Tiningnan ko ang ibang bata na nakaupo sa lapag at kay James na kasama nilang kumakain rin. Nakikipag kuwentuhan lang siya at nakikita kong nakikipag apir siya minsan. Suot parin ang pulang wig niya.
"Kain na kayo, kami na papalit." Napataas ang tingin ko kay James na naglalakad papunta sa amin, nakangiti.
Si Ate Gie, si Manang Perlita, at ang boyfriend ni Jamie ang naunang kumain para sila ang papalit sa amin.
James' stands by my side. His smile is so infectious and I couldn't take him seriously with that wig of his. I can't help but think that TJ would be an amazing father someday. I only see his soft expression when he's with his siblings. Outside, he's an asshole but it's fascinating to see the difference he held, the gentleness for some people.
"Hindi ka naman pala palaging gago." Salubong ko sa kanya nang tumabi siya sa'kin. He's like an onion, masyadong maraming layers. "How are you so good with kids?"
Tumawa siya at kinuha ang sandok sa kamay ko. "Our father knows nothing about birth control. Marami akong kapatid and a lot of younger cousins. Of course I'm good with kids." Narinig 'yon ng kambal niya sa kabilang dulo ng table, at sinabayan siya sa pag tawa.
The laughter I hear is warming my heart, but at the same time is making me hurt. Hindi ko akalaing mararamdaman kong mag isa ako sa mundo kahit ang saya ng paligid at ang dami ng tao ngayon.
James has his family. He has this strong bond with his family that some people don't get. That's a rare blessing on this earth.
Some throw you away.
Tulad ng mga bata dito ngayon, may nangyari sa kanilang mga magulang kaya sila nahiwalay—sa isang paraan o iba pa. Naiisip at nararamdaman din ba nila tulad ko kapag may nakikita silang magulang, magkakapatid, o kaya ang buong pamilya na magkakasama?
Pagkatapos naming kumain, nilinis agad namin lahat at tumulong ang mga lalakeng Del Valle sa amin para ilagay sa main house ang mga kalat.
"Jay, bilis! They're looking for you!" Sigaw ni Jamie nang makita niya kami nina James, Jaceon, Tinang, at Ate Gie na bumabalik.
Buong katawan ni Jamie ay basa at nagsisigawan ang mga bata sa likod niya dala dala ang ibat-ibang klase ng water gun.
Nang makita si James ay halos lahat sila sumugod kaya tumakbo agad kami sa gilid para hindi masama sa basaan nila. Pinaligiran siya ng mga bata at umakto pa siya na parang tinatamaan ng bala.
"Ginusto niyo to ha!" He shouted, stealing a water gun from a basket and going to the ocean to fill his bullets.
Umakto siya na parang kinakasa ang water gun at tumakbo, binabasa lahat ng batang nadadaanan niya. Pakiramdam ko, totoong natatakot ang mga bata dahil mas bumilis ang mga takbo nila habang sumisigaw, walang nakaisip na pwede nila siyang basain pabalik. With the way James chased them, laughing evily, I would be scared too.
Huminto ang ibang staff para panoodin ang komosyon. Halos lahat ata kami tinatawanan lang ang mga batang nakikipaghabulan.
"Tama na, tama na. Hindi ko na kayo hahabulin... basta tulungan niyo ako kay Kuya Jaceon!" He shouted and ran towards his brother, the children rallying behind him.
Narinig ko pang mahinang napamura si Jaceon pero hindi siya gumalaw sa posisyon nang pumaikot si James at mga bata sa kanya para basain siya.
Palagi nalang kawawa ang bunsong lalake ng mga Del Valle.
"Okay stop na, baka magkasakit pa kayo." Jamie came to stop it pero bigla siyang binasa ni Gabriel sa likod. She gasped, wasting no time to steal James' water gun and chase after her boyfriend with the kids. "Hulihin niyo siya!"
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 22: Long Enough
Start from the beginning
