Kabanata 48

23.2K 1K 523
                                    

Flare

Naglalakad ako ngayon sa hallway papuntang first subject ko at yes, klase nga iyon ng estudyante kong hinalikan ako kagabi. Medyo masakit pa ang ulo ko dahil sa uminom ako kagabi, hindi pa ako nakatulog ng maayos.

I sighed when I remembered what happened last night. Although I experienced kissing my professor when I was still in college, which happened to be Miss Zabuel, still, it felt so wrong when my student kissed me last night.

One reason is that, Louise was drunk and in the influence of alcohol. I know she wasn't aware of what she did. O baka nga hindi na nito naaalala ang ginawa nito kagabi. At kung sober lang yun, sigurado naman akong hindi ako hahalikan nun eh. Hello? Diba mainit ang dugo nun sa akin. Like duh? Bakit naman ako hahalikan nun kung matino ang pag-iisip nun diba. Second, she's still a minor, she's just 17, okay? At least ako 21 na ako nung nilandi ko si Miss Zabuel. Charot.

And third....she's Miss Zabuel's niece. It's just a no no for me. Gusto ko lang talaga syang inaasar minsan kasi nga diba, ang cute nya talaga minsan kapag naiinis. So ayun lang.

Habang naglalakad ay may iilang mga estudyanteng binabati ako ngunit wala talaga ako sa mood ngayon para bumati sa kanila nang paulit-ulit.

Nakarating ako ng classroom na salubong ang kilay at alam kong ramdam ng mga estudyante kong wala ako sa mood ngayong umaga. They were so silent at parang takot mapagbuntunan ng galit ng isang Professor Fuenteval.

"Good morning." I greeted. Nilibot ko ang tingin sa buong klase at nang magtama ang mata namin ni Louise ay agad itong nag-iwas ng tingin.

Okay, she remembered. Great! Just great!

"Let's have a recap for today---"

I stopped talking when someone knocked on my door.

Pumikit ako at buntong-hiningang lumapit sa pinto at binuksan ito. A not so familiar student greeted me and smiled shyly.

"Professor Fuenteval, Miss President Zabuel wanted to see you in her office."

"Right now? I have a class."

"It's urgent daw po."

Tumango ako dito. "Okay. Susunod ako." umalis na ito at bumalik akonsa harapan.

"Kindly make a reflection about our topic last friday and when you're finished, leave it to my table in my office. Am I clear?"

"Yes, Ma'am." tumango ako and left the classroom immediately.

I was a little bit nervous dahil after pumunta ni Miss Zarah sa bahay ay ngayon na lang ulit kami magkikita ni Miss Zabuel. The last time we saw each other ay noong natulog sya sa bahay sabado ng gabi.

Nasa harap na ako ng pinto ng office nito and I sigh deeply before knocking on the door.

"Come in." A cold voice uttered inside.

Napalunok ako nang marinig iyon at dahan-dahang binuksan ang pinto. My heart beat started to race nang hindi lamang si Miss Zabuel ang nakita kong nasa loob kundi pati na din si Miss Zarah na nakapulupot ang mga braso sa bewang nito at nakapatong ang chin sa balikat nito habang may hawak na phone na parang may pinapanood.

I stopped on my track when I saw Miss Zarah smirked and Miss Zabuel coldly stared at me.

"Sit down." seryosong usal nito sa akin.

I bit my lip seeing them together right now at masyado pang malapit sa isa't-isa. Ang sakit sa mata lalo na sa puso.

Umupo ako sa bakanteng sofa at tumingin kay Miss Zabuel. Ano na to? Ipapamukha na ba sa akin ni Miss Zarah na kasal nga talaga sila? Kaya ba nandito ako ngayon?

Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant