#HappyReading

Jasmine's POV

Foundation? -check.

Eye liner? -check.

Blush on? -check.

Mascara? -check.

Lipstick? -not check.

Ok na ako sa labi ko no.Mapupula naman ito eh.Pero siyempre maglalagay pa rin ako ng lipgloss.Ganda mo talaga Jasmine. Hihi!

Umikot-ikot pa ako sa harap ng salamin to make sure na ayos ang suot ko at ang hitsura ko.

Teka lang,bakit ba nagpapaganda ako?Pupunta lang naman ako sa pa-blessings ng bagong bahay nina Allison and Zachary eh.

Kailangan ba talaga?Ano yun, debut ang pupuntahan ko?

Baka kasi nandoon si Kevin eh.Kevin na naman?

Pinasadahan ko ulit ang katawan ko sa salamin bago umupo sa sofa.Hihintayin ko na lang ang driver na ipapasundo nina Allison sa akin dito.Nagtataka nga ako kung bakit may driver na sila? Sanay kasi si Zach na siya ang nagmamaneho.

Medyo malayo din kasi ang bahay nila dito sa akin.Kaya di pwedeng mag-commute ako.Masisira ang beauty ko.

Napatayo na ako ng may biglang nagdoor-bell.Baka ang driver na ito.Kinuha ko ang shoulder bag ko at pumunta na sa pintuan.

Nagulat pa ako ng pagka-bukas ko ay lumantad ang -driver.Matanda na ito, kulubot ang balat, panot ang ulo,malalaki ang mga eyeballs,at ang lapad pa ng ilong. Ang kapal din ng mga bibig pero kaysarap halikan.Harhar!

"Tutunganga ka lang ba diyan?Pwede bang itikom mo muna yang mga labi mo na naka-awang.Palibhasa,ngayon ka lang nakakita ng totoong kahulugan ng salitang gwapo." Nakangisi pa si -driver.Inirapan ko ito.

"Ang kapal mo talaga.Kung alam ko lang na ikaw ang susundo sa akin,sana nagbigti na lang ako ng patiwarik." Inis na sagot ko kay -driver.Hmp!

"Ang dami mo na namang sat-sat na babae ka.At kung di rin lang ako pinaki-usapan ng dalawang lovebirds na iyon,hinding-hindi kita susunduin dito." At tuluyan na akong kinaladkad.

"Kevin,ano ba?!" Inis na piksi ko.Oo, si Kevin nga ang driver na sumundo sa akin.

"Ang arte mo talaga." At binitawan ako.
Bastos talaga.

Akmang sasakay na ako sa likuran ng kotse ng...

"Talagang gagawin mo akong driver ano?" Hinila niya ako papuntang unahan ng sasakyan at binuksan ito

"Di ba sabi ni Allison,driver nila ang susundo sa akin?Eh de driver ka nga. Driver ka na pala ngayon ha.Wow!Level up.Congrats." pang-aasar ko sa kanya.Hindi pa rin ako sumakay.Naisip ko kasi na kapag sumakay ako ay makatabi ko siya. At kapag sa likod naman ako,tama nga naman siya, gagawin ko siyang driver talaga.

"Isang sat-sat mo pa Jasmine ha.Kaya sakay na." May pagbabanta ang tono niya.

"At kung ayaw ko,aber?" Tinaas ko pa ang isang kilay ko at namewang.

"Hahalikan kita dito mismo. I don't care kung maraming tao." Nakakalokong ngiti ang pinakawalan niya.
Halik lang naman pala eh.Eh de go!Bet ko yan. Harhar!

"Isa..." Nagsimula siyang magbilang.

"Dalawa..."

Nakatayo pa rin ako.Hindi ako nagpatinag sa pagbabanta niya.Hinihintay ko nga ang kiss eh.Hihi!

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!