Kabanata 47

21.7K 851 911
                                    

Flare

"Miss Zarah?"

Hindi makapaniwalang sambit ko sa pangalan nito. Paano nya nalamang dito ako ngayon nakatira at bakit ito nandirito? Anong sadya nito?

Nawala ang ngisi nito at naging seryoso.

"Can we talk?"

Tinitigan ko ito ng matagal. Ano na naman ang pag-uusapan namin? Tungkol na naman ba ito kay Miss Zabuel? Wala naman nang iba pa itong magiging sadya sa akin kundi ang tungkol sa ex nito.

Buntong hininga akong tumango dito at humakbang papasok ng bahay. Naramdaman kong nakasunod ito sa likod ko kaya nagtuloy-tuloy akong naglakad hanggang sa sala.

"Upo po kayo. Do you want something? Juice, coffee?" alok ko dito. Nilibot nito ang tingin sa loob ng bahay at nakangising umiling at tiningnan ako matapos umupo sa sofa.

"Nice home." usal nito.

"This is Miss Ven's house. It's not mine." I explained.

Tumango-tango ito pagkatapos ay tumitig sa akin na malapad parin ang ngisi.

"Figured. Kung saan may pera, dun kakapit."

Salubong ang kilay kong napatitig dito.
"Excuse me? What do you mean?"

"Oh, stop pretending, Flare. Alam ko naman na lumalapit ka lang sa kanilang dalawa dahil sa pera, kahit noon pa." maarteng usal nito.

Napatayo ako sa kinauupuan ko matapos magpanting ang tenga sa lumabas mula sa bibig nito.

"Get out. Kung iinsultuhin mo lang ako ay pwede ka nang umalis dito, Miss Zarah!" pigil ang galit kong saad dito.

She chuckled and crossed her arms.
"I know Three was here last night." biglang saad nito na ikinalaki ng mga mata ko.

Napailing-iling ito na hindi inaalis ang tingin sa akin. "You know it's illegal to sleep around with a married woman, right? Worst is, you're a teacher. Ano kaya ang sasabihin ng mga admins if they will find out na you are sleeping with my wife?" nakangising sabi nito sa akin.

Wife? Pero sinabi sa akin ni Miss Zabuel na hindi sila kasal?? Mukhang nahulaan nito ang iniisip ko nang magsalita itong muli.

"Okay, let me guess. She told you she's not married, right? And she told you that she likes you." pagak itong natawa at tiningnan ako ng masama.

"At naniwala ka naman agad! Alam mo ba kung bakit sya nagsinungaling? Kung bakit nya sinabi yun? To get into your pants....na mabilis mo ding ibinigay!" and then she laughed loudly.

"You're so dumb and naive, Flare Peyton." nanlilisik nitong sabi sa akin.

Naninigas ako sa aking kinauupuan dahil sa mga sinabi nito. Paniniwalaan ko parin ba ito matapos ng mga sinabi ni Miss Zabuel sa akin kagabi? Nagsisinungaling lang sya diba? Hindi totoo lahat ng mga sinabi nya ngayon?

Nalilito ako. Sobrang nalilito na ako kung sino ba dapat ang paniniwalaan sa kanila.

"H-hindi totoo ang mga sinasabi mo. You're lying! She said she's not married and she likes me....na willing syang hintayin ako." nanginginig ang boses na usal ko dito.

Taas ang kilay nitong tumawa ng nakakaloko. "Hindi mo ba napansing may suot-suot syang wedding ring? Bulag ka na siguro kapag hindi mo pa yun nakita, Flare."

Naalala ko ang suot nitong singsing noong unang beses naming magkita. Pero nung mapansin ko yun ay bigla din nitong tinago ang kamay nito sa akin at sumunod na araw ay hindi na nito suot yun. Totoo ba talaga?

"So you've seen it." basa nito sa ekspresyon ng mukha ko. Hindi ko alam ang sasabihin dahil sa halo-halo ko nang nararamdaman.

She tsked at muling napa iling-iling.
"Kung ayaw mong maniwala na nagsasabi ako ng totoo, then you'll find out tomorrow." tumayo na ito at nagsimulang ayusin ang bag sa shoulder nito. She walked towards me at huminto sa harap ko.

Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)Where stories live. Discover now