Strings 22: Long Enough

Start from the beginning
                                        

I laughed out loud that he glanced my way. Natatawa siyang kumindat sa akin at binalikan ang bata. Pinapili niya ito ng regalo sa gilid at nakipalakpak na ako nang kinuha niya ang nasa pinakatuktok.

Parang loko loko si TJ, pero ang totoo, hindi mo makukuha ang antas ng posisyon na meron siya sa pagiging loko loko lang. He's a lot smarter than he lets on, and sometimes I wonder if he's a lot more fucked up than he lets on too.

Umalis uli ako para magpatuloy sa pagtatrabaho, nakasalubong ko pa si Tinang na bitbit ang tray ng mga baso. Malapit na lunch kaya nag s-set up na kami ng pagkain. Para pagkatapos nila maglaro, naka handa na kakainin nila.

Pagbalik ko sa eventspace, naabutan ko si Tinang na nanonood sa gilid at sakto ang pagkarating ko dahil may bagong utos nanaman si James. "Bring me medyas!"

Medyo nahirapan sila, halos lahat ay nakatsinelas at sandals dahil sa tabing dagat kami.

Nagulat ako nang may batang babae na sa harapan ko at napatalon nang humawak siya sa sapatos ko. "Huy 'wag!" Layo ko habang tumatawa, binabalanse pa 'rin ang tray ng ulam sa kamay ko.

"'Wag niyo kulitin si ate na may dalang pagkain. Bahala kayo pag mahulog 'yan, baka kayo ang walang makakain mamaya." Rinig kong pagbabanta ni TJ kaya mabilis na lumayo ang bata.

I gave James a quick glance of thanks and I caught him looking at me smirking. He squatted on the platform they're placed at and glanced at his brother, "Itong si Kuya Jaceon niyo naka sapatos. Ba't hindi kayo lumalapit sa kanya?"

Nakakatakot ang mga bata ngayon sa pagiging competitive. Narinig ko nalang silang nagsisigawan habang inilalapag ko ang tray kaya napalingon ako. Umiling ako nang makitang tumatakbo si Jaceon palayo, pero nahuli siya ng isang binata at sapilitang niyakap ang paa niya.

Hinayaan nalang ni Jaceon makuha ang medyas niya at tinatawanan siya ng kambal. Tumabi ako sa gilid ni Tinang pagkatapos ko ayusin ang mga nakahain sa lamesa.

"Sige, sige pumili ka na, ito na ang susunod." Tapik ni James sa binata at lumingon uli sa grupo. Saglit siyang lumingon sa akin at ngumisi. Kumunot ang noo ko, anong tingin 'yon? "Bring me... isang ate na pangalan ay Scarlet!"

Napanganga ako at tumawa ng malakas si Tinang sa tabi ko.

"Ano po pangalan niyo?" Samut saring boses ang naririnig namin, pero walang nagtatanong sa'kin kaya tumatawa lang ako at bahagyang tumago sa likod ni Tinang.

Pero may lumapit sa aming batang lalake, hindi lalayo sa anim na taong gulang.

"Ikaw po ba si Scarlet?" Rinig kong tanong kay Tinang at umiling siya agad habang patagong tinuturo ako.

Hindi man lang ako kinausap ng batang lalake at hinila na sa gitna. May ibang bata na hinawakan pa ako sa kabilang kamay, balak pa ata akong agawin pero pursigido itong nauna.

"Magaling, Kent!" Salubong ni James. Ngayon ko lang napansin na tinatawag niya ang mga bata gamit ang pangalan nila, kahit wala silang name tag. Does he know all of these kids by name? That's cute.

Bumulong ako sa kanya. "Pakyu ka."

"When?" He winks at humarap uli sa kanyang audience, hinahawi ang kulot niyang wig.

 Napailing ako. Napaka landi kahit sa harap ng mga kapatid niya.

Jamie laughs and taps me as I pass by her. She holds Jaceon's bicep, leaning towards him as she looks at the kids na masigasig na nakikinig sa kambal niya.

Napangiti ako sa magkakapatid.

Nang dumating ang tanghalian. Nagkalat ang mga bata sa ibat-ibang parte para kumain habang, ako, si Tinang, Jaceon, at Jamie ang nakapwesto sa likod ng lamesa para mag distribute.

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now