Third Person's POV

"It was all my fault.Dahil sa katangahan ko." Biglang sumabat ang tunay na ina ni Kevin na si Karina.Napalingon naman ang lahat dahil sa biglang pagbasag ng katahimikan .

Napakunot naman ang noo ni Kevin.Paano kasi nangyayari ang lahat ng ito?Masyado na siyang nagulo sa biglang pagsulpot ng tunay niyang ina. At hanggang ngayon ay di pa rin niya lubos-maisip na niloko siya ng mga ito. Na,nangyayari ang lahat ng ito na para bang panaginip lang ang lahat.Isang masamang panginip na hindi mangyayari sa totoong buhay.Pero hindi eh.Totoo ang lahat.Nasa harapan siya ngayon ng katotohanan.Narito ang tunay niyang ina at ang nakilala at nabungaran niyang mga magulang pagkatapos ng aksidente niya noong walong taong gulang pa lamang siya.Sana,darating pa ang araw na maalala niya ang lahat.Sabi kasi ng kinilala niyang magulang ay temporary amnesia lang naman di ba?Kaya umaasa pa siya.

"F-fixed marriage." Narinig niyang sabi ng tunay niyang ina.

Fixed marriage? Nag-e-exist pala talaga noon yan? Sa isip ni Kevin.

Samantala si Karina ay lumingon sa mag-asawang kinikilalang magulang ng anak niya.Oo,nasasaktan siya.May kung anong karayom ang tumusok sa puso niya dahil ni hindi siya kilala ng tunay niyang anak.Ang Kent niya.

Sa pamamagitan ng mga tingin niya sa mag-asawa,ipinahiwatig niya sa mga ito na kung pwede niya ikwento ang nakaraan nila.Tumango naman ang mga ito bilang pagsang-ayon.

"Fixed marriage?" Si Kevin.Para namang bumalik sa realidad ang diwa ni Karina.Bumuga siya ng hangin at humugot ulit.

"Yes anak.Biktima kami ng daddy mo sa tradisyong iyan." Madamdamin niyang sagot kay Kevin. "Kaya makinig ka.Ike-kwento ko sayo ang lahat." At nagsimula na siyang alalahanin ang kahapon.

Flashback

Masaya siyang umuwi na halos maglulundag pa si Karina sa tuwa.Finally, ipinakilala na siya ng boyfriend niyang si Carlos sa mga magulang nito bilang girlfriend. Pero napahinto siya ng makita ang kinikilala niyang ama sa sala.Nakaupo ito sa sofa at parang seryoso.Chinese kasi ito.Kaya napaka-istrikto ng mukha.Walang kangiti-ngiti.

"Maupo ka sa harap ko." Ma-awtoridad na utos nito sa kanya.Itinuro pa ang katapat nitong sofa.Kahit kailan ay di niya naramdaman na minahal siya ng umampong ama-amahan niya.Tanging ang apelyedo lang nito ang ibinigay sa kanya.Dahil mas mahal ng mga ito ang tunay na anak.Ang kinikilala niyang ate na si Elydia.
Mabilis niya namang sinunod ang ama-amahan niya. "Tatlong buwan simula ngayon ay magpapakasal ka na sa anak ng business partner ko.Kilala mo naman siguro ang anak niyang si Greg di ba?Ang anak ng mga Sacramento?" Napahalukipkip siya.Hindi niya alam ang nararamdaman sa ngayon.Ipapakasal siya sa taong di niya minahal.Ang taong lihim na minamahal ng ate Elydia niya?Siyempre alam niya yun dahil close sila ng ate niya.Para siyang itinulos sa kinau-upuan.Bakit siya pa?Malamang dahil di naman siya anak ng mga ito.Inampon at ipinadala lang sa kanya ang apelyedo dahil sa business.

"Pero dad,hindi ko naman boyfriend si Gre -"

"No buts Karina.That's final.Now,leave." Mataas na boses ng daddy niya.Wala siyang nagawa kundi ang umiyak na lang.Paano na si Carlos?Paano na ang taong mahal niya.Ibinuhos niya lahat ng sama ng loob niya sa kwarto niya.

Minsan niya ng nakilala si Greg.Nakausap niya pa nga ito.Pero alam niyang di rin siya mahal nito.Mabait at magalang naman ang lalaking ito.

Dahil sa takot sa ama-amahan,pumayag na rin siya.Kahit pa nasasaktan siya.

Lakas loob niyang sinabi lahat sa kay Carlos ang totoo.

"No,di ako papayag Karina.Mahal na mahal kita.Nagmamahalan tayo.Kaya please,wag kang pumayag." Pagsusumamo nito sa kanya.Nasasaktan din siya ng labis para sa kasintahan pero kailangan niyang sundin ang daddy niya.Alam niya kung anong kayang gawin nun kay Carlos kapag ipinag-laban niya pa ito.

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!