*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Kevin's POV

Nabato ako sa kinata-tayuan ko ng sabihin ng ale na ito na anak niya ako.At lalong di ako naka-galaw dahil niyakap niya na ako.

Nagulat ako ng tawagin niya akong anak. Lalung-lalo na ng tawagin niya akong Kent.Ang Kent na iyon na pinagse-selosan ko sa asawa ko ay napagkamalang ako?

Bakit? Bakit nasabi ng ale na ito? Magka-mukha ba kami ng Kent na iyon.

Dahan-dahan ko siyang kinalas sa pagkaka-yakap sa akin.Tiningnan ko si Jasmine na parang natulala na rin sa inakto ng aleng ito.

"Excuse me po." Magalang na sabi ko sa kanya.Tiningnan ko siya sa mukha na panay pa rin ang landas ng mga luha niya.Biglang hinaplos ang puso ko sa nakikita kong kalungkutan sa mukha niya.

"Si Kevin po ako.Hindi po ako si Kent." Sabi ko sa kanya.

"Oo nga po tita.Siya po si Kevin Sacramento. Ang napapangasawa ko.Nagkakamali po kayo.Di po siya si Kent." Biglang sabat ni Jasmine. Natauhan na rin siguro siya.

"Kevin Sacramento?" Nangunot ang noo niya at naka-awang pa ang mga labi. "Kevin?...Ah I'm sorry.Akala ko kasi si Kent eh.Pasensiya na iho?" Pinunasan niya ang mga luha niya at iniwas ang tingin sa akin.Nakita ko pa ang paglunok niya.Yun bang parang may sasabihin pa.Bakit ganun,iba ang nakikita ko sa mga mata niya ng banggitin ang buong pangalan ko.Parang natatakot na nananabik. "Sige na, umalis na kayo." Wika niya na hindi tumitingin sa akin.Iniiwasan niya magtama ang mga mata namin.

Napansin ko rin na singkit ito. Siguro may halong Chinese.Litaw pa rin ang kagandahan niya.Parang si mommy lang.Singkit din kasi ang mga mata ng mommy ko.

"Tita, nasaan po ba si Kent?" Tanong ni Jasmine sa kanya kaya napukaw ang pag-iisip ko.Nakatitig lang kasi ako sa kanya.

"Ah...si Kent...ay nag-asawa na...ang ibig kong sabihin nasa Dubai..." Putol-putol na sagot niya kay Jasmine. Parang di siya sigurado sa mga sinasabi.

"Nasa Dubai?Nag-asawa na?" Si Jasmine na parang di naintindihan ang sinasabi nito.

"Ah...ano kasi...ang ibig kong sabihin Jasmine, nasa Dubai siya ngayon,..t-tapos nag-asawa na siya. Tama...n-nag-asawa na siya." At pilit itong ngumiti.Ano ba ang problema sa kanya? Bakit di siya maka-sagot ng deretso.Tapos,iniiwas niya ang paningin niya.Yun bang,parang ayaw niyang makita ni Jasmine ang reaksiyon niya.Kahit ako ay naguguluhan rin sa kanya.

"Ah ganun po ba?" Malungkot na tanong ni Jasmine. Kung di lang ako ngayon napapa-isip sa mga reksyon ng ale na ito, siguro nag-selos na ako. "Saan po sila nakatira ng asawa niya?" Dugtong pa ni Jasmine.

Saglit na namang nag-isip ito bago sumagot. "Sa... Cavite...oo...sa C-cavite nga."

Tumango-tango na lang si Jasmine. "Sige po,salamat.Pakisabi na lang po kay Kent na nagkita tayo."

"Oo naman." Tipid siyang ngumiti.

"I-iho...Kevin..." Nilingon niya ako ngunit di naman tumingin sa akin. "P-pasensiya ka na ha.B-baka kasi nangungulila lang ako kay Kent.Kaya napag-kamalan kita." Sabi niya na parang naiiyak.Ano ba ang nangyayari sa kanya?Naawa ako sa kanya. Bakit ganito siya. I mean,bakit ganyan ang mga sinasabi niya?Naguguluhan ako.Alam niyang nag-asawa na si Kent,tapos sasabihin niya napag-kamalan niya ako?Di ba sila nagkikita nun?Pero gayunpaman,sinagot ko na lang siya.

"Ok lang po iyon." Sagot ko sa kanya. "Sweety,.." Nilingon ko na si Jasmine. "....let's go." Yakag ko.

Akmang tatalikod na kami ngunit nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin.

"Iho...ingat kayo ha.Ingatan mo si Jasmine at ang...magiging a...anak niyo." Mahigpit na mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin na para bang sobrang nananabik siya sa matagal nang di nakita na anak.At muli ay pumatak ang mga luha niya.Kahit ako ay nanunubig na rin ang mga mata dahil sa ginagawa niya.Si Jasmine ay nagtataka din sa mga pina-pakita ng nanay ni Kent.

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!