Inayos niya ang pagkain gamit ng libre niyang kamay at tiningnan ko ang mababangong putahe. Inabot ng ilang segundo si TJ para ayusin ang unang kagat, at sinamaan ko siya ng tingin nang pwinesto niya ang kutsara sa bibig ko. "Say ahhh."

Bumuntong hininga ako sa pagtrato niya sa'kin. Para naman akong baby. 

Sweet and savory flavors burst into my mouth when I took a bite, and I nodded in delight. "Sino nagluto?"

"Me of course." Napataas ang kilay ko habang ngumunguya. Ngumisi siya, kumikislap ang mga gintong mata niyang nakatingin sa akin. "You don't believe me? Ask Tinang."

Hindi makapaniwala na nakatitig ako sa kanya. Niluto niya 'to para sa akin? Nakatulog ba ang lalaking to?

Lumunok ako at binigyan siya ng nahihiyang tango. Hindi ako sanay na inaalagaan. "Thank you."

He smiles a little before nudging my mouth with a new spoonful of food, "You're most welcome, little Hope."

Umiwas ako at pilit kuhanin ang kutsarang hawak niya, "Kaya ko na."

"Kaya ko rin."

Napairap ako at binuksan ang aking bunganga nang ikinatok niya ang kutsara sa bibig ko. Hindi talaga ako mananalo sa lalakeng 'to.

Iba't ibang lasa ang sumasayaw sa aking bibig at mas ginanahan akong kumain dahil niluto niya 'to.

Umikot ang paningin ko sa buong kwarto habang ngumunguya. His room is similar to his room in their mansion but smaller. His bed is in grey sheets, with no proof that it was slept on. There's a bedside table on each side, a mini bar on the left beside a French door to the balcony, and two doors leading towards the bathroom and walk-in closet on the right. His small sala corner where we are is directly in the foot of his bed. The shades alternated to white, black, brown, and grey.

The room smells of him and the food he cooked. Tumingin ako kay TJ na devoted sa kanyang ginagawa.

Nautusan niya siguro si Tinang na tawagin ako habang nagluluto siya. Pero kung ganoon, nasa kusina na pala siya pero ako pa talaga ang kailangang tumimpla ng kape?

Speaking of, "You're not even touching your coffee."

Dahil sa sinabi ko, humigop siya sa itim niyang kape at saka tinuloy ang pagbibigay sa akin ng isang kutsarang kanin at broccoli.

The crunch of the vegetable can be heard, and I swallowed what he gave me before speaking. "Excuse lang ba to para papuntahin ako rito?"

Hinarap niya ang mga mata ko. "I couldn't go to your room without you being angry. Then you'll get shy with all the maids staying in the house."

"Gusto mo lang ako kasama kailangan mo pa ako utusan."

"Don't get cocky." Irap niya pero napangiti ako. Ang taray naman nito opo.

Patuloy niya akong sinusubuan at inayos ang buhok ko nang natakpan nito ang aking mata.

"Someone told me you were spying on us earlier."

Napatigil ako.

Dahan-dahan akong tumingin sa kanya at nagkatitigan kami habang nakataas ang isa niyang kilay. Bumagal ang aking pag nguya sa pag iisip. Alam kong sasabihin ni Hera sa kanila, pero nawala sa isip ko.

"You're a shitty spy, Hope."

Inirapan ko siya.

Lumabas sa bunganga ko ang kumukulit sa utak ko nang marinig ang usapan nila, "Alam niyong aatake sila?" There were a lot of casualties and they could have prevented that.

"It was a deduction. A speculation we could've prepared better for." Tumango siya.

Pain exploded in my chest. They could've prevented it... But I know he knows that better by now. "Anong sunod na mangyayari?"

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now