Kevin's POV

Agad akong napabalikwas ng tumama sa mukha ko ang nakaka-silaw na liwanag mula sa labas.Kukurap-kurap pa ako ng mga mata ko.

Agad akong napatingin sa wall clock.Alas nueve na pala ng umaga.Bigla kong naramdaman ang sakit ng ulo ko.At parang nasusuka pa ako.Langya!Para naman akong na-hang-over nito.

Hang-over?

Naalala ko na.Sobrang nalasing pala ako kagabi at di ko na namalayan ang nangyari.

Pilit kong inalala ang kaganapan.Si Xenia. Siya ang babaing huling kausap ko kagabi bago ako makatulog.

Mabilis kong inikot ang mga mata ko sa loob ng silid na kung saan ay narito ako ngayon.Kinabahan ako bigla kasi alam kong may gusto sa akin ang babaing iyon.

Naka-hinga ako ng maluwag ng matiyak ko na kwarto ito namin ni Jasmine.Napa-isip ako.Sino naman kaya ang naghatid sa akin dito kagabi?

Dahan-dahang bumukas ang pintuan.Yun bang parang ingat na ingat para di ako magising.

At mula sa naka-bukas na pintuan,iniluwa ang pinaka-magandang babae na nakilala ko sa buong buhay ko.Ang asawa ko.

Nagtama ang mga mata namin.At agad siyang ngumiti sa akin.Alam ko,kahit nakangiti siya sa akin pero nakikita ko sa mga mata niya ang halo-halong nararamdaman.Nandiyan ang takot,ang sakit at ang kalungkutan.

Parang kinurot ang puso ko sa nakikitang sitwasyon ngayon ng asawa ko.Pilit siyang ngumingiti para lang ipakita sa akin na okay lang ang lahat.Pero hindi.Nasasaktan ko siya dahil sa mga inasal ko.Nagkaroon siya ng pangamba dahil sa mga ginawa ko o sa naging reaksyon ko ng malaman ko ang totoo.

Huminga ako ng malalim at saka ngumiti sa kanya na ngayon ay nasa harapan ko na siya. "Hi sweety.Halika nga." Malambing na sabi ko sa kanya.Agad akong bumaba ng kama at mahigpit na niyakap siya.Gusto kong iparamdam sa kanya na kahit ano man ang nangyari,di ko siya iiwan.Na kahit nasasaktan ako,di ko siya kayang makikitang magka-problema.I love my wife so much.At gusto kong maramdaman niya ito sa pamamagitan ng mga yakap ko.

Bahagya kong inilayo ang mga katawan namin ng napansin kong,pigil ang mga hikbi niya.Pinag-pantay ko ang mga mukha namin at itinama ang mga mata.At di nga ako nagka-mali.Umiyak siya.

"Sorry sweety." Agad na hinging paumanhin ko.Pinunasan ko pa ang isang butil ng luha niya nang mag-sorry ako sa kanya.Emosyonal kasi masyado dahil nga buntis.

"Pinag-alaala mo ako kahapon at kagabi eh." Naka-labing sumbat niya sa akin.Yun bang parang bata.Kungsabagay si Jasmine ito.Ang babaing minahal ko kahit pa kung minsan,isip bata.At yun ang bagay na hinahanap ko sa kanya.

"Im sorry sweety.Di na mauulit." At agad ko siyang kinabig at saka siniil ng halik sa mga labi.Kahit kahapon lang kami di nagkasama,pero pakiramdam ko,sobrang nasabik ako sa asawa ko.Kinapa ko rin ang tyan niya matapos ko siyang halikan.Lumuhod ako at hinalikan din ang tiyan niya na malaki na rin.

"Baby,sorry ha.Naging immature si daddy.Iniwan si mommy." Kausap ko sa magiging anak namin na nasa sinapupunan pa ng asawa ko.

"Next time daw daddy,wag takasan si mommy." Nakangiting sagot ng asawa ko.Kaya napatayo ako at niyakap siyang muli.

"I love you sweety." Nakangiting pahayag ko sa kanya at mabilis na kinintilan sa mga labi niya.

"Yun lang?" Nakangusong sabi niya na ang tinutukoy niya ay ang mabilis na paghalik ko sa kanya.Tipid akong napangiti at agad siyang hinalikan ng mas matagal.Nakakatuwa lang.Kasi,yan siya eh.Ayaw niya ng kikintilan ko lang siya ng halik.Parang nabibitin siya.

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!