Strings 37: Questions

Start from the beginning
                                        

And I absolutely hate what they did.

I hate that he's a part of it.

Kahit ginawa nila para sa kaligtasan ko, minanipula pa rin ako. I was manipulated to experience shitty things.

Pakiramdam ko, may sarili akong Truman Show.

Natawa ako dahil sa frustration. Hindi ko alam kung tatawa, iiyak, o sisigaw dahil sa galit.

Nagulat ako nang umalis siya sa tabi ko. Nakatitig lang ako sa kanya gamit ng nakabusangot kong mukha at nakitang kumuha siya ng hand wrap at boxing gloves bago bumalik sa tabi ko.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko nang kinuha niya ang mga kamay ko para balutin ito.

Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero mas hinigpitan niya ang hawak sa'kin.

"Throw your frustrations at me. Stop bottling it in. Speak."

I scoffed. "Tangina mo. I hate you."

"Good. What more?"

"Tangina mo TJ!" Napasigaw ako nang hindi man lang nagbago ang mukha niya sa mura ko. "Was our first meeting even genuine?"

Lumingon siya sa'kin sa gitna ng pagpulupot ng bandage bilang senyas na ipagpatuloy ko ang pagsasalita.

Huminga ako ng malalim para magpaliwanag pero hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil pati ang puso ko ay sumakit sa posibilidad. "Nung bata tayo... was it–was it..."

Tinitigan niya ako na parang ang weird ko. "Real? That was real, Hope. We were kids. Nobody pushed us to meet. It was us who chose each other."

Napapikit ako ng mahigpit para hindi tumulo ang aking pagluha. Hindi niya kailangang malaman na gumaan ang loob ko sa sinabi niya... I'm happy that that part of our relationship is true.

"Anong ginagawa mo?" Pagod kong tanong nang ipinasok naman niya ang mga kamay ko sa boxing gloves.

"Hit me."

Sinundan siya ng mata ko nang kinuha naman niya ang boxing pad sa gilid. Sinuot niya 'yon. "Bakit?"

"Hit me." Tinapik niya ako. "You need the release."

Napailing ako, "Baliw ka ba?"

"Yes. You can't keep on avoiding me, Hope. If you don't know how to say it to me, hit me."

"That's a dumb statement. You're insane. I can't!"

"You can, and you will. Hit. Me."

Tinapik niya ang mga kamay ko at mabilis ko siyang tinapik pabalik, "Stop!"

"You hit like a little kid. You hate me right? Hit me. Inisip mo pang niloko kita bata palang tayo."

"Hindi mo ako masisisi! You manipulated my life!"

Frustrated, I let out a guttural sound and punch the boxing pad raised. Hindi ko na napigilan ang tumulo kong luha.

"From me getting fired to—to what? Ano pa pinlano mo? Ano pa? Ano pa ang hindi ko alam?" Tuloy tuloy ang pagsuntok ko sa nakalahad niyang mga kamay at hindi siya pumalag ni isang beses.

"I didn't plan on falling in love with you."

Buong lakas ko siyang sinuntok at mabilis akong napatigil nang tumama ang kamao ko sa dibdib niya. Hindi niya 'yon sinangga ng pad. "Tangina mo."

"I'm telling you the truth." 

Umatras ako sa kanya. Hindi hinayaan ang sarili na bigyang pansin ang sinabi niya. "Hindi... Hindi ko na alam anong paniniwalaan ko. What's a lie, what's genuine? What's normal?"

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now