Strings 22: Long Enough

Start from the beginning
                                        

"Hey! Daya wala nakong—" Sigaw ni James at tumawa ako, pero hindi ko akalaing makukuha ng pagtawa ko ang atensyon niya. Sumigaw siya sa mga bata. "Si Ate Scarlet naman!"

Putangina!

Tumakbo ako papunta sa dagat at narinig ko ang tawa nila. May naramdaman akong baril ng tubig sa aking paa at likod kaya napasigaw ako, tangina ng mga 'to wala akong pamalit!

Narinig kong papalapit ang yapak ni James kasabay ang sigaw ng mga bata, Jamie's voice was in the mix too.

"Got you!" I hear his voice, feel his hand on my waist, and then my body is thrown through the air, landing with a splash in the water. 

My muscles seized for a moment, my mouth tasted the salty ocean, hearing the world silent for a second, and then I burst through the surface and panted for breath. Sinamaan ko ng tingin si James na nakangisi sa'kin. Hanggang tiyan niya ang lalim ng tubig at mukhang walang pakialam sa lamig.

"Gago." Kinakagat ko ang aking labi na nangangatog. Buong katawan ko na ang nangining at niyakap ko na ang aking dibdib para ipakitang nilalamig ako.

Kumunot ang noo ni TJ at lumapit na, genuinelly worried.

Nang isang braso nalang ang pagitan namin, inatake ko siya. Sinunggaban ko ang balikat niya at sinubukang ilubog siya sa tubig. I should have considered his reflexes though. He used my momentum to catapult me ​​up and swing me over his shoulder. "Aaaay tangin–"

Ramdam ko nanamang kinakain ako ng tubig, sinarado ko ng mahigpit ang mata ko para hindi maramdaman ang tubig dagat.

Sandali lang ako sa tubig dahil hinila niya rin ang braso ko pataas. Hinahabol ko ang hininga ko nang lumapit siya sa'kin, dahil nakayuko ako at sinisinga ang mga nakapasok sa ilong ko.

I felt his fingers on my chin, trying to raise my face but when I looked up, I jumped and used all my body weight so we could both fall. His eyes grew slightly wider as I readied for the water to slap us.

Natatawa akong umangat ng tubig at naaasar niya akong binuhat. "Such a naughty girl."

"Tangina, san mo ko dadalhin?" Naiilang kong sambit nang bridal style niya akong binuhat paalis ng dagat.

Nakita kong tumatawa ang mga bata pero tahimik ang mga matatanda. What happened wasn't really employee–boss behavior. "I'm saving you."

"Ser, if you keep doing this, iisipin kong may gusto ka sakin." Asar ko sa kanya at naglalakad na siya sa buhangin.

Tumawa siya. "Hindi ba halata?"


~~~


"Scarlet where were you? I'll introduce you." Salubong sakin ni Jamie pagkalabas ko ng Mansyon.

Bumalik na kami sa mansyon nang matapos ang event kanibukasan—ngayon—at biglang dumating ang mga kamag anak nila. Maraming tao, at aligaga lahat para mag ayos ng tanghalian ng mga Gonzales.

Bago pa ako makasalita ay hinila niya ako papunta sa Gazebo kung saan ko naririnig ang malakas na kwentuhan. "Introduce kanino?"

"People who could help you." 'Yun lang ang tangi niyang sinabi at pumasok sa isang gazebo kung saan paikot na nakapwesto ng upo ang mga tita at tito niya, kasama ang kanilang lola at iba pang matanda.

Andami nila. Pagpasok ay bumati ako sa mga aabot kinseng nakaupo paikot sa gazebo. The gazebo is octagonal shaped with stone chairs surrounding it. May maliit din na lamesa sa gitna kung saan nakalagay ang mga refreshments nila.

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now