Strings 31: Ghost

Start from the beginning
                                        

Gusto kong magalit sa sinabi niya pero tatakbo nanaman kami ng paikot sa isa't-isa. Bumuntong hininga ako. "I'll try."

"You won't try. You'll do it."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Dapat gawin mo rin. You have to tell me why you're being like this. May nabiktima ka pang puno sa galit mo."

"I won't."

Sumakit ang puso ko sa sinabi niya pero hindi ko ipinakita. Damn him. "Let's agree to disagree."

Napairap siya pero hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad papalapit sa bahay. Lumubog na ang araw at ang onting kahel sa langit ang natitirang kulay sa papalapit na gabi.

The two-story house is a classic modern house with white paint, a red roof, and black trimmings. Flowers and maintained bushes acted as its barrier through the forest.

This is their old house.

I was looking around the land, but I couldn't help myself from asking, "Binayaran mo ba ang hospital bills ni Nana?"

Inabangan ko ang reaction niya at ang nakuha ko lang ay ang maliit niyang tango.

"I'll pay you back."

"You don't need to." Mabilis niyang sagot, "I know you're not used to it, but let me take care of you."

I've grown speechless every time he acts like this. "TJ."

Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. "You're my woman and don't expect anything less."

Tangina talaga ng lalakeng 'to. Kanina lang naiinis ako sa kanya, can I trap this version of him in a bottle and keep in my pocket forever?

"Babayaran pa rin kita. Hindi okay sa'kin na hahayaan lang kita gawin 'yun. She's my Nana, she's mine to care for... pero pwede bang installment?"

He smiles, "Anything you want."

I stood on my tippy toes and kissed his cheeks. "Then thank you."

"I accept kisses and blow jobs as payment."

Aaaand he's back.

"Putangina mo talaga." Hinampas ko ang likod niya at tumawa siya ng malakas kaya hindi ko maiwasang sabayan siya.

Tumawa siya hanggang sa magseryoso ang kanyang mga mata. He's still smiling but I could see the change in his demeanor. He exhales, "I want you to meet my mom."

Ha? "Anong..."

Kung hindi ko kilala si TJ, matatakot ako sa salitang 'yon. Anong ibig mong sabihin gusto mo makita ko ang namaalam mong ina? 

Naguluhan ako nang hinila niya ako sa likod ng bahay. May isang malaking puno ang bumungad sa'min, pero agad na dumiretso ang mata ko sa lapida sa ilalim nito. 

Nanlaki ang mata ko at napalingon kay TJ na huminto rin dahil sa gulat ko.

I thought her grave was in a private–rather–public cemetery. She was a well-known socialite and an activist for the people. When I searched her on the internet, it was one of the results—that people pay respects at her grave every year.

Tila naiintindihan ang aking pagkalito, nagsalita si TJ, "This is her real grave. Our grandparents thought it was smart to put her somewhere only we know. For privacy and security."

Wala na talaga silang tiwala sa seguridad na binibigay ng ibang tao. Tinatanggap lang nila ang sa kanila.

Tumango ako dahil matalino nga ang ideyang 'yon. Mahal siya ng mga tao pero kaakibat rin non ay marami rin silang nakakatakot na mga kaaway... katulad ng Itasaki. 

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now