Kevin's POV

"Oh,bakit di ka bumaba?" Nang-aasar na tanong ko sa kanya?Ang tahimik niya kasi eh.Di na ako sanay na hindi siya nagsa-salita.Parang malalim ang pag-iisip niya.

"Pababain mo ako dito sa gitna ng expressway?!" Inis na singhal niya sa akin.Sinamaan niya pa ako ng tingin.I smirked.

"So payag ka talaga na mag-honeymoon tayo?" Tanong ko at pilyong ngumiti sa kanya. Kinindatan ko pa siya pero inirapan niya lang ako.Tumingin siya sa labas.Pero nahagip pa ng tingin ko ang pamumula ng mukha niya.Napangiti ako.Gustung-gusto ko kasi ang pamumula niya.

"Saan mo ba kasi ako dadalhin?" Tanong niya ulit habang ang paningin ay nasa labas pa rin ng kotse.

Sa halip na sumagot ako ay tumahimik na lang.Di ko rin kasi alam kung saan ko siya dadalhin.

Bakit nga ba kasi bigla ko na lang siyang ipinasok sa kotse kanina.Ang plano ko lamang ay asarin siya.Pero parang gusto ko siya kasing makasama eh.

Shit!Ano ba talaga?

"Oh ano?!" Naiinip na tanong niya at umikot pa ang mga mata niya.

"Wag ka ngang maku -" Hindi ko na naipag-patuloy ang sasabihin ko dahil nag-ring ang phone niya.

Agad kong tiningnan ang phone niya.

May biglang pumasok na kalokohan sa isip ko.Siguro this time,ako naman ang may gagawin para man lang maka-ganti ako sa ginawa niya kanina.

Mabilis kong inagaw ang phone niya na sasagutin niya na sana.

"Hello.Boyfriend ito ni Jasmine. Kaya wag ka ng tumawag.Istorbo ka." Mabilis na sagot ko at ngumisi.Rumihistro ang pagka-gulat sa mukha niya habang inaagaw ang phone niya sa akin pero iniilag ko ito.

"[Hello...Naku iho.Boyfriend ka pala ng anak ko?Pasensiya na ha.]" Sagot ng nasa kabilang linya. Bigla akong nanlupay-pay.Nanay niya siguro ito. Narinig ko pa ang pagpalatak ng boses sa kabilang linya. Parang kinikilig pa.Patay!

Paano ko ipapaliwanag ito.

Nakita ko pa ang reaksiyon ni Jasmine na parang natatawa.Para bang sinasabi niya sa akin na yari ako.

"H-ho?" Alanganing sagot ko.Napakamot pa ako sa ulo ko.Akala ko makabawi na ako sa babaing ito.

"[Naku, finally!Nagka-boyfriend na rin ang anak ko.Alam mo bang NBSB yan?]" Natatawang sabi nito sa kabilang linya.

Ibubuka ko na sana ang mga bibig ko ng biglang hinablot ni Jasmine ang phone.

"Hello ma...ah...hindi ko po boyfriend yun..." Sinulyapan niya pa ako ng masama. "...parrot po yun ma...tinuruan ko po kasi magsalita...hihi!" At kunwaring tumawa siya.

Pambihira namang babae to.Sa gwapo kong ito ay sinabihan lang ng parrot.

Sa sobrang inis ko ay hinablot ko ulit ang cellphone niya.

Mabuti na lang dahil naka-red ang stoplight.

Sinagot ko ito ulit.

"Hello po tita. Boyfriend po talaga ito ng anak niyo." Walang pag-alinlangan na sabi ko.Muli na naman sanang agawin ni Jasmine ang phone ngunit mabilis ko na naman itong nai-ilag.

"Alam nyo po,di ko alam kung bakit ginaganito ako ng anak niyo.Dini-deny niya ako palagi.Gwapo naman po ako." At talagang lumungkot pa kunwari ang boses ko. "Heto nga po oh,pilit na inaagaw ang phone sa akin.Ayaw niya po yata sabihin sa inyo na may boyfriend siya." Pagpapatuloy ko.Amputs! Para naman akong bata na nagsusumbong nito. Sinulyapan ko siya.Galit na galit ang pagmumukha niya.Siguro kung pwede lang akong tirisin nito ay nagawa niya na.

Pero napapansin ko na parang nakikinig lang ang nasa kabilang linya.Kaya sinamantala ko at nagpatuloy.

"Alam niyo po,mahal na mahal ko ang anak niyo." Tiningnan ko ulit si Jasmine at di nakalampas sa akin ang paglaki ng mga mata niya. "At..." Napatigil ako ng sasabihin ng maisip ko kung ano ang susunod kung sasabihin.Napangisi ako.Makakabawi na talaga ako nito. "At katunayan nga po,may nangyari na sa amin pero - Aray!" Di ko natapos ang sasabihin ko dahil binatukan ako ni Jasmine.

"Tarantado ka!Pakasalan mo ang anak ko!" Halos mabingi ako sa sigaw ng kabilang linya. Lalaki ito.
Patay ka Kevin!

Ibig sabihin,tatay niya ito.Bigla akong kinabahan.

Oh-oh! I'm in a big trouble!

A/N: Oo na! Oa ng chapter na ito. Pasensiya po ha.Ang lame eh.At ang iksi pa.Bawi ako next UD.
Sorry po talaga!

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!