"Old house?"
"I'll take you."
Hindi kami umalis sa lupa ng mga Del Valle. Dumiretso kami sa may gubat na ngayon ko lang napuntahan, napaisip ako kung ano pa ang hindi ko nakikita sa buong lupain ng pamilyang 'to.
Akala ko ituturo lang ako ni Hera sa daan, pero hinatid niya ako gamit ng kanyang Ducati. Naka-full gear siya, leather jacket, at sunglasses sa halip na helmet.
Mahigpit akong yumakap sa kanya. Limang minuto lang ang byahe namin pero yun na ang pinaka nakakatakot na limang minuto na byahe sa buhay ko.
Ngumisi siya ng makita ang magulo kong buhok pagkababa ng motor. Inayos niya 'to at hindi ko na mapigilan ang aking pamumula. Tangina girl crush ko na ata siya.
"I end here. I don't want to see him." Itinaas niya ang shades na suot at may itinuro, "Follow that path and you'll see a house, he'll be there. Ikaw na ang bahala sa kanya Pula, goodluck."
Bago pa ako magtanong ay mabilis na lumiko ang kanyang motor paalis. Tangina, anong ibig sabihin ng goodluck?
Sinundan ko ang sinabi ni Hera at sa malayo palang ay may nakikita na akong dalawang palapag na bahay. Pabilis ng pabilis ang lakad ko at habang papalapit ay naririnig ko ang tunog ng nagpuputol ng puno—akala ko nagpuputol ng puno.
Ang imahe na nakita ko ang nagpatigil sa akin.
It was TJ.
TJ, punching a tree... half-naked.
He's wearing nothing but his shorts and a black hand wrap as he continuously hits the tree.
Maninigaw na sana ako pero napahinto nang makita ang mukha niya. The look in his eyes is back—the one I hate. It's blank. Putangina, those eyes.
Sometimes, I think about what would have happened if I couldn't sense his emotional torment. It would be much easier to simply enjoy his physical characteristics—to think he's an arrogant jerk who assumes people would fall in love with him after one look at his gorgeous golden eyes like before, but no, I'm attached to him now.
And despite TJ's desire for people to view him as the mischievous, pretty boy, I know that deep down he's drowning in darkness.
"James." Tawag ko sa kanya pero hindi siya sumasagot. Para siyang nasa sarili niyang mundo. "TJ."
Isang dipa nalang ang natitira kong layo sa kanya nang bigla siyang lumingon. Natigilan ako sa galit na namumuo sa kanyang mga mata. "Hope? What are you doing here?"
"What are you doing here?" Balik ko at iminuwestra ang duguan niyang kamay.
Matalim siyang napahinga sa pagbabalik ko ng tanong niya.
"You shouldn't be here, little Hope."
Pero imbis na lumayo, mas lumapit ako sa kanya. Mabagal. Na parang isa siyang sugatang hayop na nilalapitan.
Tinaasan niya agad ako ng kilay. "I'm not in the mood, baby. You should go before I do something I'll regret."
"You won't hurt me."
His jaw clenched before he grabbed my arm and pinned me between him and the tree. I gasped from the sudden movement, but my heart spiked from the excitement. Nagiging adrenaline junkie na ako katulad niya.
"You're right. I won't."
"Kausapin mo ako, what's the problem?"
He breathed down on my neck, smelling me. "Nothing to concern yourself with."
"Okay, edi aalis na ako?"
His brow furrowed, but he smiled. However, this is a villainous grin instead of his charming one.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 31: Ghost
Start from the beginning
