag-asawa dahil sa ipinakita ng matanda. "L-lumayas kayo dito!Lumayas kayo?!" Sigaw nito ulit.Namumula na ang mukha nito sa galit.Pero kahit gaano siya ka-galit sa adapted daughter niya,kita naman sa mga mata niya ang pananabik.

Agad namang dumalo si mommy Elydia at daddy Greg sa kinaroroonan ng matanda na apu-apuhap pa ang dib-dib nito.Tumayo din si Kevin upang pumunta sa kinaroroonan ng lolo.

"Palayasin niyo yan!...palayasin niyo sila!" Ulit nitong sigaw habang tinuturo pa ang dalawang mag-asawa.Agad na nagsipatakan ang mga luha ni tita Karina.

"D-dad..." Mahinang usal nito sa ama.

"Huwag...mo...akong matawag-tawag na dad dahil...hindi kita anak!...Ampon lang kita.Isang a-ampon na nag-b-bigay ng kahihiyan sa...akin!" Di paaawat na sigaw nito kahit pini-pigilan na siya nina Mommy,Daddy at ni Kevin.

"D-dad..." Nagpunas ng mga luha si tita Karina at saka nag-patuloy ng sasabihin. "....p-patawarin mo ako.P-patawarin mo kami ni Carlos." Nilingon pa nito si Tito Carlos na naka-alalay din sa kanya.Binalak ni tita Karina na abutin ang kamay ng ama pero mabilis na ipiniksi ito ng matanda.

Ako naman ay tulala lang na nakamasid sa pangyayari.Parang nanunuod lang ako ng live na teleserye sa telebisyon.

"Wala akong anak na suwail.Wala!Kaya lumayas na kayo!" Pagtataboy nito ulit. "Greg,...Elydia,...Kevin!Palayasin niyo ito sa harapan ko.Ayokong makita ang mga ito!" Lingon niya sa tatlo.

"D-dad,please..." Pagmamaka-awa ni tita Karina.Hindi ko alam kung bakit nagmamakaawa siya sa ama.Alam kong di niya gagawin ito dahil galit din siya ama.

Akmang bubuka ulit ng bibig si lolo pero naunahan siyang magsalita ni mommy. "Dad,hayaan mo munang makapag-paliwanag si Karina.Dad,..." Hinawakan ni mommy ang kamay ng matanda. "....buong buhay ko,di kita sinuway.Kaya sana ngayon,pagbigyan mo ako.Kahit ngayon lang dad.Hayaan mo sila Karina na makapag-paliwanag sayo.Pina-punta ko sila dito upang makapag-usap-usap tayong lahat." Inikot pa ni mommy ng paningin ang lahat.Samantala si lolo ay naka-kunot lang ang noo at nagpipigil ng galit. "Dad,panahon upang magka-ayos tayong lahat.Panahon na upang mabuo ulit ang pamilya natin." Huminga ng malalim si mommy bago nagpatuloy ng sasabihin. "Gusto namin ni Greg na kapag lumabas na ang panganay naming apo,mabungaran niya sa mundong ito ang masayang pamilya." Mahabang paliwanag ni mommy Elydia.

"H-hindi ko naman a-"

"No lolo.Apo mo ang anak ko." Inis na putol ni Kevin sa lolo nito.Okay.Wala akong ibang gawin kundi ang maging saksi sa pangyayaring ito.

Akma na namang magsasalita si lolo pero nagsalita ulit si mommy. "Dad,bigyan mo naman kami ng panahon na makapag-salita.Kahit ngayon lang dad.Nakikiusap ako.Buong buhay namin ni Greg simula ng mag-asawa kami,ay di ka namin sinuway.Mahal ka namin dad.Mahal ka namin ni Karina kaso,di mo yun nakikita.Kasi sarili mo lang ang iniisip mo.Di mo inisip ang kaligayahan namin." Puno ng panunumbat na saad ni mommy.Napansin ko ang paglalim ng hininga ni lolo.Sa wari ko ay nag-iisip din siya.Pero nakikita ko na naroon la rin ang pride niya.

"At ano ang gusto niyong palabasin,ha?!" Galit na sabi niya pero hindi na yung kagaya kanina.Napahilot pa ito sa sentido niya.

"Marami kang dapat malaman dad.Tungkol kina Karina,Greg,at lalong-lalo na kay Kevin.Marami kang di alam dad." Si mommy.

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!