Strings 34: A Nightmare

Start from the beginning
                                        

Hindi ko na tinama na ang lalakeng ginawa niyang crash pad ang gumawa nito sa akin.

Lumabas kami at tinago niya ako sa dibdib niya. Pero kahit nakatago ako sa katawan niya, naamoy ko ang dugo—I could imagine the place must have looked like a massacre.

Idiniin ko ang aking mga daliri sa nagiinit na bahagi ng aking mga hita at napangiwi. Nilagyan na ito ni TJ ng tela, at tumigil ito sa pagdurugo.

Habang nag mamaneho si TJ, hindi ko maiwasang isipin na parang ganito rin ang pakiramdam ko nang nangyari ang insidente sa birthday ng kambal. But for some reason, this cuts me deeper. It feels much more damaging, much more traumatizing.

Nakaranas ako ng hirap. Sanay na akong magkibit-balikat at magpatuloy sa buhay, pero ngayon... hindi ko na alam.

I'm unsure if I could still live a normal life—Not after going through that, not after hearing things about me.

"Sabi niya, inutusan siya na kunin ako... at sabi mo hindi nila ako pwede patayin. Bakit?"

I turned to him. TJ must know something, right? Whatever it is, he's not telling me. It's impossible to think Itasaki is doing this because I'm his girlfriend.

"You know something, what?"

Nahulog ang luha sa mga mata ko nang hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig sa daan, nakahanda na ang baril na nakatago rito sa kotse sa hita niya, kung sakaling may sumunod pa sa amin.

"TJ. kausapin mo ako... I'm scared." I whisper.

"I'll explain everything, but not right now." He looked pained as he glanced at me. "I'm taking you to Ces Vallis."

Their security agency headquarters. Tumango ako sa pag intindi pero inis at galit ang namumuo sa akin. Gaano kalaki ba 'tong impormasyon na hindi niya masabi sabi sa'kin ngayon?

"Saan tayo pupunta?" Natanong ko nang makitang hindi ito ang daan papunta sa Ces Vallis. Daan 'to pauwi sa amin.

"We have to get your family."

Suminghap ako nang mapagtantong baka pati sila ay pinuntahan ng Itasaki—Mas lumakas ang kaba ko nang may dumaang ambulansya. Sinusundan sila ng mata ko habang mas dumahaan ang andar ni TJ dahil andaming taong pumapalibot sa daan.

"James..."

Hindi kami nakalapit dahil hinarangan ang kalsada. Pero kahit sa pwesto namin, nakikita ko ang safe house na nilalamon ng apoy. Mga bumbero, ambulansya, mga pulis, at mga kaptibahay ang nakakalat sa kalsada, kanya kanyang iyak at sigaw sa mga nangyayari.

"No no no no, what the fuck are you doing, come back!" Sigaw ni TJ nang mabilis akong lumabas kahit nararamdaman ko ang init ng sakit sa binti ko.

"No! Ate! Nana!" Nahuli niya ako sa bewang at nahampas ko siya. "Bitawan mo ako!"

"Calm down, Hope!"

"Nana! Please TJ! TJ yung nanay ko, si Ate Beauty, baka andon pa sila!"

"Fuck." He groaned. Natabig ko ang tyan niya at napabalik ako sa realidad. He's also hurt. Even if he says he's not, he is.

Pero bago ko pa siya tingnan, nakita kong nasa stretcher si Ate Beauty.

"Ate Beauty!" Pinigilan ako ni TJ at nagmamakaawa akong tumingin sa kanya na bitawan ako. "Sasabay ako sa ambulansya baka andon na rin si Nana."

"We have to go. It's not safe, baby." Hinawakan niya ang mga balikat ko at ang duguang mukha niya ang nagpaalala sa akin kung ano ang maaaring mangyari kung pupunta ako sa ospital para samahan ang pamilya ko. "I'll send agents, but you can't go."

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now