*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Jasmine's POV

Mula sa kina-u-upuan ko ngayon,ay kitang-kita ko ang mala-orange na kulay ng araw na papa-lubog.

I'm facing the horizon.Dahan-dahan sa paglubog ang araw. Hanggang sa ang mga sinag na lang ang nakikita ko.

Unti-unti ko ring naramdaman ang malamig na buhangin na siyang kina-u-upuan ko ngayon.Nakalupagi kasi ako dito sa mapuputing buhangin na animo'y powder milk.Ang sikat na beach at ang dinadayo ng mga banyaga dahil sa angking kaputian ng buhangin nito. Ang boracay.

Pinapili kasi kami ng daddy ni Kevin kung saan kami magha-honeymoon.Kaya napili ko ang lugar na ito kahit pinilit pa nila kami na sa ibang bansa mag-honeymoon.Noong una kasi,Paris at Brazil ang pinag-pilian nila sa amin.Pero dahil gusto ko yung dito lang sa bansa, napili ko ang boracay.Pinangarap ko kasi ito noon na puntahan ito. At ngayon,nandito kami.Ito ang lugar ng aming honeymoon.

"Hi sweety.Baka mahamugan na si Baby." Sabay yakap niya sa likuran ko.Ang bruhong ito, si baby pa rin ang inaalala.

"Nasa loob ko pa siya ng tiyan Kevin." Inis na binalingan ko siya. Tinuluyan na talaga ang pagtawag sa akin ng sweety.Pero infairness, kini-kilig ako.Hihi!

"Eh,baka mapasukan ka ng hangin." Palusot niya.At saka tinakpan ang katawan ko ng beach towel. "Bakit ba kasi nag-two piece ka pa?" Maktol niya.

Oh yes.Naka-two piece kasi ako.Sinadya ko.Pagkarating namin kasi dito kanina,agad na nagbihis ako at iniwanan ko siya sa room namin sa hotel.Excited eh.

"Anong masama?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Malamig na Jasmine. At isa pa,maraming tao rito. Naglalakad kang naka-two piece." Yamot na sabi niya.Sa Regency kasi kami eh.Kaya paglabas namin sa hotel,kaunting lakad na lang ay beach na. Gusto niya pa nga sa Shangri-la resort kami tutuloy pero nagbago din ang isip niya kasi medyo malayo na daw yun.

"Naman Kevin.Maraming naglalakad dito na naka-two piece lang oh." Nakasimangot na sagot ko.Totoo naman kasi eh.Ang dami ko kayang nakikita.

"Pero buntis ka Jasmine." Sabi niya ulit.Ang daming dahilan talaga.Hindi na lang ako umimik.Pero nakayakap pa rin siya sa akin.Ano ba kasi Kevin.

"Tara,punta tayo doon sa restaurant na malapit sa dalampasigan.Mas maganda doon kasi candle light lang ang gamit nilang ilaw doon." Sabi niya at saka tumayo.Hinawakan niya ang kamay ko at tinulungan akong tumayo.

"It's our honeymoon sweety.Kaya wag mo munang itulis ang nguso mo diyan.Let's enjoy the moment." Sabi niya na nakangiti sa akin.

"Parang nescafe lang?" Natatawa kong tanong sa kanya.Bigla kasing pumasok sa isip ko ang commercial na nescafe.Yung may slogan na enjoy the moment.

"Yeah.Parang ganun na nga." At hinalikan ako sa mga labi. Kinilig tuloy ako.Ang mokong na ito kasi eh.Biglang naging sweet.

Nakarating kami sa sinabi niyang restaurant. Tama nga siya.Open ito at tanging ang mga kandila lang ang nagsisilbing ilaw.

Maraming tao at halos mga lovers ito. Malamig din ang ihip ng hangin dito.

Nang makatapos kaming mag-order ay nagsimula na kaming kumain.At siyempre, seafoods ang in-order niyang lahat.Tapos sinusubuan pa ako at pinaghihimay ng pagkain.Hindi tuloy mawala ang kaligayahang nadarama ko ngayon.Ang saya ko.Sobra.

Tinitigan ko siya. Pero kinindatan lang ako ng loko. Kaya umiwas tuloy ako ng tingin.

Naramdaman ko na nilalamig ako.Maya't-maya pa ay narinig ko na ang banda ba tumugtog sa stage na nakaharap sa amin.Nagsimulang kumanta ang vocalist.At ito ay ang kanta ni Elton John na CAN YOU FEEL THE LOVE TONIGHT.

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!