Note Muna: Mahalagang basahin ito para naman di niyo ako huhusgahan. This is a Work of Fiction.It means,gawa ng walang katinuang utak ko.Ang mga kaganapan sa chapter na ito ay Kathang-Isip ko lamang.Kaya kung di man totoo/realistic ang gagawin ko,ipagpaumanhin niyo at wag iaapply sa totoong buhay.Lalong-lalo na kapag pagdating sa sakit.Gumagawa ako ng nasa isip ko.Tulad ng sinabi ko sa ibang mga stories ko,ako ang tipong di mahilig sa GOOGLE .Tamad ako diyan.Kaya kung magreklamo ka sa kwento kong ito, aba'y mag- MILK TEA ka na para manahimik ka!
Hahaha! Thanks guys.Labyuh! *wink*

-----------------------------------

Kevin's POV

Hindi Kevin.Dahil anak kitang totoo...

Hindi Kevin.Dahil anak kitang totoo...

Hindi Kevin.Dahil anak kitang totoo...

Paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko ang mga katagang iyan.Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari sa paligid ko ngayon.Amputs! Ang gulo eh.Ang gulo.Lintek!

"A-ano ang ibig s-sabihin nito?" Garalgal ang boses ko.Pakiramdam ko ay nakaka-bingi ang katahimikang bumabalot sa amin ngayon.

Si daddy ang totoo kong ama?At si...ang babaing ito ang totoo ko ring ina na siyang adapted sister ng mom ko?Nakaka-gago lang.Anong kababuyan ito?

Ibig sabihin,bunga ako ng pagtataksil ni daddy at sa babaing ito na ina ko?Sa iisiping iyon ay napatiim bagang ako.Niloko nila ang itinuring kong ina — si mommy.Niloko din nila ako?Niloko nila akong lahat.

"Ano?!!!" Malakas na sigaw ko.Mabilis kong dinaluhan ang mesa at pinaghahagis ang mga bagay dito.Nagulat naman silang lahat sa inakto ko.Oo, naghuhurementado ako.Gusto kong magwala.Gusto kong ibuhos ang lahat na galit ko sa mga bagay na babasagin.

"Kevin,enough please...t-tama na sweety." Saka ko lang napansin ang asawa ko na nakayakap na sa akin.Pinipigilan niya ako.Pero binabale-wala ko ito. "K-kevin..." Namamaos na ang boses niya.Alam ko na sa mga oras na ito ay natatakot na siya. Pero galit ako ngayon.Galit na galit.

"Enough Kevin!" Dumadagundong na boses ni daddy.

"Wow dad,paano ako kakalma sa ginawa niyong pangga-gago sa akin?!Paano?!" Sigaw ko ulit. Kumuha pa ako ng isang bagay na babasagin at inihagis ito. Hindi ko na rin napansin kung anong bagay iyon. "Ginago niyo ako eh.Pinaniwala niyo ako na tunay niyo akong anak ni mommy.Pero ano?!...H-hindi pala..." Ngumisi ako at umiling. "...A-anak mo ako sa babaing iyan.Anak mo ako sa kapatid ng asawa mo!" Huminga ako ng malalim. "Tama ako di ba dad?Tama ako na..." Tiningnan ko muna ang totoong ina ko. "...anak mo ako sa kanya?!" Sigaw ko pa rin.

"Sweety...p-please...calm down." Si Jasmine.Napasapo ako sa noo ko ng makita ang asawa kong nanginginig na yata sa takot at umiiyak pa ito.Nakayakap na ito kay mama.

"Oo Kevin, anak. Pero makinig ka muna! Di mo pa alam ang totoong kwento. Anak nga kita sa kanya pero..." Matigas na sagot ni daddy.

"Pero ano dad?Don't tell me na di ko naiintindihan ang lahat?!Naiintindihan ko dad.Naiintindihan ko na niloko niyong dalawa si mommy!" Sa mga ginagawa ko ngayon,pakiramdam ko di ko na kilala ang salitang respeto.

"Hindi totoo yan Kevin.H-hindi ako niloko ng ama mo?" Biglang sabat ni mommy.Pareho na pala silang tatlo na nakalapit sa akin.At pilit na pinapakalma ako.Pero paano pa ako kakalma nito kung sakop na ng galit ang puso at isip ko?

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!