*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Jasmine's POV

Ngayon ay ang araw ng pagiging ganap namin na mag-asawa ni Kevin -ang aming kasal.At hindi na ito isang panaginip.

Unti-unting bumukas ang malaking pintuan ng simbahan.At sa pagbukas ng malaking pintuan ay nagsimula ang kantang napili namin ni Kevin-ang THINKING OUT LOUD.

When your legs don't work like they used to before...
And I can't sweep you off of your feet...
Will your mouth still remember the taste of my love?...

Sinimulan ko ang paghakbang sa aisle habang deretsong nakatingin sa lalaking maging bahagi ng buhay ko.Kasabay ko sa paglalakad ay ang ama ko na nasa kanan ko at ang ina ko naman ay nasa kaliwa ko.Halu-halong emosyon ang naramdaman ko ng magtama ang mga mata namin ni Kevin.

And,darling,I will be loving you 'til we're seventy...
And, baby,my heart could still fall as hard at twenty three...

Bigla siyang ngumiti sa akin.Pakiramdam ko,damang-dama niya yung kanta.At di ko na rin napigilan ang tumulo ang luha.Pilit din akong ngumiti sa kanya.

Halos di mapuknat ang tinginan namin habang nakikinig ng kantang pinili namin.

And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways...
Maybe just the touch of a hand...

Biglang sumagi sa isip ko ang unang pagkikita namin. Parang kailan lang kasi.Napapangiti ako kapag naaalala yun. Akala ko noon,hindi ako mai-inlove ng ganito sa kanya.
Siya kaya,ganun din ang nararamdaman?Sa isip ko.Sana ang mga ngiti na binibitawan niya ngayon ay totoo. Hindi isang pagkukunwari dahil marami kaming audiences.

Well,me -I fall in love with you every single day...
And I just wanna tell you I am...

Malapit na malapit na ako sa kanya. Tulad ng nasa panaginip ko noon,nilingon ko ang kanang bahagi ng simbahan,at nakita ko ang lahat ng pamilya ko na may mga ngiti sa labi nila. Hindi naman kasi sila tumutol.Nasabi ko lang na baka tutol sila sa pag-aasawa ko kasi hindi ko matutupad ang pangako sa kanila.Sa mga kapatid ko.

Nilingon ko rin ang kaliwa ko,at nakita ko rin ang mga taong masasabi kong mayayaman at kilala sa syudad.Pero ganun pa man,di ko nakikita ang disgusto sa mga mukha nila. Mababait naman kasi ang pamilya ni Kevin.Bagay na pinapasalamatan ko.

Pinunasan ko ang mga luha ko at deretsong tumingin sa mga mata ni Kevin na naghihintay sa akin.

Nahihiya na ngumiti ako sa kanya. Ang lakas ng kabog ng dib-dib gayung halos dalawang dangkal na lang ang agwat namin.

So honey now...
Take me into your loving arms...
Kiss me under the light of a thousand stars...
Place your head on my beating heart...
I'm thinking out loud...
That maybe we found love right where we are...

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!