Kevin's POV

"I love you." Pahayag ko sa kanya habang tinititigan siya. Hinihintay  ko ang sagot niya.Bigla kasi siyang nanahimik eh.Yun bang parang nag-iisip.Takte naman oh.Kinakabahan pa ako.Talagang na-deads na ako sa babaing ito. Hindi ko akalain na maiinlove ako sa kanya. Sa babaing ayaw ko sa lahat.Kahit palagi niya akong pinapahirapan,pero nahulog pa rin ako sa kanya.

At ngayon ay parang bibitayin ako sa isasagot niya.Naman Kevin!Kahit di ka pa sagutin niyan,wala ng kawala sayo yan. Sa isipan ko.

Mabuti na lang dahil nabuntis ko siya. Di ko naman talaga in-expect yun eh.

"Sweety...ano na?Sabi ko I...Love...You." Paglalambing ko sa kanya pero may mga pagdidiin ang last three words na sinabi ko. Tahimik pa rin kasi siya.Tinuluyan ko na ang pagtawag sa kanya ng sweety kasi pakiramdam ko naging normal akong tao.Parang kakaiba kasi ang nararamdaman ko sa tuwing sinasabi ko ang endearment na iyan na siya ang nagsimula.

Hindi ako mahilig sa endearment na iyan dahil korney yan para sa akin noon.

"Uhmmm...let me think Kevin.Yes, I love you too." Biglang sagot niya.Wow ang haba ng pag-iisip ah.Mga one second. Kaya kahit napatawa ako sa sinabi niya,bigla ko siyang niyakap at hinalikan sa mga labi ng ubod tamis.

"Sabi ko na nga eh,love mo ako.Thank you sweety." Nakangiting sabi ko sa kanya ng maghiwalay kami sa halikan. Sobrang saya ko.Daig ko pa ang nakakuha ng babae sa isang kindat ko lang.Kakaibang saya ang dulot ng pag- I love you too niya sa akin.Hindi ko akalain na mahal niya rin ako.

Niyakap ko siya ng mahigpit lalo.

"Eeehhhh...." Bulalas niya. Yun bang parang pinipigilan niya ang sarili.Maya't-maya pa ay pinapadyak na niya ang mga paa niya sa kama.

"Hey,what's wrong sweety?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Paanong di ako mag-aalala eh nakatakip pa ang mga kamay niya sa bunganga.Para bang tinatakpan niya ito para walang may lumabas na boses.

"Ehhhh...nemern kasi eh..." Sagot niya ulit at ipinadyak ulit ang mga paa.Kaya lalo akong kinabahan.

"What nga sweety.Please tell me." Pagsusumamo ko sa kanya.

"Eeehhhh...kasi nga... kinikilig ako sayo sweety eh." At isa pang padyak ng mga paa ang ginawa niya.Laglag ang panga ko na tumingin sa kanya. Gayunpaman ay masaya ako.

Pinakaba niya lang ako.Di ko kasi na-realize na kini-kilig pala yung reaksiyon niya.Pagdating talaga sa kanya ay nagiging bobo ako.

"So tayo na?" Sabi ko.Agad niya naman ako tiningnan ng masama.May mali ba sa sinabi ko?

"Umayos ka Kevin ha." Sumimangot pa siya. "Ano ito, joke-joke mo lang?" Pagpapatuloy niya. Ha?Bakit biglang umiba ang mood niya?

"Ano ba ang mali sa sinabi ko sweety?" Nilambingan ko pa lalo.

"Shunga ka kasi Kevin.Kung makatanong ka diyan ng 'SO TAYO NA' akala mo naman may kawala ako.Asawa mo na ako uy." Sabi niya na halatang iritado.May punto naman kasi siya.Mali lang ang pagkakatanong ko.

Sabi ko na eh.Pagdating sa babaing ito, nagiging bobo ako.

Napakamot na lang ako sa batok ko.

"Basta I love you.At maraming salamat sa pagmamahal mo sa akin Jasmine. Akala ko,mabibigo ako sa ipinagtapat ko sayo." Totoo naman kasi yun eh.Mayroon kasi siyang Kent. Kinuha ko ang kamay niya at ipinatong sa dib-dib ko.Gusto kong maramdaman niya na totoo lahat ang sinasabi ko.

"Akala ko nga,di mo ako kayang mahalin Kevin eh." Nakanguso na sabi niya.Isa pa ito siguro sa mga dahilan kung bakit minahal ko siya. Ang mga asta niya na parang bata. Pati kung minsan sa pag-iisip.

"Akala ko rin. At akala ko rin na di mo ako kayang mahalin.Maling akala lang pala." At napatawa ako.Sumabay na rin siya sa pagtawa sa akin.Para lang kaming mga sira na tumatawa na wala namang nakakatawa.

"I love you sweety.Love ko kayo ni baby." Nagseryoso na ako.

"I love you too sweety.Mahal ka rin namin ni baby.Kiss mo muna ako.Daliiiiii..." At itinulis pa ang nguso nito.Eh ano pa nga ba ang magagawa ko?Ito naman ang gusto ko eh.Maingat na hinalikan ko siya. Kung anong ingat ang ginagawa kong paghalik sa kanya ay mas pinag-igihan ko pa ngayon.Iba na kasi ngayon eh.Kailangan,maging best performance ang gabing ito sa gagawin ko sa kanya. At malaya ko ng maiparamdam sa kanya ang pagmamahal ko.Pakiramdam ko sa gabing ito ay freedom night.Kasi nga, pinalaya ko na ang damdamin ko para sa kanya na ikinulong ko.

------------------------------------

Jasmine's POV

"Sweety,isa pa dali.Pumikit ka pa.Gusto ko kasi yung may kaunting tigas eh.Ayokong makaramdam ng malambot at mabasa.Nakakainis!" Pamimilit ko sa kanya.

"Ayoko na sweety.Napapagod na ako.Ang sakit na ng katawan ko.Ang bigat mo kaya.At isa pa,baka di na ako makahinga." Akmang babangon na siya pero itinulak ko siya ulit.

"Kevin,ano ba?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Kung ayaw mo, iiwanan kita rito. Hirap na hirap akong patigasin ito tapos, ayaw mo?" Dugtong ko pa sa matigas na boses.

Napakamot na lang siya at pumwesto ulit.Kitamz niyo, ganyan siya ka-takot sa akin.

"Sige na nga sweety.Sige, damihan mo pa ang paglagay ng mga buhangin sa katawan ko.Patuyuin mo pa para maging matigas.Hindi ko alam kung bakit gustung-gusto mo yung buhangin na patigasin bago ilagay sa nakalatag kong katawan.Halos di na nga ako makahinga kasi umaabot na sa leeg ko." Maktol niya.

"Nagrereklamo ka?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Ganito kasi yun eh.Nandito kami ngayon sa beach. Nakahiga siya sa sand tapos tinatambakan ko siya ng mga buhangin na pinatuyo ko muna ng kaunti para tumigas.Ewan ko ba kung bakit gustung-gusto kong makita siya na halos di na makahinga sa tinatambak kong buhangin sa katawan niya.At pagkatapos nun ay pumapatong pa ako sa kanya. Gusto ko pa nga lumundag-lundag eh.Kaso naawa na ako.

Uy ha,akala niyo kung ano na ang ginagawa namin no.Napapa-green kayo no?Hihi!

Siya ba ang pinaglilihian ko?Kasi kapag nahihirapan siya, parang masaya ako na naaawa naman pagkatapos.

"Sige na nga sweety.Tumayo ka na diyan." Sabi ko sa kanya. Agad naman siyang tumayo at hinalikan ako.Ayan tuloy,nag-init na naman ang...
pisngi ko.Hihi!

"I love you sweety." At niyakap ako.Hanggang ngayon talaga ay kinikilig pa rin ako kay Kevin.Ang sweet-sweet niya kasi eh.Akalain niyo yun, magiging ganito siya ka-sweet sa akin.At mahal pa niya talaga ako.Grabi,sobrang saya ko ngayon dahil nagmamahalan kami.

Kaya thanks to coffee at baking soda.Dahil sa kanila,nagka-inlaban kami ng mokong na ito. Hahaha!

Kaya ipa-frame ko na yung mga balot ng baking soda at coffee.As a reminder na diyan nagsimula ang aming tadhana.Herher!

"I love you too sweety." Sagot ko sa kanya at nag-beautiful eyes pa.Oh,keri niyo ba ang kalandian ko?At siyempre, may kiss yun. Hmp!

Marami pa kaming ginawa dito sa Boracay.Nag-banana boating pa nga kami eh.Basta ang dami kaming nagawa sa honeymoon namin. At alam niyo rin kung ano ang pinakamarami naming ginawa.Sinulit na namin habang di pa nalubo ang tiyan ko.Harhar!

Parang wala ng mapaglagyan ang kaligayahan ko.Ginawa naming memorable ang aming honeymoon. Kaya umuwi ka sa Manila ng sobrang saya at may mga ngiti sa labi.

---------------------------------

A/N: OK. The End. Hahaha!Joke lang po.Sana patuloy nyo pa ring subaybayan dahil marami pang kaganapan dito.

Pagpasinsyahan niyo na rin po kung puro kamaisan(corney) ito ha.Corney din kasi ako.Hahaha!
Unedited and no reviewed. Kaya kung may mga wrong grammar at typos,intindihin niyo na lang po.
Thank You guys!

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!