Jasmine's POV

"Kamusta naman ang pasaway kong apo?" Basag ng lolo ni Kevin sa katahimikang namayani sa paligid namin.Nakaka-bingi kasi ang katahimikang ito. Halos walang may gustong magsalita.Parang nagpa-pakiramdaman lang ang lahat.Yun bang hinihintay lang kung sino ang unang mag-salita.

Seryoso itong matanda na nagpa-pa-lipat-lipat ng tingin sa amin ni Kevin.Mga ilang minuto na rin kasi kaming naka-dulog dito sa may round table na ipinahanda ng sadya dito sa harden ng mga Sacramento.Pinaghandaan talaga nila ang pag-dating namin ni Kevin.

Iniwas ko ang tingin ko ng mag-salubong ang paningin namin ng lolo ni Kevin.Ang tapang ng aura niya.Yun bang parang kailangan mong pag-isipan o pag-ingatan ang papa-kawalan mong salita.Kasi kapag nagka-mali ka,maaari kang parusahan.

Kaya pala ganun na lang ang pagka-ilang ni Kevin sa lolo niya ayun sa kwento niya sa akin.

Napatungo ako ng mahagip ng dulo ng paningin ko na naka-tingin siya sa akin ng mapanuri.Hindi kasi ito dumalo sa kasal namin noon ni Kevin kaya di ko siya nakilala.Galit daw siya noon kay Kevin dahil nabuntis ako ng asawa ko.

"Lolo,my wife po pala." Napa-angat ako ng mukha ng marinig kong nagsalita si Kevin. Hindi niya sinagot ang panganga-musta ng lolo niya.Dahil siguro gusto lang ng asawa ko na maiba ang usapan.

Marahang pinisil ni Kevin ang palad ko dahilan upang mapukaw ang malalim kong pag-iisip.Kaya agad kong naisipan na batiin ang lolo niya kahit pa kina-kabahan ako.

"Hi lolo." Tatayo na sana ako upang puntahan siya at mag-mano pero mabilis niya akong pinigilan.

"Just sit down iha." Sinenyasan niya pa ako na manatili sa upuan ko.

Tiningnan lang ako ni Kevin at bumuntong-hininga.Yung mukha niya,nakiki-usap na intindihin ko na lang ang matanda.Kaya tipid ko siyang nginitian palatandaan ng pag-sang-ayon ko.

Yung mga parents ni Kevin ay tahimik lang din na nagmamasid sa amin.

"Shall we start?" Agad na singit ng daddy ni Kevin na ang tinutukoy ang kumain na.Siguro nararamdaman niya rin ang namumuong tensyon ngayon.

Na-agaw ang pansin ko dahil sa dalawang upuan na bakante.Sino pa kaya ang mga bisitang darating?Wala naman na akong kilala na ibang kamag-anak ni Kevin ah.

Nag-patuloy lang kami ng pagkain.At kapag may naisipang paksa,tsaka lang may magsa-salita.Agad din naman nanahimik pagka-tapos ng maiksing usapan.

Napapansin ko na sa tuwing aasikasuhin ako ni Kevin sa mga kina-kain ko,panay ang sulyap ng lolo niya sa amin.Hindi ko tuloy alam kung natutuwa ba siya sa mga galaw ng apo niya o naiinis.

"Good to know na marunong ka rin pala mag-alaga sa asawa mo Kevin." Puna niya sa gina-gawa ng asawa ko sa akin.

"Opo naman lolo.Mahal ko ang asawa ko kaya handa akong pag-silbihan siya at alagaan." Sagot ni Kevin sa kanya na may mga pagdi-diin.Bahagyang natigilan ang matanda at napa-kunot-noo.Yun bang parang may iniisip sa sinabi ni Kevin.

"At ano ang ibig mong palabasin Kevin?" Medyo tumaas ang boses nito at halatang nagalit sa tinuran ng apo kasi nagkaroon ng ingay ang pag-lapag ng hawak nitong kutsara.

Kahit ako ya nangunot din ang noo sa tinuran at sagot ni Kevin sa lolo niya.

"Di po ba lolo,ayaw mong makapag-asawa ako ng hindi ikaw ang nagri-rito?" Nakita ko pa ang pag-galaw ng panga ni Kevin.Teka lang,di ko alam ito ah.Hindi ko alam na gusto pala ng lolo niya na ireto si Kevin sa iba.

"Ayaw mo na ako ang pipili para sa sarili ko.Kaya pini-pilit mo ang mga bagay sa akin na hindi ko naman gustong mangyari sa buha-"

"E...nough...Kevin!" Isang malakas na boses ang pinakawalan ng matanda dahilan ng pagputol ng sasabihin ni Kevin.Halos mapalundag pa ako sa gulat dahil sa pagtaas ng boses nito.

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!