Strings 37: Questions

Start from the beginning
                                        

Irita kong hinila ang suot na gloves gamit ng ngipin dahil hindi ko parin matanggal, kaya kinuha uli ni TJ ang kamay ko para tulungan ako.

"Stop running away from me, baby. I need you."

Tinitigan ko siya habang inaalis niya ang benda. Huminga ako ng malalim. "I need time. Leave me alone. Ayaw ko na tumira sa Ces Vallis, I need space from all of you."

Hinila niya ako palapit. "I understand you're angry, but I am not letting you walk into the streets with Itasaki on the prowl. Do not make this worse by forcing me to restrain you."

Prowl? Restrain me? Those are some big words. Ba't ko ba nakakalimutan na gago siya?

"Tangina mo. Try mo." Tinapon ko ang wrap sa kanyang dibdib at lumabas ng gym mag-isa.


~~~


Bumalik na ang face-to-face setup ng St. Ceara at hatid sundo ang ginawa ni TJ habang naka convoy ang isa pang sasakyan. Sa campus lang ako nagkakaroon ng oras mag-isa, pagkatapos ay babalik sa Ces Vallis kung saan bumibisita naman ang mga magulang ko.

Tuwing tanghalian ay inaabutan ako ni TJ ng niluto niyang pagkain. Walang palya araw-araw, at wala akong choice kundi kainin 'to—Hindi naman sa walang choice, hindi lang ako nagsasayang ng pagkain.

Tinupad ba ni TJ ang request ko na gusto ko ng space? Medyo.

Hindi niya ako iniiwanang mag-isa, pero hindi niya rin ako kinukulit na kailangan naming ayusin ang kung anong meron kami. Paghatid, pagsundo, at pagbibigay lang ng lunch ang ginagawa niya.

Paraan niya 'to ng panunuyo, and at the same time pag respeto ng gusto ko.

Tinupad ba ni TJ ang sinabi niyang ibibigay niya sa'kin ang file niya? Oo.

"Ano 'to?" Tanong ko pagkapasok ko ng kotse nang inabot niya agad sa'kin ang isang folder.

"My file."

Dahan dahan ko itong binuksan na para bang may tatalon na insekto palabas. The first page contains his basic information, while the second page details his work history and experience at Ces Vallis.

Protective Investigation Department - Team Leader

A.M.M.O. - Captain.

Hindi ako lumingon nang lumabas ang tanong sa bibig ko, "A.M.M.O.?"

"It's the special operations team of Ces Vallis for... management." Nakaharap pa rin siya sa daan nang sinagot niya ako. Ang isa niyang kamay ay nakapatong sa gear, malapit sa akin pero hindi nakahawak.

Nakasulat ang buong experience at training niya. I skim the information, and every piece of word I read makes my throat close up. He's in Special Service Trainin,g and it's impressive, but the thought doesn't fail me that he was a literal kid when he started training.

Habang binabasa ko pababa ang papel, isang partikular na salita ang tumatak sa akin.

Torture.

Napahinto ako at binalikan ang paragraph.

Ang isang aspeto ng brutal na proseso ng recruitment ng Special Service ay sinasabing Resistance to Interrogation training, kung saan ang mga aplikante ay sumasailalim sa mga pamamaraan ng torture.

My mouth falls open. Horror floods through me as I start to connect the dots. His scars.

Huminto ang sasakyan dahil sa pulang ilaw at sumulyap si TJ sa akin, napansin ang pagbabago ng kilos ko. "Why? What's wrong?"

Lumingon ako sa kanya. "Torture?"

"It's part of the process." Sinusubukan niyang basahin ang mukha ko, pero pinipigilan kong makita niya ang pagkabigla ko.

"Kailan?"

"I was old enough." Mukhang alam niya ang sama ng loob ko kahit hindi pa ako nagsasalita.

I did not agree with his words. He was, in fact, not 'old enough'.

He trained at Special Service at age eighteen, but before that, he was already training at thirteen—information hidden under wraps because Ces Vallis would be under fire if the public knew they'd been torturing a minor for training.

I feel sick.

Tahimik lang ako sa buong byahe habang binabasa ang mga naging mission niya na nakadetalye sa report. Tahimik ako, pero sinisigawan ako ng utak ko na huminto.

But I don't, because reading every detail makes me understand him better.

Kanibukasan... ibang agent ang naghihintay sa'kin para ihatid ako sa St. Ceara.

Hindi ko alam kung dahil ba sinabi niya sa'kin ang buong detalye ng buhay niya at naisipan niyang hindi niya dapat ginawa 'yun o baka napagod na siya.

Hindi ako nagtanong sa agent na pumalit kay TJ kung anong nangyari pero pati lunch at pagsundo ay hindi siya dumating.

After everything he did, he grew tired of chasing me after all—Sabi ko pa nga. Dapat hindi na ako umasa uli.

Him giving up was long overdue... pero bakit kumirot ang puso ko?


~~~


"Ma JFK ka!"

"Luh JFK? Eroplano?" Nagsalita si Derry habang hawak ni Veronica ang cellphone na pinaglalaruan niya kanina.

"AFK pala! Perfect? Perfect ka?"

Napailing ako nang nagtatalo nanaman ang dalawa. Walang alam si Veronica at Derry sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw sa akin o sa kaguluhang nangyari dito sa St. Ceara—I'm both jealous and relieved.

Bagama't may mga usap-usapan na umiikot katulad ng gang war. Hindi ito kumpirmado. Walang magkukumpirma nito.

Sa paranoia, hindi na rin ako sumasama sa mga kaibigan ko sa publiko. Sa posibilidad na madadamay sila sa mga kaganapan sa buhay ko.

I don't want to risk anyone's safety anymore... Kahit isang porsyentong posibilidad lang na mangyayari.

Nung una ay nagtataka pa ang dalawa na agad agad na akong umuuwi, pero kalaunan ay nasanay na rin sila.

Lumingon si Veronica sa'kin. "Uuwi ka na?"

Tumango ako.

"Mamaya na ako. Traffic pa naman sa EDSA. Mas matagal pa kaysa sa relationship namin."

Sumabay ako sa tawa ng dalawa, kahit hindi ko nararamdaman na totoo ang lumalabas sa bibig ko.

Isang araw ko lang hindi nakita si TJ pero hindi na ako mapakali sa kakaisip kung anong nangyari sa kanya. Hindi na dapat ako nagulat. He did this before, and this is the third time already... pero hindi ko parin mapigilan mag-isip.

Iba na rin ang agent na sumusunod sa akin, at hindi na ako nag-effort na kilalanin sila dahil sa mga nangyari kay Vernon at Christian.

Ang pangit pakinggan pero pinoprotektahan ko lang ang sarili ko. I don't want to be attached knowing they'll leave like the pair before them.

Hindi na ako na-update sa kalagayan ng dati kong mga bodyguard. Ang sinabi ni TJ sa'kin ay okay naman ang dalawa at binigyan sila ng mga araw para magpahinga. Pero pagkatapos non ay wala na.

Napahinto ako sa pwesto.

Lahat ng pag aalala ko ay nawala nang makitang naka abang sa'kin sa parking lot ang iniisip na lalake. Mabilis akong nagpaalam sa mga kaibigan ko para tumakbo sa naghihintay sa'kin.









\(`0')/

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now