Third Person's POV

Nandito ngayon si Karina sa mall upang magliw-aliw.Marami kasi siyang iniisip.At busy din siya sa nalalapit nilang kasal ni Greg.Ang dami kasing inimbitahan na mga panauhin.At ang kadalasan ay mga kilalang tao sa larangan ng business nila.Di alam ng daddy niya na buntis na siya.Tanging si Greg at Ate Elydia niya lang ang nakakaalam.
Ang kanilang nalalapit na kasal ay palaging nasa pahayagan.Kaya halos alam ito ng buong Pilipinas.

Bumalik na siya sa parking lot upang umuwi na.Napapagod na siya kasi.Siguro dahil sa pagbubuntis niya.

Nang akmang papasok na siya ng kotse niya ay may biglang humila sa kanya at agad siya nitong itinulak papasok sa katabing kotse ng kotse niya.

"Carlos?!" Nanlalaki ang mga mata niya sa gulat ng mapag-tantong si Carlos ang taong humila sa kanya.

"I missed you Karina." At walang pasubali na hinalikan siya nito.Wala siyang lakas upang sawayin ang lalaki Kaya nagpaubaya na lang siya.Isa pa,miss niya rin ito ng sobra.Pero ng ma-realize niya na ikakasal na siya at buntis na nga siya,itinulak niya ng marahan si Carlos.

"Carlos,ikakasal na ako sa makalawa.Kaya tigilan mo na ako." Napaiyak na rin siya.Masakit kasi eh.

"Hindi Karina. Alam kong ako ang mahal mo at hindi ang Greg na iyon.Ako di ba?" Nakita pa niya ang nanunubig na mata ni Carlos.Mahal talaga siya nito.Mahal na mahal. "Itatakas kita." Dugtong pa nito.Kaya doon na siya na-alarma.

Kaya wala siyang ibang ginawa kundi ang sabihin kay Carlos na buntis na siya.Nagulat ng una ang lalaki pero ng sa huli... "Ako ang kilalaning ama niyan.Kaya please Karina.Di ko kakayanin na makasal ka sa iba." Tuluyan ng pumatak ang luha ni Carlos.
Awang-awa din siya sa lalaking minamahal.Kaya nakapag-desisiyon na siya.Isa pa,di rin yata niya kakayanin na di si Carlos ang makakasama habang buhay.

"Hintayin lang natin na sumapit ang araw ng kasal namin Carlos.Para di ako paghinalaan ni daddy." Sabi niya kay Carlos.Kaya nagliwanag naman ang mukha ng binata.Nakagawa kaagad sila ng plano kung paano makakatakas.

Araw ng kasal...

"Anong ginagawa mo dito Elydia?" Gulat na tanong ni Greg kay Elydia.Pumasok siya kasi dito sa dressing room ni Greg.Mabuti dahil wala pa ang mag-aayos sa kanya.

"G-greg di mo ba ako minahal?" Napapalunok pa ang babaing kaharap niya.Nagulat siya sa tinanong nito.Kapag sinabi niya bang mahal niya rin ito ay matitigil ang kasal?Siyempre hindi.Si Elydia ang babaing lihim niyang minamahal.Kaya di niya magawang mahalin ang adapted sister nito.

Mabuti pa sigurong wag niya ng sabihin dito na mahal niya ito.Mahal na mahal.Di niya lang maipagtapat yan dito noon dahil alam niyang maliliit pa lang sila,itinakda na ng mga magulang nila ang kasal nila ni Karina.

"Hindi kita minah —"

"Nasaan si Karina?!" Halos mabingi sila sa sigaw ng daddy ni Elydia.Humahangos ito na pumasok.

"Nasa dressing room niya dad." Agap na sagot kaagad ni Elydia.

"Damn!Wala na siya dun. At hindi siya namin mahanap kahit saan!" Gigil na sigaw nito sa kanila.

"Pero dad..." Di na nadugtungan ni Elydia ang sasabihin dahil wala din  siyang masabi.Kaninang umaga niya pang di napapansin ang kapatid.Akala niya kasi ay busy lang ito.

"Tinakasan na tayo ng walang kwentang babaing iyon!Walang utang na loob!" Nangangalaiti na ito sa galit.

Wala na siyang nagawa kundi ang umuwi at puntahan ang kwarto ni Karina.

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!