The touch of his lips on me entered my body like a drug. I missed his taste so much that I couldn't help but raise myself on tippy toes so I could bury myself in him.
Lumagpas sila sa amin at minata ko ang mga goons bago humiwalay. Dalawa kaming hindi kontento sa binigay namin sa isa't-isa pero hinila niya ako pabalik sa eskinita.
Ngunit habang lumiliko, lumingon ang dalawang goon at nahuli pa ng isa ang aking mga mata. "Run."
Napamura siya, "Well fuck, it didn't work."
Hinawakan ko siya ng mahigpit habang umiinit na ang paa at hita ko sa tagal naming tumatakbo. Nakarating kami sa lumang simbahan na nire-renovate at nakaparada ang pulang kotse ni Mark sa gilid. Kahit ilang metro ang layo, binuksan niya ito gamit ang fob para makatakbo agad kami sa loob.
"Close your eyes, baby."
Before I could even close my eyes, I saw how he pulled the trigger and repeated shots toward the group of men. Wala na silang mga baril kaya andaming natamaan, pero para silang zombie na may isang goal lang sa buhay.
"Go in!" Itinulak ako ni TJ papasok ng kotse habang bumabaril parin.
Nang itapon niya ang walang laman na baril at ipinalit ito sa isang kutsilyo, sumigaw na ako. "James!"
Agad na pumasok si TJ nang marinig ako, ang kaso, pag upo ko palang sa kotse, biglang bumukas ang pintuan ko at may humila sa akin palabas.
"TJ!"
Lumabas ulit siya at nilalabanan ang mga lalaki gamit ang kanyang kutsilyo at kamao para makarating sa akin.
Sinipa ko ang lalake sa kaliwa habang sinusubukan kong abutin ang baril na nakatago sa aking bewang... pero mariin ang hawak nila. Irita ang namuo sa aking buong katawan nang maramdaman na wala akong magawa, at ang dali lang sa kanila buhatin ako kung san man. "Bitawan mo ako!"
Binuhat ako ng dalawang tao, at sumigaw ako para kay TJ na pinalibutan ng mga lalaki. Nakita ko siyang nagpupumiglas habang pinipigilan siya at kitang kita ko ang alala sa kanyang mukha.
Nasa simbahan na kami nang makita kong paparating ang isang sasakyan at naglalakad sila papunta rito.
No. No. No.
Baka adrenaline 'to, dahil ginamit ko ang buo kong lakas para i-headbutt ang goon sa aking kanan at napabitaw siya. Binalot ng sakit ang aking ulo habang hinihila ko ang sariling kamay, para kunin ang baril na nakatago sa aking likod.
"Bitaw!" Nagulat sila sa pag angat ko ng baril at sabay sabay silang napahinto habang umaatras ako palayo.
Gusto kong hilahin ang gatilyo, pero nanginig ang aking kamay habang ginagamit ko ang baril bilang shield. Ang pagtama ng mga target sa shooting range ay iba kaysa sa aktwal na pagbaril ng tao. Hindi ko alam kung bakit hindi gumagalaw ang mga daliri ko, hindi ko ma-off ang safety ng baril.
Napansin ng isa 'yon at tumawa siya, "Hindi ka gumagamit ng baril noh?"
Fuck.
Ang isa ay naglakas-loob na lumakad patungo sa akin, at kahit na sinisigawan ko ang sarili kong mga kamay na barilin siya. Hindi ko kaya.
Kaya tumakbo ako.
Tumakbo ako at apat na Itasaki ang sumunod sa akin sa lumang simbahan. Sinarado ko agad ang pintuan gamit ang mahabang kahoy at napaatras nang sabay sabay nilang sinubukang buksan 'yon. Madilim at ang buwan lang ang nagsisilbing ilaw ko sa lugar habang naghahanap ako ng kung ano ang pwedeng makatulong sa'kin—nang makita ko ang back door.
"Pag nakapasok kami, puputulin ko ang paa mo para hindi ka na makatakbo, at paglalaruan kita hanggang mawala ang boses mo kakasigaw."
Tumawa sila.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 33: Love, Death, & Yakuzas
Start from the beginning
