Jasmine's POV

"Anak, naka-alis na ba ang asawa mo?" Tanong kaagad ni mama sa akin ng bumalik ako sa loob ng bahay.Inihatid ko kasi si Kevin sa car niya.Oh di ba? Feel na feel ko ang pagiging asawa ko.Parang totoo na.Di na siya joke.hihi!

"Yes ma.Bakit po?" Takhang tanong ko.Si mama pa naman kung minsan may pagka-tsismosa ito.Hahaha!Joke.Love ko 'to eh.Kakarating niya lang galing Bulacan kasi. "Bakit ma,nami-miss mo kaagad ang asawa ko?" Tukso ko pa.Nasanay na ako sa pagtatanong ni mama palagi kay Kevin.Close kasi sila eh.Akmang tatalikod na ako ng magsalita si mama.

"Bumalik na ang pamilya ni Kent sa lugar natin anak." Mahina ang pagkakasabi niya pero dinig na dinig ko.Napatigil ako ng paglalakad.Dahan-dahan akong humarap ulit sa kanya.

"A-ano po 'yon ma?" Parang nalunok ko pa yata ang laway ko.

"Di ba anak, mahal mo na ang asawa mo? Di ba mahal na mahal mo si Kevin?" Tanong ni mama at pilit na ngumiti.Di naman yan ang sinabi niya eh.Pero ganun pa man,tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Kaya kita tinatanong anak kasi gusto ko lang malaman na mahal mo talaga si Kevin.At di mo siya iiwan ng dahil lang kay Kent." Sabi niya.Ibig ba sabihin ni mama ay bumalik na sina Kent sa lugar namin? Alam kasi ni mama ang tungkol kay Kent.

Pinakiramdaman ko ang pagtibok ng puso ko ng marinig ang pangalan ni Kent.Natatakot ako na mayroon pa akong ma-realize dahil sa pagtibok nito.Dito ko ibabase kung mahal ko pa ba talaga si Kent.Ayokong mangyayari yung sa panaginip ko na mahal ko pa rin siya doon. Si Kevin na ang mahal ko di ba? Si Kevin na ang kasama ko habang buhay.

"N-nagkita ba kayo ni Kent ma?" Di ko sinagot ang tanong niya.Gusto ko kasing malaman kung nagkita sila. May isang bahagi pa kasi ng puso ko ang na-e-excite na makita siya. God!Ayoko ng ganito.Pakiramdam ko,nagtataksil na ako kay Kevin.

Jasmine, si Kevin na ang mahal mo. At siya rin ang magiging ama ng anak mo. Sa isip ko.

"Sagutin mo muna ang tanong ko anak." Naka-arko pa ang kilay ni mama.

"Mahal ma." Maiksing sagot ko.

"Eh si Kent?Nakalimutan mo na di ba?" Tanong niya ulit. "Di mo na siya mahal di ba?" Dugtong niya pa.Bigla akong natigilan.Naguguluhan ako sa nararamdaman ko.Bakit ganun?Bakit kahit si Kevin na ang mahal ko ay may bahagi pa rin ng puso ko ang nagsasabi na wag kong kalimutan si Kent.

Napabuntong hininga ako.Kaya siguro alam ni mama na naguguluhan ako.

"Anak, kalimutan mo na si Kent.May Kevin ka na oh.Sobrang mapagmahal siya sayo. Sa inyo ng magiging anak niyo." Tinapik pa ako ni mama dahilan upang matauhan ako.

"Actually, di kami nagkita ni Kent.Nanay niya lang ang nakausap ko anak.Di ko na tinanong kung nasaan si Kent.Dahil ayokong malaman mo pa." Sabi niya sa akin at napabuntong-hininga na lamang.Mahigit isang dekada din na nawala ang pamilya ni Kent sa Bulacan.Naguguluhan ako.Parang wala akong mahagilap na mga salita.Bakit ganun?Sabi ko,pakakawalan ko na si Kent?Pero nang marinig ko ang pangalan niya,naguluhan na ako.

"Umayos ka Jasmine. Walang kayo ni Kent.Tandaan mo yan.At di mo nga alam kung binata pa yun eh." At saka siya tumalikod.

Gusto kong kastiguhin ang sarili ko.Napatulala pala ako.

Pumasok ako sa kwarto namin ni Kevin at nag-isip.Pero di naman ako makapag-isip.Apat buwan na itong tiyan ko.At sa mga susunod na mga buwan ay magkaka-anak na kami ni Kevin.Parang nakonsensiya tuloy ako.

Pagsapit ng hapon ay isang halik ang nagpagising sa akin.

"Hey,sleepy head.Wake up." Nakangiting mukha ang bumungad sa akin. "For you sweety.Happy monthsary." Iniabot niya sa akin ang isang bouquet ng white and red roses.
Monthsary? Oo nga pala. Ngayon ang petsa ng ikinasal kami.Nalimutan ko.Bigla tuloy akong nakonsensiya.

"Happy monthsary too sweety." Sagot ko.Pero nasa higaan pa rin ako.Tinatamad kasi ako bumangon.Dala siguro ng pagbubuntis ko.

"Mommy,bangon na. May date pa kayo ni daddy." Si Kevin yan. Hinalikan niya ang tiyan ko at pagakatapos naman ay niyakap ako na nakahiga pa rin. At saka hinalikan na naman ako.

"Date,may date tayo sweety?" Nakangiting tanong ko. "Di ka ba nahihiya Kevin?Malaki na ang tiyan ko oh." Tanong ko.Di pa naman talaga kalakihan ang tiyan ko.

"At bakit naman ako mahihiya sweety?Pinaghirapan kong gawin yan ha.At saka dapat daw maging proud sa pinaghirapan sweety." At ngumiti siya ng pilyo.

"Hmmm.Sira!" Nangingiting sabi ko at saka kinurot ko siya sa tagiliran.

"Gusto mo bang bigyan natin siya ng bagong kapatid diyan sa tiyan mo sweety?Baka kasi lonely si baby eh." Napahalakhak na siya. Ang bruhong ito. Gusto pa yatang humirit.

"Tse!Bumangon ka na nga diyan." Bumangon na ako at hinila siya. Tawa pa rin siya ng tawa.

Palagi naman kasi kaming nagde-date kapag monthsary namin. Kahit pa nga hindi eh.Pero mas special kapag monthsary.

Naglakad na ako papuntang banyo.Baka pumayag pa ako eh.Mahirap na. Marupok pa naman ako sa panunukso niya.Harhar!

"Sama ako sweety!" Sigaw niya habang tumatawa ng nakakaloko.

"Tigilan mo ako Kevin ha.Subukan mo lang." Banta ko. Subukan mo lang na pumasok sa loob ng banyo.Papayag talaga ako.Hirhir!

"Ang sexy mo sweety!" Ulit niya.

"I hate you!" Baling ko sa kanya. Pero tawa pa rin siya ng tawa.Sa totoo lang,naaasar na ako sa kanya ha.Tawa kasi ng tawa eh.Padabog na binuksan ko ang pinto ng banyo.

"I love you sweety.Papasok na ako diyan!" Dinig ko pang sigaw niya bago ko naibagsak pasara ang pinto at saka ni-lock.Mahirap na. May pagkamanyak pa naman yun. Baka mamaya di pa matuloy date namin.
Date?Ganyan si Kevin,palaging nagyayayang mag-date.Bumabawi daw siya.Kasi nga ikinasal kami na di nga kami mag-syota di ba?Kaya ginagawa niya raw ito para mapagtakpan ang mga panahon na nasayang namin bago kami ikinasal.

Si Kevin,mahal na mahal ako.Kami ni baby.Kaya dapat lang na mahalin ko rin siya ng tapat.Kalimutan ko na si Kent.

-----------------------------------------

A/N: Pasensiya na po if now lang nakapag-UD.Busy po kasi talaga ako kapag martes.

Updates of my other stories will be tomorrow if I'm not busy.Sana makapag-antay po kayo ng kaunti.

Salamat sa mga support niyo guys.Sa mga nag-follow sa akin at nag-msg,sobrang pinasaya niyo po ako.Salamat talaga pati na rin sa mga votes at comments niyo.

Specially sa mga besties ko na walang sawa ang tsikahan namin. Sina Smykynyze at skylierreyes,thanks talaga.he he.

God bless us!

No reviewed
Unedited
Asahan ang mga errors!
Thanks!

*wink*

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!