Strings 20: San Raigo

Start from the beginning
                                        

Ito ata ang lola Divina nila. She's so pretty at kahit matanda, her general movements were so youthful. Naka all white pajamas siya and a crocheted flower bucket hat on her head. Napangiti ako sa lahat ng interaction nila sa isa't isa.

Habang naguusap ang pamilya ay tumulong ako kila Tinang na ibaba ang mga gamit sa ibang kotse.

Una kong inasikaso ang mga gamit ko at mga tela na baka gagamitin. "Halika ilalagay 'yan sa parlor."

Sinundan ko si Tinang and we went inside a huge room with vanity tables.

A row of colorful dresses hanging beside each other on the side that appeared like flags on festivals. Red, green, purple, cream, sky blue, pink, and yellow, delicate embroidery, and jewels engraved on all kinds of high-quality cloth such as organdy, lace, erode, chiffon, and more.

"Huy." tawag ni Tinang nang mapansing natulala na pala ako. I smiled at her and went back to help with other things.

Onti nalang ang gamit na naiwan at isang itim na briefcase ang kinuha ko. "Saan to ilalagay?" Lingon ko kay Tinang na hinihila ang isang maleta ni CJ.

Bago pa ako sagutin ni Tinang may lumapit na agent sakin, ito yung pag tumingin sa'kin napaka sungit. "Magkakasama to, sundan mo nalang ako." He was also holding three bags of duffel bags at mabilis na naglakad kaya nagmadali nakong sumunod sa kanya.

"Oh, Um sige po." Ang bilis niyang maglakad! Halos isang hakbang niya ay dalawang hakbang ko, kaya naman lakad takbo na ang ginagawa ko.

Kala mo ang gaan gaan ng bitbit eh.

"Ano pong pangalan niyo?" Tanong ko nang medyo naabutan ko siya.

Ang ginawa niya lang ay tumingin sa gilid ng mata niya at nagpatuloy sa paglalakad, "Allan."

Kung bingi ako, hindi ko siguro narinig 'yon. "Ah. I'm Scarlet." Wala, nagpakilala lang ako kasi napapansing kong palagi silang magkasama ni TJ.

Hindi niya na ako kinausap kaya hindi ko na rin siya kinausap. Taray ni kuya, ayaw makipag friends.

Tangina, dapat hindi ito pinulot ko eh. Parang naglakad kami pauwi sa layo ng nilakaran namin. Umakyat kami sa bundok, and I saw a shooting range we went past at, bago kami pumasok sa isang bahay.

Nauna siyang pumasok hanggang napunta kami sa isang kwarto na puno ng gamit. He placed the duffel bags on the bed and gestures, so I put it there too. Pagkalapag ko ay narinig ko siyang umalis gamit ang front door.

"...Uh."

I was standing there like the emoji, with no thoughts whatsoever. Potaena umalis lang siya?

The whole house is dim as the fluorescent lights are off, the curtains aren't parted, and only the sun streaming through the fabric acts as my light.

Lumabas ako ng kwarto at napaikot ng tingin sa buong lugar. Parang normal na bahay lang naman siya, pero walang memorabilia para malaman kung sinong may ari nito. Sumalubong sakin ang sala pagkalabas at ang sofa agad ang unang nakita ko.

Pwede ba humiga?

Sino ba ang tinatanong ko, ako lang naman ang andito? Sandali lang naman, walang makakakita—kailangan ko lang ng onting pahinga.

Masaya akong nahiga sa leather sofa at nag-inat ng likod. Taena kanina ko pa to gusto gawin, nakaupo lang kami buong walong oras na byahe.

I sighed. You're doing a good job, Scarlet, kaya mo to.

Nawala agad si TJ–este James, I need to stop calling him TJ at baka magtaka na sila sa akin. Nawala agad siya pag baba namin ng San Raigo at hindi ko naman yun binigyang importansya

Kaya naman hindi ko naasahang marinig siyang pumasok sa kwarto kasama ang isang lalakeng di ko kilala.

I smelled a wisp of cigarette and heard his voice even before I registered the seriousness of his tone. Nanigas ako sa hinihigaan kong sofa at narinig ko ang mga yapak nilang dumidiretso sa kabilang kwarto.

"Is this it?" Sumilip ako mula sa gilid ng sofa na walang kamay, and I see him gesturing loosely to the black metal case the guy puts down on the floor. James goes to it and crouches down, flicking the locks and lifting the top. Opening to reveal five large handguns.

Napalunok ako, bago napalunok uli. Taena ano 'to? Ano 'tong eksenang 'to?!

I watch nervously as he plucks them from the case, one by one, inspecting each.

"This a .22?" He asks, turning a shiny pistol over his hand.

"Yep." Sagot ng isa, using his cigar to point at another gun. He seems older—he might be around in his mid-30s, wearing jeans and a normal black shirt. "But that .40 cal is a beast. Might consider your choices."

"Too big." James says, not even glancing at it. "The .22 shoots softer."

Ano ba 'tong pinapanood ko? It's straight right of a movie scene.

"Want to test it at the range?" Tanong ng isa, and I held my breath as James stood up from his crouch, and the other took a long drag of his cig.

"Let's." James continues his inspection and extends his right arm holding the gun.

Doon ko lang narealize na nakatutok na sa akin ang baril at dalawa silang nakatitig sa'kin.

Tuluyang napalabas ang ulo ko galing sa tinataguang sofa. "Putangina!"








( ՞ਊ ՞)→

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now