Strings 20: San Raigo

Start from the beginning
                                        

Tiningnan ko ang kumikinang na tubig dahil sa araw, I wish Lorraine and the other girls were with me to see the sight.

"Excited ka ba bumalik?" Lapit ni Tinang at sumandal rin sa railings.

"Sakto lang." Isa lang naman ang San Raigo sa mga lugar na tinirhan ko, at hindi ko na mabilang sa sampung daliri ko, lahat ng bayan na tinitirhan namin... pero dito ko nakilala ang mga importanteng tao sa buhay ko ngayon. "Parang bittersweet siguro?"

She let out a small awe and nodded.

"Beh tanong ko lang, sino yung kasama ni Kuya Jupiter?" tanong ko. I'm genuinely curious.

She smiled and brushed a strand of hair away from her face. "Ah, si ate Hera? Dati siyang bodyguard ni Jamie. Ngayon, hindi ko na alam pero palagi silang magkasama ni Kuya Jupiter."

Napanguso ako, "Ooh sila ba?"

"Hindi ko alam, basta pag andyan si ate Hera, for sure malapit lang si kuya." I looked around and saw them behind us, at the other side of the boat.

Magkatabi silang tatlo—Kuya Jupiter na nakahalukipkip, Hera na nakashades, at si James na nakasandal sa railings. Mukhang seryoso pinaguusapan nila, but when James noticed me looking over, he winked.

Itinaas ko ang gitnang daliri ko bilang sagot, pero binaba agad nang lumingon si Tinang sa akin.

I noticed his laugh pero binalik ko na ang tingin sa dagat. Kanina lang napakaseryoso niya, bago cute na siya ngayon. 

"Close niyo na ni James ah."

Mapang asar ang tono ni Tinang pero umiling ako sa kanya. Nakita niya parin pala 'yun. "Nako, palagi lang siyang feeling close."

Tumawa siya. "Odiba hindi mo sasabihin 'yan pag di talaga kayo close."

Napailing nalang ako. "Mima wag kang ganyan baka mamaya i-bully nanaman ako ng isa. Sabihin niya na wag ako makipag close sa mga amo natin. Kala mo nanay nila eh." Mas humalakhak na siya nang i-bring up ko si ate Gie.

"Ikaw talaga, kinausap ka ba niya buong byahe?" Umiling ako, hindi ko pinapansin si ate Gie kung hindi tungkol sa trabaho. Di na nga matino buhay ko, kaya mas di ko kailangan ng negatibong nilalang na nangangalang Gie. "Beh ba't kasi antagal mo, siya tuloy katabi ko sa sasakyan."

"Huy kahit ba ikaw, tinatarayan niya?" Si Tinang, anak na ng mayordoma ng bahay tapos ganon ganon lang?

"Try niya lang—pero hindi, ramdam ko lang kasamaan niya." she sighs. "Matagal ko nang napapansin kapag may bagong kasambahay, parang nag a-assert siya ng dominance. Parang hayop."

Gaga to, natawa ako. Dito talaga ako nabubuhay eh no, sa panlilibak sa mga taong di namin gusto. Dasurv.

Tatlong oras ang byahe namin sa barko at bumalik na kami sa kotse pagkarating sa port ng San Raigo.

I stared at the window on the way to their lola's house, and everything is so familiar yet at the same time, not. Dumaan kami sa school na sarado dahil holiday, sa playground na bagong pinta, at sa bayan na pinapaligiran ng mga tindahan sa gilid ng kalsada. Ang melancholic sa pakiramdam.

We were greeted by a huge expanse of land, different flowers were in full bloom, and the smell of freshly cut grass wafted in the air. The mansion is almost archaic, and the pebble stones act as our pathway.

Pagkarating sa mansyon ng lola nila, sinalubong agad kami ng pamilya at mga kasambahay.

"Lola!" Jamie ran towards their grandmother, and it was the first time I saw her act like that. Sinundan na siya ng iba niyang kapatid, greeting and smiling on the way to her.

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now