Strings 37: Questions

Start from the beginning
                                        

"Believe that I want what's best for you." He breathed deeply, mirroring mine. But it's not from exhaustion, it's from our own emotions. "You asked me who I am. You're important to me, and at the same time, I'm assigned to protect you. You are a top priority. Your father wouldn't cooperate if something happened to you. That's my normal."

"Pero hindi 'yun ang akin."

None of this is fucking normal. TJ might think being hunted down to be killed is normal, but it's different for me. Hindi ako nag-sign up para sa buhay na 'to.

"Niloko niyo ako. Para mo akong pinaikot-ikot." Napailing ako sa kanya. Hindi ko na binigyang pansin ang tuloy tuloy na pumapatak kong luha. "Tawang tawa ka siguro no? Sinabi ko sa'yo ang kwento ko, pero lahat pala ng 'yun mali. Mas alam mo pa pala ang totoong storya ko."

Sumimangot siya, "Baby, why do you do this? Why do you create twisted stories like this in your head? Why are you hurting yourself?"

Lumapit siya pero umatras uli ako habang nararamdaman ang luha kong sumasabay sa pawis kong dumadausdos sa aking leeg. Inilahad niya uli ang kanyang kamay pero umiling ako, ayaw ko na siyang saktan.

"Hindi ko na alam." Nakakuyom ang kamao ko nang bumulong sa kanya. "Parang bangungot to lahat. It feels like I'm in hell. Gusto ko tumigil ang lahat kahit putanginang segundo lang."

"Then why would you stop in hell? Keep going. Even if you don't want to, I'll be with you. Don't bring yourself down. We—I fucked up not you."

Ilang segundo kaming binalot ng katahimikan habang nakayuko ako, nakatitig sa boxing gloves na suot. Bumalik ang tingin ko sa kanya nang nagsimula siyang magkwento.

"Learning about the mission... It was interesting to know that you were the person I'd protect. The request to protect you from afar was absurd, but seeing you with your friends... You looked so carefree. You wouldn't have that while living this life—You would be living in fear."

Napaiwas ako ng tingin kasi ito na ang nangyayari sa'kin ngayon. Hindi na ako pwedeng tumagal sa kahit anong lugar sa takot na baka may dumukot sa akin o may magsimulang magbarilan.

Nabubuhay sa takot araw-araw, iniisip kung sino ang mamamatay sa susunod na araw, pamilya ko ba? o baka naman ako?

"That is why I will never regret not telling you immediately who you are." Mas lumapit siya. "I want you safe. I need you safe."

The absolute sincerity in his gaze broke the final barrier of icy wrath I'd been clinging to. "Bakit ka gan'to sa akin? You hate Itasaki—"

"Stop. Don't continue that sentence, Hope. I hate the members not you." Alam niya na agad ang gusto kong sabihin.

Pinagmasdan niya ako ng napakatindi na tila nakikita niya ang kaluluwa ko—na parang hinuhubaran niya ako gamit lang ng kanyang mga mata.

Pero naaalala ko ang sinabi niya noon, alam ko kung gaano kalakas ang pagkamuhi niya sa mga miyembro. 

Hindi lahat ng miyembro ng Itasaki ay nakiisa sa trahedyang nangyari sa kanila pero ipapabagsak daw niya ang organisasyon at isasama niya sa kanyang paghihiganti ang pamilya ng mga 'to.

"Are you planning on killing my father?"

Nanginig ako sa pagbanggit ko sa aking tatay. I don't have a good relationship with him now, but I want to at least try in the future.

"Would that upset you?" Tahimik na tanong ni TJ. Umamin siya, "I want to. But because of you, I won't."

"Salamat ha?" I sarcastically uttered. Napailing ako sa sinabi niya at sinumulang tanggalin ang boxing gloves. Bakit ba kung magsalita siya parang ang dali lang pumatay? My first—and hopefully the only one, causes nightmares, makes me jittery and not sleep.

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now