Strings 33: Love, Death, & Yakuzas

Começar do início
                                        

"Kung ayaw mo mangyari ang mga 'yon, buksan mo na ang pintuan Miss. Paglalaruan ka lang namin."

They're four men. They can outrun me any day.

Binuksan ko ang back door para i-fake ang aking exit. Pagkatapos, mabilis akong tumakbo sa kabilang dulo ng simbahan para umakyat sa hagdanan, sabay na hinahakbangan ang dalawa hanggang tatlong hakbang.

Inikot ko ang tingin sa bell tower, wala itong pader at wala akong ibang mapagtataguan maliban sa mga crates, plywood, at hollow blocks. Babalik na sana ako sa ibaba nang marinig ko ang pagsira ng pintuan. 

Mabilis akong tumago sa gilid, sinisiksik ang sarili sa nakatayo na plywood.

Sinubukan kong italas ang aking pandinig habang nakikinig sa kanilang mga galaw. Ipinagdarasal na sana bobo sila at isiping tumakbo ako papunta sa likod para maiwan ako ritong mag-isa.

Narinig ko ang mura at takbo nila papalabas at lumuwag ang aking hininga.

Naghintay ako ng ilang minuto para masiguradong nakaalis na sila bago tumayo, pero bago ko pa magawa 'yun, isang kamay ang humila sa buhok ko at napasigaw ako.  

"Talino ah."

Sharp pain pricked the tips of my scalp as he pulled my hair, kaya sinubukan ko siyang kalmutin gamit ng matulis kong kuko... But in retaliation, he reached out and backhanded me across the face, making me fall. As my body struck the pavement, I was aware of the pain, together with the taste of dirt and metal in my mouth.

Sumipol siya para tawagin ang kanyang mga kasama. 

Sakto namang lumingon ako para makitang inaabot niya ulit ako, kaya dinuraan ko siya sa mukha.

"Putangina mo." Mura niya.

"Putangina mo rin." Ramdam ko ang pagtulo ng luha ko pero nanatiling matatag ang sama ng tingin ko sa kanya.

May narinig akong tumatakbo paakyat rito at nanghina ako lalo nang makita ang dalawang kasamahan niya. Umakto siyang hahawakan uli ako, kaya bago pa niya magawa ay ipinagsisipa ko ang aking paa sa kanyang dibdib. It was a feeble attempt because my legs had no strength from running too much.

Nagpakawala siya ng tunog at inihagis ang paa ko sa magkabila niyang gilid, pinatungan ako, at tinulungan pa siya ng dalawa habang tumatawa.

Panic ate at me, realizing our position.

Hawak nila ako sa braso at binti, at hindi ako makagalaw. Napangiti siya ng makita ang takot sa aking mukha.

"James! James!" Sigaw ko sa kanya habang pinagtatawanan nila ako.

"Patay na ang boyfriend mo prinsesa." Sabi ng isa sa kaliwa ko.

Sinamaan ko sila ng tingin. Hindi ko tatanggapin 'yon.

"Bigyan ka namin ng memorabilya na maaalala mo habang buhay, Miss Scarlet?" Nakangisi ang pumatong sa akin at naglabas ng isang patalim. "A scar, perfect for your name."

Ipinagdiinan niya ang kanyang balakang sa'kin at kinaladkad ang kanyang kutsilyo sa ibabaw ng aking damit patungo sa aking singit, lumaban ako. Lumaban ako na, nang hinila niya ang pantalon ko para punitin ang gitna, tumagilid ako sa tamang oras para maiwasan ang talim, ngunit nagresulta pa rin iyon sa paghiwa ng aking hita.

Napasigaw ako. Hindi ko pa naranasan ang ganitong sakit sa buhay ko. Pakiramdam ko pinupunit ang balat ko.

Nawala ang bigat sa kaliwa ko nang tumayo ang isa at kinuha ang baril na nabitawan ko kanina. Napasigaw ako nang makitang itinutok niya 'yon kay James na kakarating lang.

"TJ!"

Nakakatakot tingnan si TJ nang tumatakbo siya papunta sa'kin, nakatutok ang kanyang mga mata sa mga lalakeng nakapalibot sa'kin na parang gusto niyang balatan ng buhay ang mga 'to. 

Muntikan na siyang tamaan ng bala habang kumukuha siya ng bloke ng semento para itapon sa lalake. Napaungol ito sa sakit nang tumama ito sa kanya, at nahulog ang baril habang inalalayan niya ang sarili.

Habang distracted sila ay inabot ko ang kahoy na nakapa ko at hinampas ang manyak na nakapatong sa'kin. Napaurong ang kanyang ulo pero hindi siya umalis sa taas ko. Nagkatinginan kami ng sandali nang kinuha niya ang kahoy sa mga kamay ko at aaktong hahampasin ako, nang ihagis ni TJ ang kanyang kutsilyo.

Dumaplis ito sa mukha ng lalake, at mabilis siyang tumayo nang mapagtantong mabilis na lumalapit si TJ. Tumakbo ang goon papunta sa kanya, at sinunggaban para mahulog patungo sa butas sa tabi ng hagdan. Napaatras siya patungo sa nakanganga na butas, ngunit nahuli niya ang leeg ng lalaki at kinaladkad siya kasama nito.  

"James! No!"

Bellow us, crashing grunts echoed the empty church. 

Tumakbo ako papunta sa gilid para tingnan siya nang naramdaman ko ang paghila sa buhok ko. Horror went through my nerves as I screamed when he slammed me down. Ramdam ko parin ang sakit sa aking balakang nang hinila niya ako palayo sa hagdan. "Ah!"

"Hope!" Rinig kong sigaw ni TJ, umalingawngaw ang boses niya sa simbahan. 

For a second, nabawasan ang takot ko. At least mukhang okay siya kung nakakasigaw siya ng ganoon.

Pero ang layo niya...

Tumakbo ang isa pa nilang kasama nang marinig na tumatakbo paakyat si TJ.

Sinuntok ng humawak sa akin ang mukha ko, at pakiramdam ko ay umiikot na ang mundo ko nang muli akong bumagsak sa sahig.

"Tangina nasuntok nanaman kita." Hinila niya ako patayo, "Sabagay, ang utos dadalhin ka lang ng buhay. Walang sinabi na hindi ka pwede paglaruan."

Malakas akong tumama sa kahoy na sahig nang ihinagis niya nanaman ako, pero bago pa ako makabangon, naramdaman ko ang maliit na bump sa aking hita.

"Bakit niyo ba to ginagawa?" Sinamaan ko siya ng tingin habang kinakapa ang patalim sa ilalim ng hita ko.

"Dahil utos ni boss. Bonus nalang kung mamamatay ang Del Valle sa baba." Binalot ako ng galit nang marinig ang mga salitang 'yon sa kanya. 

Nang umakto siyang aabutin niya ang katawan ko, mabilis kong itinaas ang aking kamay na hawak ang patalim para lumayo siya sa akin.

He laughed at my feeble effort to fight him, pero hindi niya inaasahan na tatakbo ako patungo sa kanya, sumisigaw habang iwinawasiwas ang kutsilyo hanggang masaktan siya.

Hindi niya pwedeng saktan si TJ. Hindi ako papayag.

Nahuli niya ang kamay ko para hilahin papunta sa kanya. Hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ko para makuha niya ang patalim sa'kin. For a second, I froze just like I did when I held the gun at them—It was all in a second because anger still flamed inside of me. I don't want James and I dying tonight.

Sumigaw ako at sumigaw rin siya nang tumama ang patalim sa kanyang mga mata. Inikot ko ang sarili kong mga kamay para makatakas. A zing of pain shoots through my whole arm, but I don't stop. I'm not going to give up until we get out of here.

Grabbing the gun on the floor,  I flick the safety and snap my eyes to his. James' voice echoing in my mind.

Safety off.

Cock the hammer.

Shoot.

Alingawngaw ng baril ang sumabog nang binaril ko siya.

Napasigaw siya sa gulat pero kahit dumudugo ang kanyang tiyan, lumalapit parin siya sa akin. 

Sa gulat at panic na gumagalaw parin siya, malakas ko siyang tinulak palayo.

Our eyes locked as he fell through the open window.

Crack. I heard his body crack.

I killed someone.









( · ❛ ֊ ❛)

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Onde histórias criam vida. Descubra agora