"Anong... anong ginawa mo?!" May sinasabi yung lalake, baka sagot na 'to sa mga tanong!
Tumakbo ako papunta sa kanya.
"Was there any reason to keep on listening? He's spouting nonsense." Kumunot ang noo niya sa akin, "I told you to close your eyes. You'll see me in your nightmares again."
There's a lot to unpack from what he said. Una, kailan niya pa nalaman na napapanaginipan ko siya? Pangalawa, paano ako pipikit kung naririnig ko naman lahat ng nangyayari?
"I won't hurt you, Hope."
Nanlambot ang mata ko. Iniisip niya ba, na siya ang nananakit sa'kin sa panaginip ko?
He wasn't looking at me. He was staring down at the men he murdered, something dark and dangerous and frighteningly still in his expression. Dapat siguro matakot ako sa kanya... siguro onti? Pero hindi ko kayang matakot ng tuluyan kay TJ, sa dami niyang ginawa para protektahan ako.
"Alam ko."
Mabilis kong kinuha ang patalim na nabitawan ng isa sa lapag, tinanggal ang mga gapos kay Christian, at inayos ang damit na binuksan nila. Pinakiramdaman ko ang pulso niya at napahinga ng maluwag ng naramdaman ko 'to.
"Anong sunod nating gagawin?" Nanghihina kong tanong habang nakatingin sa mukhang walang buhay na katawan ni Christian.
Parang isang eksena sa isang palabas, pagkasabi ko ng tanong, tatlong kotse ang pumasok sa parking area, at kumabog ang puso ko nang mapagtantong marami pang kakalabanin si TJ.
Hinila niya ako para ilagay sa likod niya. Nang makita ang mga taong lumabas sa sasakyan, doon lang ako nakahinga ng maluwag. Lumabas si TJ sa pinagtataguan namin at sinalubong ang anim na agent—tatlong agents na di ko kilala, kasama si Mark, Chance, at Allan.
Ngumisi si Chance, "You're lucky we were near the area when you called."
Naglabas ako ng malalim na hininga at hinayaan ang sarili na mapasandal sa isang kotse habang tinitingnan ang paligid namin.
"Scar, you good?" Bati ni Mark at tumango lang ako.
Nilunok ko ang mga emosyong nagtatangkang lumabas. Mamaya ko na iisipin 'to—o 'wag na, kasi putangina parang panaginip pa rin ang lahat.
Hindi na ako nakikinig nang nag-uusap na sila, napapansin ko nalang na nagpapasahan sila ng mga armas at tinuro ang tulog na Christian.
"I only got fifteen rounds," I hear TJ whisper, deceptively calm.
Inobserbahan ko si James habang inuusisa niya ang natirang mga bala at habang inilalagay ang silencer sa dulo ng baril. Nang makita akong nakatingin, kumindat siya at hinila sa kanyang tabi.
He might seem like a popular shallow playboy because he's flirty and jokes a lot... but seeing him fight erases that whole image from me.
I snapped from my thoughts as TJ grabbed my shoulders while instructing Mark, walking towards Christian.
"Make sure you're not being followed." Sabi niya habang kinukuha ni Mark ang katawan ni Christian sa lapag na parang basura. Kaswal niyang inilagay ang lalake sa kanyang balikat, naglakad papunta sa BMW, binuksan ang likuran, at ibinagsak ang agent dito na walang pasintabi.
Pinaningkitan ko ang mukha ko dahil sa kawalang-ingat niya sa katawan ni Christian. Maraming pinagdaanan si Christian ngayon, sana magising siya ng maayos.
"Yes Sir." Bulong ni Mark.
Nang hinila ako ni TJ papunta sa pangikatlong kotse, kasama ang isang agent na nagmamaneho, isang impit na tunog ng gulong ang umalingawngaw sa buong lugar.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 33: Love, Death, & Yakuzas
Start from the beginning
