Strings 22: Long Enough

Start from the beginning
                                        

"Hi La! Remember when I was talking about Scarlet? She's the one who designed my dress. Siya 'yung matagal ko nang gusto ipakilala sa'yo." Tumabi siya sa lola niya at hinila ako patabi.

"Hello po, madame." Pinakilala naman na kami ni Manang Perlita nung unang dating namin rito. Pero hindi ko alam anong balak ni Jamie ngayon.

"Her designs are so good, I can't wait for you to see my dress." She squeezes me.

"Hala Jamie wag kang ganyan na pressure ako." Mahina ko siyang tinapik at tumawa. I joked, "Na pressure?!"

Kung pwede lang buksan ni Lord ang lupa at ipasok ako, okay lang. Walang tumawa. And as a chronically online girl—na may kanal humor—masakit sa puso na hindi nila gets.

"Why did you choose fashion design?" Kinuha niya ang tsaa sa gitna at tiningnan ako habang umiinom.

Biglang dumating si Ate Gie at masama akong sinulyapan habang nilalapag niya ang charcuterie board sa gitna. Ang laki talaga ng problema ng babaeng 'to sa akin.

"It's a boring story po." Bulong ko sa kanya at iniwasan ang tingin ng katrabaho ko. Sino naman ang interesado sa istorya ko. Handa ba siyang marinig ang melodramatic kong kwento.

"It would be harder to get more boring now so just tell me." Medyo natakot ako sa tono niya and I awkwardly smiled and glanced at Jamie for help. Ngumiti lang siya at mas hinikayat akong magsalita.

Ang awkward magsalita sa dami ng taong nagkkwentuhan dito sa isa't-isa, pero alam mong nakikinig ng patago sa akin. Mas lito kaya sila sa akin kung bakit ako nandito ngayon?

Ngumiti ako. "Nung bata po kasi ako, may nakilala akong babaeng sooobrang ganda at kahit saan siya pumunta, she always looked put together."

She's your daughter, my tita-mommy.

"Pinaglaruan ko po yung mga kurtina sa bahay para gayahin siya. In the end, binilhan niya ako ng barbie doll at sewing kit para pagpractican. Kaya bata pa lang po ako, ito na ang alam kong gawin." I trusted myself that whatever happens I'll be a fashion designer. Kahit sobrang tagal ang daan, alam kong mararating ko 'yon.

Naramdaman ko ang pagpisil ni Jamie sa kamay ko at ang mariin na tingin ni Madame Divina. "Jamie told me you stopped school because of financial issues. Gusto mo pa rin ba mag aral?"

Slowly, I realized ano ang pakay ni Jamie. Sila nga pala may ari ng St. Ceara University.  Binebenta niya ako sa lola niya!

"Syempre po. Masaya mag aral. Gaining knowledge can only be beneficial, there's no harm in it."



Napa buntong hininga ako nang maalala ang mga pinagusapan namin kanina. Wala namang sinabi si Madame Divina, hindi nalang siya nagsalita at kinausap ang ibang pamangkin niya sa gilid.

Hindi dapat ako umasa. Hindi naman special ang skills ko para pagbigyan ng grant. Even if I take a longer route, it's okay.

Expect disappointments so you won't be disappointed.

Bumalik na ako sa trabaho at tumulong sa mga nag distribute ng pagkain sa mga trabahador. Dahil biglaang bumisita ang kalahati ng angkan nila, nabigla rin kaming mga staff sa pag aayos ng pagkain.

"Bigay mo 'to kila Manong sa kuwadra." Nagulat ako ng may inilapag na dalawang platong pagkain si Ate Gie sa harap ko.

Napataas ang dalawang kilay ko, "Kuwadra?"

"Sa taas ng burol. Andon ang bahay ng mga kabayo pero katabi non ang maliit na bahay para sa mga bantay. Maputik ang daan kaya mag ingat ka." Sumingit si Tinang, dahil alam niyang malapit na mawala ang pasensya ko sa matandang 'to. Mas lumapit siya at bumulong. "Si James andon ngayon."

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now