Strings 33: Love, Death, & Yakuzas

Start from the beginning
                                        

"I'll tell you where she is if we switch."

"Sinungaling."

"Why would I? My men are much more important than some piece of pussy." Alam kong nagsisinungaling siya pero uminit parin ang puso ko sa inis.

"Kaya sabihin mo na kung nasaan siya kung importante pala ang mga tao mo." Mas idiniin niya ang baril kay Vernon.

"I'll lead you to her if we exchange first."

Seemingly tired of his adamant personality, tinulak niya palayo si Vernon at iminuwestra ang baril para lumapit si TJ.

Naglakad siya papalapit at paulit-ulit kong iniisip na dapat magtiwala ako sa desisyon ni TJ. Sana alam niya ang ginagawa niya, dahil ginagamit ko ang buo kong lakas para pigilan ang sarili na magpakita, dahil inaalay niya nanaman ang kanyang buhay para sa'kin.

Lumukso ang puso ko nang itinutok ng lalake ang baril sa noo ni TJ nang pumwesto siya sa harap nito. "Nasaan ang babae?"

Hindi nagbago ang ekspresyon ni TJ—na parang hindi nakataya ang buhay niya sa nangyayari. Inikot niya ang tingin sa paligid at ngumiti, "There she is."

Napasinghap ako nang mapagtantong tinitingnan nila akong nakasilip sa basag na salamin ng kotse. 

Na-distract ang lalakeng naghahanap sa'kin at 'yun ang segundong hinahanap ni TJ para mabilis niyang hawakan ang baril para ipihit palayo. Pero hindi nabitawan ng lalake ang baril at hinila ito pabalik. Imbis na hilahin pabalik, itinulak naman ni TJ ang kanyang timbang pasulong, at nawalan ng balanse ang lalaki. All of a sudden, nasa kanya na ang baril at tinutok ito sa kaharap.

Kung tama ang panahon, gusto kong kiligin sa pagka-astig ng nangyari.

"You have been warned." Pag-iling ni TJ. Mabilis kong sinarado ang aking mga mata bago ko marinig ang pagsabog ng baril at pagtama nito sa ulo ng kalaban. 

Sigaw galing sa mga goons at isang batch nanaman ng mga bala ang lumipad, kasama ng labanan ng mga kutsilyo at mga kamao.

"Fucking suicidal shit." Napamulat ako sa hila sa akin ni Mark palabas ng kotse, napansin kong hawak niya ang braso niyang may daplis ng bala.

"Mark yung braso mo!"

"I'll live."

Tinulak niya ko papunta sa kabilang exit at dumating si TJ sa tabi ko.

"Take my car. It's right outside the old church." Itinapon niya ang susi at sinalo ito ni TJ sa ere habang hinawakan niya ako sa kabilang kamay para hilahin ako palabas. 

"TJ paano sila?"

"They can take care of themselves."

Malayo na ang natakbo namin nang marinig ang maraming pares ng mga paa na sumusunod. Men in casual clothes, faces dripping in blood and sweat.

"James!"

Lumiko kami sa isang eskinita nang makita sila—palayo sa kung saan naka-park ang kotse ni Mark.

Lumabas kami patungo sa isang barangay at may mga tao pa rito kaya kinabahan ako na baka madamay sila sa kaguluhang nangyayari.

"Fuck." Itinago ni TJ ang kanyang baril at itinulak ako sa isang poste na malapit sa ibang mga nagtitinda. "Kiss me."

"Siraulo ka ba?" Hindi ito ang oras para rito!

Bago pa ako makaalis sa pwesto, hinila na ako ni TJ papunta sa kanya at hinalikan ako. Nilabanan ko siya ng mga... kalahating segundo—nang makitang may papalapit na goon, ako na ang humila sa kanya payakap sa'kin.

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now