"I'm okay." I lied. I felt terrible. The scene replayed in my head, and I calmed myself by sipping the coffee to maintain my dignity.
"There's a shower stall down the hall on the right side. You'll feel better after you wash it all off. I'm going to give you some of my spare clothes."
Tumango ako habang tumatayo. Sinubukan niya akong tulungan nang muntikan na akong matumba pero tinaas ko ang kamay ko para pigilan siya.
Paika-ika akong naglakad papunta sa tinuro niya. How did TJ learn to swallow the pain? Because I just want to cry from how bad it hurts.
Anlagkit ng buong katawan ko at ramdam ko ang sakit sa mga parteng hindi ko alam kung bakit masakit. Pagpasok sa loob ng banyo at pagpindot sa ilaw, salamin agad ang bumungad sa'kin.
Hindi ko makilala ang sarili ko.
Pagod na ang mga mata ko, may tuyong dugo sa ilong na nakuha ko nang sinampal ako ng gago. Mayroon akong namumuong pasa sa gilid ng aking ulo at ang aking pulang buhok ay buhol buhol sa isa't isa, puno ng dumi at dugo—katulad din ng aking jacket at damit na punit-punit kung saan ako hinila ng lalaki, may dugo at dumi rin ito sa bawat gilid.
Kahit pilit kong pigilan, nangingilid ang luha sa mga mata ko.
Pagkatapos ng mahabang tingin sa salamin, binuksan ko ang gripo para hugasan ang bawat sulok ng aking kamay at ang dugo sa mukha.
Inilayo ko ang tingin sa salamin... hindi ko kayang tingnan ang sarili ko. Hinubad ko ang aking mga damit at marahas itong pinasok sa trashcan.
Ayokong maalala ang lahat ng ipapaalala nito sa akin.
Hinawakan ko ng mahigpit ang lababo, hindi ko na mapigilan ang tuloy tuloy na luhang nahuhulog sa aking pisngi. Nilinis nito ang madumi kong mukha at leeg.
Moving over to the toilet. I heaved and threw up on my knees. I threw up until I felt like my body was squeezed dry.
I curled over the toilet for a long time, and my lids got so heavy that I almost slept... or maybe I did because the next thing I know, the door opens and TJ comes in, looking like he came out of the bath. His hair is still wet, and I see the gauze on his forearms. He was newly patched up.
Nakatayo at nakatitig lang siya sa'kin na nakahubad at nakayakap sa basin. Ilang minuto kaya akong nakahiga dito sa lamig?
"Leave me alone." Naglakad siya papalapit at umiwas ako sa mariin niyang titig, "Don't look at me. I look like a mess."
Hindi siya nagsalita at binuksan ang shower, pinakiramdaman ang tubig gamit ng kanyang kamay para siguraduhing tama ang temperatura nito. Napailing ako sa kanya nang lumapit siya at lumuhod sa harap ko. Hindi ko ata kaya tumayo.
Seemingly understanding my nonverbal cues, he carried me. "I got you."
I felt the hot water burning my skin, but it felt nicer than the ice-cold water on the sink that made me shiver. Tears rolled down my cheeks, soaking his already ruined shirt.
"Sorry," Sabi ko habang nilalapag niya ako sa tiled bench, sa ilalim ng shower. Kumuha siya ng maliit na tuwalya at binasa ito ng mainit na tubig.
Lumuhod siya sa paanan ko, maingat na kinuha ang paa ko at pinunasan iyon. Wala siyang pakealam na nababasa siya uli kahit katatapos lang niya maligo. "For what, baby?"
"Dahil ganito ako." I am sitting here looking like a depressed, vulnerable loser.
Umangat ang tingin niya sa'kin. "Don't apologize. It's normal, Hope. This happened to me too."
Pinagmamasdan ko ang pagpupunas niya ng tuwalya sa aking binti.
"After the incident, I didn't talk for weeks. When I finished my first mission, I stayed in the shower for hours. Sometimes your brain needs to recover." Hinalikan niya ang tuhod ko. "I got you."
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 34: A Nightmare
Start from the beginning
