Strings 33: Love, Death, & Yakuzas

Start from the beginning
                                        

Napalingon ako at nakitang limang van ang sunod sunod na pumasok. Hiniling at nakiusap ako sa lahat ng mga santo na back-up din sila, pero nang makita ko ang parehong itim na van mula kaninang umaga, nasira na ang pangarap ko.

"Go go go." Kalmado pa rin ang boses ni TJ nang inutusan niya ang agent na magsimulang mag maneho.

Mabilis na umandar ang kotse namin at hinila ni TJ ang ulo ko payuko sa katawan niya. Pero bago pa kami makalayo, tunog ng gulong ng aming sasakyan ang pumutok at itinama ng agent ang kotse sa isang poste.

"Fuck!" Sigaw ng agent at inilabas ang kanyang baril.

Hinawakan ni TJ ang mukha ko at hinuli ang aking atensyon. Napansin na nanginginig nanaman ang aking katawan.

"Stay down on the floor, don't talk, and don't ever go out. They won't kill you—they're not allowed to, but they'll take you from me." Hindi pa nag sink in sa akin lahat ng sinabi niya, nang umalis siya hawak ang isang baril at ang kanyang kutsilyo.

But what about him?! Pano kung siya ang pinatay? Gago ba siya?

Umulan ng bala kaliwa't-kanan at napadapa ako sa lapag, hawak ang ulo ko para protektahan ang sarili sa tumatalsik na bubog ng salamin.

"They're running out of bullets," Pagobserba ni Mark nang tumahimik sila.

"Two with guns left, the other has knives." Narinig ko ang pag-supply ni Allan ng impormasyon habang nag take cover sila sa gilid ng kotse.

"You get the left, Mark takes the right. I'll go straight."

Lumabas si Chance galing sa likod ng mga goons at naging cue 'yon para lumbas sila sa kanilang taguan. Siniksik ko uli ang sarili ko sa sahig ng kotse nang nagsimula silang maglabanan. 

Grunts, orders, gunshots, and falling bullet casings blended as one.

"Hold your fire!" Sumigaw si TJ at dahil doon sumilip ako sa mga nangyayari. Pinigilan ko ang aking pagsinghap nang makitang hawak nila si Vernon. Bugbog sarado siya. Namamaga ang kanyang kaliwang mata at hawak ang sarili niyang kamay na parang nabali ito.

May isang lalake na hawak si Vernon at nakatutok ang baril sa sentido ng agent. "Drop your weapons."

"Put your gun down." TJ gritted his teeth.

"Drop!" The man fired a warning shot upwards, but none of them flinched.

Binalik niya ang baril sa sentido ni Vernon at namilipit ang kanyang mukha sa init ng baril. Minata ni TJ ang kanyang mga agent at dahan dahan nilang binaba ang kanilang mga armas sa lapag.

Kinapa ko ang baril sa likod ko. Hindi ko alam kung dapat ko ba 'tong gamitin. Baka mas mapahamak ko pa sila kung ilalabas ko 'to.

"Now put the gun away from him before I kill you." Hindi inalis ni TJ ang mata sa lalake at hinigpitan nito ang hawak kay Vernon na umungol sa sakit.

"Nagbibiro ka ba? Kami ang may hostage dito."

"Nope, not kidding. Put the gun down, or you'll be a head shorter." Minata niya si Vernon at nagsalita, "Exchange me for him."

Umapila si Vernon, "Sir."

"Let's. Exchange."

"Sir, you don't need—"

"Shut up Marquez. I'm much more valuable than him, take me." Suminghap ako at di na mapigilan ang pamumuo ng aking luha. What the fuck is he doing?

Hinawakan ko uli ang baril sa likod ko. Paano ko sila matutulungan?

Nang uuyam siyang tumawa, "Hindi ka namin kailangan. Kailangan namin ang babae, asan siya?"

Bakit ba ako ang hinahanap nila? Akala ko gusto nila akong saktan dahil girlfriend ako ni TJ. Pero ngayon na nasa harap na nila ang isang Timothy James Del Valle, ako parin ang hinahanap nila? Para saan? 

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now