*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Jasmine's POV

Napabalik ako ng kwarto ng di ko na napigilan si Kevin.Gusto kong mainis sa kanya. Tatanung-tanong kasi tapos magagalit?Eh sa natatangay ako ng emosyon ko eh.Kasalanan ko ba kung hanggang ngayon ay di mawaglit sa isip ko si Kent?Iniiwasan ko naman na 'wag isipin eh.Kaso talagang madalas na siyang pumapasok sa isipan ko.Lalung-lalo na sa panaginip ko.Bakit ganun?Bakit pakiramdam ko ay ang lapit-lapit lang ni Kent sa akin?At ang mga panaginip ko,ano ang ibig sabihin.Dala lang ba ito ng paglilihi ko?

Napabuntong hininga ako.Si Kevin,saan na naman pumunta iyon?Tawagan ko kaya?Oo nga. Sige na nga, hihingi na ako ng sorry sa kanya. Ang hirap ng matampuhing asawa.Daig pa ako.Parang siya iyong naglilihi.

Nang matapos akong mag-dial ay nagri-ring lang ito.Biglang natigil ang pag-ring.Ibig sabihin,pinatayan niya ako ng phone.Ay wala na. Nagtampo na talaga.Inulit ko ang pagtawag.Pero pinapatay niya pa rin.

"Ibang uri kapag nagtampo." Bulong ko sa sarili.

Naisipan ko na lang na i-text ko siya. At least iyon ay mababasa niya.

Sweety,sorry na oh.I love you.Love ka namin ni baby.

Text ko sa kanya. Tapos nilagyan ko pa ng heart na emoticons.

Naupo ako ng kama at hinintay ang text reply niya.

Nakaraang ang ilang minuto, pero walang textback na nangyari.Napabuntong hininga na lang ako.Paano ko ba susuyuin iyon.Nakaka-miss na siya kahit ilang minuto pa lang na umalis siya.

Bigla akong napaisip.Tama nga naman si mama.Wala akong ginagawa sa bahay na ito. Pati si Kevin ay di ko na pinagsisilbihan.Siya pa itong nagsisilbi sa akin na dapat ako nga ang gumagawa nun.Nakonsesiya tuloy ako.

Anong klaseng asawa pala ako?Kahit ni minsan, di ko siya napag-silbihan.Kahit iyong mag-ayos at ipaghanda siya ng maisu-suot ay di ko nagawa.Napaka-unfair ko pala.Mahal na mahal ako ng asawa ko,tapos ako heto, ibang lalaki pa ang naiisip.Di ba sabi ko,kakalimutan ko na si Kent?

Kahit nga ang mga damit niya ay di ko alam kung saan nakalagay.Si mama kasi ang gumagawa ng lahat dito.At twice a week may ina-arkilahan kaming tao na siyang gagawa ng lahat na gawaing bahay.Kaya wala akong pakialam.Ni hindi ko nga pala siya naipagluto minsan eh.

Lalo akong na-guilty.Napabayaan ko na pala talaga ang asawa ko.Kaya kailangan kong bumawi sa kanya.

Sinimulan kong hanapin kung saan naka-lagay ang mga damit niya.Kailangan kong malaman iyon kasi sisimulan ko bukas na bago siya pumasok ay ako ang aayos ng lahat ng kailangan niya.

Binuksan ko ang closet na narito sa kwarto namin. Kailangan ko rin pag-aayusin ang mga naka-hanger at naka-fold na mga damit niya.

Pagkatapos kong salansanin ang mga naka-hanger ay sa drawer naman ng damit na naka-fold ang inayos ko.Super gulo pala ito. Kawawa naman pala talaga ang asawa ko.Napansin ko rin na may dalawang maliit na drawer.Binuksan ko ang isa. At dito pala naka-lagay ang mga briefs niya.Inayos ko rin ito.Kasi nga magulo.Kinuha ko ang isang brief niya at inamoy ito.Harhar!Lumalandi na naman ako.Grrr...Pero infairness ha,ang bango.

Malamang Jasmine. Kalalaba lang yan eh.

Binuksan ko pa ang isang maliit na drawer ng maayos ko na ang mga brief niya.Mga envelope pala ito. Napaisip ako kung anu-ano ang mga ito.

At isang envelope ang naka-agaw ng pansin ko.Masyadong luma na ito. Ano kaya ang laman nito. Ewan ko ba kung bakit parang gustung-gusto kong makita ang laman nito.

Dahan-dahan ko itong binuksan.Parang kinakabahan pa ako

Ang weird!

Para akong magnanakaw nito. Nang mabuksan ko ito, muntikan ko pa mabitawan ang mga ito.

Gosh!Totoo ba ang nakikita ko?

Ang, ang picture at bracelet ko na ibinigay kay Kent noon,ito yun. Napapalunok ako.Nanginginig pa ang mga kamay ko.Tiningnan ko ang bracelet. At nakaka-tatak pa talaga ang initial ko dito na J.I. Tiningnan ko rin ang picture ko.Ako nga ito. Ito nga ang picture na ibinigay ko kay Kent noon.Musmos pa ako dito.

Bakit na kay Kevin ito? Posible kaya na siya si Kent?Pero bakit wala siyang alam? Bakit?

Biglang pumatak ang mga luha ko.Kung siya nga si Kent?Bakit nakalimutan niya ako?

"Sweety." Narinig ko ang boses niya mula sa likuran ko.Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko bago humarap sa kanya.

Nakangiti na siya sa akin.Pero ako,tulala lang na naka-tingin sa kanya. Nanginginig pa rin kasi ako sa iisipin na si Kevin at Kent ay iisa.Pero paanong nangyari iyan?Ang layo naman.Si Kevin ay mayaman, si Kent ay mahirap.

"I'm sorry na sweety sa pag-walk out ko kanina." Niyakap niya ako na tulala pa rin. At saka ako hinalikan. "Hey,ano iyang hawak mo?" Tanong niya sa akin ng mapansin niya ang hawak ko.

"Bakit mayroon ka nito Kevin?" Tanong ko.Habang hinihintay ko ang sagot niya ay lalong lumalakas ang pagtibok ng puso ko.

"Patingin nga." Kinuha niya sa akin ang hawak ko at tiningnan ito.Kumunot ang noo niya. "Ah ito ba?Hindi ko rin alam sweety kung ano ito eh.Di ko rin maintindihan kung bakit nasa akin iyan." Sabi niya.

"W-wala ka bang natandaan dito?" Pagbabakasakali ko.

"Sweety,wala eh.Ewan ko nga ba kay mommy kung bakit ibinibigay niya yan sa akin.Itago ko lang daw ito." Ibinalik niya sa akin ang dalawang bagay. "Balak ko na nga sanang itapon yan eh.Di ko naman magawa.Kaya ayan naka-tago pa rin. Gusto mo bang itapon na lang?" Tanong pa niya sa akin.Parang biglang naglaho ang pag-asa ko.Hindi siya si Kent?

"Ang babaing ito Kevin,ang batang babae na ito,di mo ba natatandaan?" Tanong ko pa.Shit!Bakit ba gusto kong marinig sa kanya na natatandaan niya?

Tumawa siya bago magsalita. "Bakit sweety,nagseselos ka sa babaing nasa picture?" Bigla akong nainis sa sinabi niya. "Bakit ba napaka-importante na malaman mo iyan." Dugtong pa niya.

Importante ito Kevin.Importante ito. Gusto kong isatinig ito. Pero napipi ako.Gusto kong magalit sa kanya. Bakit wala siyang alam sa mga bagay na ito.

"Wag kang sumimangot sweety oh.Halika nga dito.Hayaan mo na iyan.Gusto mo, itapon na lang natin iyan?" Tanong niya habang niyayakap ako.

"Wag." Mabilis na tutol ko.Ibinalik ko na ang mga bagay na ito sa envelope.

"Ok. Sabi mo eh." Sabi niya. "Sorry kung nagalit ako sweety ha.Nasaktan kasi ako tungkol kay Kent.Pero ako na ang mahal mo ngayon di ba? Kaya nga bumalik ako kaagad ng mabasa ang text mo. I love you sweety. Ako lang ha.Ako lang ang mamahalin mo." At muli niyang sinakop ang mga labi ko.

So,hindi talaga siya si Kent?Sa mga sinasabi niya, talagang wala siyang alam. Akala ko pa naman ay siya na.

--------------------------
A/N: Tanong ko lang guys?Ano sa palagay niyo?Bakit na kay Kevin ang mga bagay na iyon?

Need your answer.

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!