Jasmine's POV

Naipasok niya ako sa loob ng office niya ng di ko na siya napigilan.Masyado siyang malakas para maka-kalas ako sa pagkaka-hawak niya ng braso ko.

Yung ibang mga employees na nakakita sa sitwasiyon namin ay naiiling na lang.Mukhang wala na silang paki-alam kasi naman siguro naririnig na nila ang bangayan namin ng Kevin na ito.

Hawak-hawak pa niya ang braso ko ng isa niyang kamay samantala ang kaliwa naman ay ito ang ginamit niya para i-lock sa pinto.

"Bitiwan mo ako!Ano ba?!" Asik ko rito.Nagpupumiglas pa ako.Kahit pa na kinakabahan ako pero di ko pinakita.Hindi niya naman siguro ako gagahasain di ba? Pero pwede rin. Harhar!

"Alam mo ba kung ano ang gagawin ko sayo?..." Bigla niya akong isinandal sa dingding ng office na ito and he pinned me.

Kaya di ako makagalaw.Napalunok pa ako ng laway ng tumingin siya sa mga labi ko.Shit.Naglalaway ba ako?Haha!

"...paparusahan lang naman kita ng nakakamatay kong halik.At sisiguraduhin kong,hahanap-hanapin mo ito." And he smirked.

"Bastos!" Sigaw ko sa kanyang pagmumukha.Malapit na malapit na kasi ang mga mukha namin.Kaya sa tuwing magsasalita siya, naaamoy ko pa ang mabango niyang hininga.

"Masasabi mo pa kaya na bastos ako kapag naglapat na ang mga labi natin?" Nakangisi niyang tanong.At saka tiningnan niya ang mga labi ko.

Pinaningkitan ko siya ng mata.Ngunit nagulat na lang ako ng agad niyang sakupin ang mga labi ko.
Rape!rape!

Hahaha!

Di ako nakagalaw.Shit!Ang mga halik niya na mapag-parusa.Gusto ko siyang itulak pero parang nawalan ako ng lakas dahil sa ginagawa niyang paghalik sa akin.Gusto kong tumutol pero ang isang bahagi ng isipan ko ay ayaw naman na pahintuin si Kevin sa paghalik sa akin.

Damang-dama ko ang matatamis niyang laway. Parang nakakain lang ng max na kendi. Yung mint flavor.Medyo maanghang na matamis.Ay pisti!Really Jasmine, naisip mo pa yun?

Palalim ng palalim ang ginagawa niyang paghalik sa akin.At parang nawindang ang buong pagkatao ko.Namalayan ko na lang na ipinulupot ko na ang aking mga braso sa batok niya.

Damn!He's a good kisser.Para kasi akong dinuduyan.

Matagal ang ginawa niyang halik sa akin hanggang sa unti-unti ng nag-iba ang paghalik niya sa akin.Mula sa mapagparusang halik ay naging matamis ito at parang naging marahan.
Oh heaven!

Shit!Talagang madadala niya ako sa heaven kung di ko siya pipigilin.Kaya habang nasa cloud nine pa lang kami ay pipigilan ko na siya.Baka kasi kapag lumampas kami ng cloud nine ay heaven na ang kasunod noon.

Pero paano ako magkakaroon ng lakas kung inubos niya na ito?Sinipsip niya na ang lakas ko.

Naramdaman ko na lang na gumapang na ang mga kamay niya sa katawan ko.Kaya lalo akong...
"Hmmm..." napaungol?

Kaya heto ako,lumalaban na ng digmaan este ng halikan kay Kevin.Sinasabayan ko na ang bawat pag-galaw ng mga labi niya.

Ngayon lang kasi ako nahalikan ng ganito.Para palang droga ito no?Nakaka-adik.O baka sadyang siya lang ang may kakayahan nito.

Nemern Kevin eh.Tama na please.Malapit na talaga tayong lumampas sa cloud nine.

At isa pang impit na ungol ang pinakawalan ko.

Napapapikit na kasi ako kanina pa eh.Grabi naman ang laway ng lalaking ito. Nakaka-lasheng.Hihihi!

Kiss pa more Kevin.Wag kang tumigil.Ene-enjoy ko na to eh.

Ngunit bigla na lang napaawang ang mga labi ko dahil huminto na siya pala sa paghalik sa akin.At heto siya oh.Nakatingin sa mga mata ko na nakangiti ng nakakaloko.Pakiramdam ko ay pinamulahan ako dahil sa sobrang kahihiyan.

"Aba,sobrang nag-enjoy ka yata. Di ko pa nga naibigay ang the best kong halik eh." Nakangising sabi niya pa rin. Kaya sa sobrang inis ko ay naitulak ko siya ng malakas at dumeretso na sa pintuan.

"Damn you Kevin Sacramento. May araw ka rin sa akin!" Sigaw ko sa kanya at saka mabilis na lumabas.Nahagip ko pa ang pag-iling niya.

Inayos ko muna ang sarili ko bago bumalik sa mesa ko.

Sumalampak ako sa upuan ko.Ang letseng Kevin na iyon,binitin este pinahiya ako.

Parang gusto kong lumuha ng may bigla akong maalala.Oh noes,he stole my first kiss.Paano na kapag bumalik ang lalaking pinangakoan ko noon na sa kanya lang ako unang magpapahalik?Para akong na-guilty ng maisip ko ang isang tao na bahagi ng nakaraan ko.Ang tao na kahit ilang taon na ang nakaraan ay umaasa pa rin ako na babalikan niya.Inaasahan ko pa rin ang pangako niya sa akin.At hanggang ngayon,alam pa rin ng puso ko na sa kanya lang ito nakalaan.

******************
Kevin's POV

Ang gusto ko lang naman sana ay parusahan siya.

Pero namalayan ko na lang na matatamis na mga halik na ang ginagawa ko.Mas lalong nilaliman ko pa ang ginagawa ko ng maramdaman kong pumulupot ang braso niya sa batok ko.Bagay na halos magpatayo sa mga balahibo ko.Uminit bigla ang katawan ko.Takte!Tao lang ako na may kahinaan.

Kaya ipinagpatuloy ko ang paghahalik sa kanya. Ang lambot kasi ng mga labi ng babaing ito. Pakiramdam ko nga first time niya kasi alam kong di siya marunong humalik.Well,kung ganun ako ang tuturo sa kanya.

Ibinigay ko na ang pinaka the best kong halik.Gusto ko kasing namnamin niya ang sarap ng mga halik ko.Gusto kong maisip niya na tanging si Kevin Sacramento lang ang makakagawa nito sa kanya. Ewan ko ba. Pero may isang bahagi ng pagkatao ko na ayaw ma-disappoint sa paggawa kong paghalik sa babaing ito. Gusto kong ma-impress siya sa mga halik na ito. Unti-unti kong naramdaman na sinasabayan niya na ang bawat galaw ng mga labi niya.

Hanggang sa gumapang na ang mga malilikot kong mga kamay sa katawan niya.

Shit!Ano ba itong ginagawa ko?Gusto kong angkinin tuloy siya.

Narinig ko na lang ang impit na ungol niya.
"Hmmm..." Kaya lalo akong ginanahan.Pakiramdam ko may isang bagay na bumangon sa katawan ko.At alam niyo na yun.

Patuloy pa rin ako sa ginagawa kong paghalik sa kanya na hindi pa rin umaalis ang mga palad ko sa iba't-ibang parti ng katawan niya.

At narinig ko ulit ang isa pa niyang ungol.

Damn!Sa mga naririnig kong ungol niya ay parang di ko na talaga mapigilan ang pangangailangan ng katawan ko.At ayokong gawin ito sa babaing ito. Kahit babaero ako,di naman ako marunong mananamantala.Kaya bago pa bumigay ang katawan ko ay huminto na ako.

Dahil sa nakapikit siya, di niya naramdaman na huminto na ako.Kaya napaawang tuloy ang mga labi niya.

Takte!Bakit ba ang mga labi niya ay parang nang-aakit palagi sa tuwing magkikita kami?Oo, maganda naman talaga ito. Kaso nag-eenjoy talaga ako kapag naaasar siya sa akin.Gustung-gusto ko kasing makita ang pagkibot ng mga labi niya.

Shit!Kailan pa ba ako na-attract sa isang babae? Wag naman sa babaing ito.

Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa mapadilat siya ng mga mata.Nakita ko pa ang pamumula ng mukha niya. Bagay na gusto ko kapag naiinis siya.

Damn!Ano ba ang nangyayari sa akin?

"Aba,sobrang nag-enjoy ka yata.Di ko pa nga naibigay ang the best kong halik eh." Sabi ko at ngumisi pa ako.Ang di niya alam ay siya lang ang binigyan ko ng halik na iyon.Halik na di ko pa nagawa sa ibang mga babae.

Dahil sa sobrang inis niya ay naitulak niya ako.

Lumakad na siya papuntang pintuan.

Pero bago pa siya nakalabas ay sinigawan niya pa ako.

"Damn you Kevin Sacramento! May araw ka rin sa akin!" At lumabas na siya.Napapailing na lang ako.Nag-eenjoy talaga ako sa kanya. At ewan kung saan ako nag-eenjoy.

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!