Kabanata 33

19.7K 893 547
                                    

Flare

Nakanguso ako habang papalabas ngayon ng sasakyan ni Miss Zabuel. Kakauwi lang namin galing ng mall kung saan lahat ng mga binili nya ay para sa amin ni nanay. Ayos lang naman sana sa akin eh kaso humigit isang daang libong piso yata ang nagastos nya sa mga items na binili nya para sa amin. Sobra-sobra ang nagastos nya at hindi talaga sya nagpatinag nang ilang beses ko syang sinuway na itigil na ang kakabili ng mga mamahaling mga gamit katulad ng  damit, sapatos, bag, cellphone at pati na laptop na magagamit ko raw kapag nag start na ako ng review ko for LET after graduation.

Kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya na parang alalay nya.

Sumunod ako sa kanya sa compartment ng sasakyan nya at tinulungan itong bitbitin ang mga pinamili nya.

Matapos kunin lahat ay nagsimula na kaming humakbang papasok nang may mamataan kaming isang magarang 2017 Black Chevrolet Camaro ZL1 na nakapark malapit sa fountain kaya hindi ito agad namin napansin kanina pagpasok sa gate ng sasakyan.

Napakunot-noo si Miss Zabuel nang sulyapan ko ito, kahit ako ay nagtataka kung kaninong sasakyan ito dahil hindi naman ito yung ginagamit ni Charity.

Sa pag-iisip ko kung sino ang may-ari nito ay biglang binundol ng kaba ang dibdib ko. Hindi kaya....

Kagat labi akong nakatitig kay Miss Zabuel habang papasok kami ng bahay. Bakas sa mukha nya ang pagtataka at habang papalapit kami sa malaking pinto ay mas lalong dumagundong ang dibdib ko sa lakas ng pagtibok nito.

Kung tama ang hinala ko, parang ayaw ko na lang pumasok sa loob at masaksihan ang magiging reaksyon ni Miss Zabuel kapag nakita nya ito. Naiisip ko pa lang ay para nang sinasaksak ang puso ko sa sakit na nararamdaman ko.

Alas otso na nang gabi at wala nang sinuman ang bumibisita dito pwera na lang kung si Charity mismo ang nagpapasok dito.

Parang hirap na hirap akong lumunok nang pagbukas ng pinto ay tumambad sa amin ang isang napakagandang babae na nakatayo sa harap ng malaking sofa. Hula ko ay hindi nagkakalayo ang edad nito kay Miss Zabuel at kung titingnan ay hindi rin papahuli ang magandang hubog ng katawan sa katawan ng propesor ko.

"Chas." nanginginig ang boses ng babae nang banggitin nito ang pangalan ni Miss Zabuel.

Naramdaman kong napahinto sa paghakbang si Miss Zabuel sa tabi ko. Ayoko mang makita ang reaksyon nya ay hindi ko napigilan ang sarili kong sumulyap dito.

Bakas sa mukha nito ang gulat at pagkamangha habang nakatitig sa babaeng nasa harap namin. Napaawang ang mga labi nito na bigla din nitong tinakpan ng mga palad nito.

Napayuko ako at napangiti ng mapakla. Bigla akong nakaramdam ng panghihina and I just pray to God na maihahakbang ko pa ang mga paa ko dahil nanlalambot ang mga tuhod ko. Wala naman akong karapatang masaktan pero yun ang nararamdaman ko ngayon.

Binalaan na ako ni Charity, pero hindi ako nakinig dahil sa kaibuturan ng puso ko, umaasa ako. Umaasa ako na may patutunguhan kami. Pero base sa nasaksihan ko ngayon, mukhang imposible nang mangyari ang mga yun.

Pilit kong pinipigilan ang mga luhang gustong umalpas sa mga mata ko. Hindi pwedeng makita nila iyon. Anong irarason ko kung sakali? Dahil nasasaktan ako sa nasaksihan ko ngayon? Na makita ang taong mahal ko na kahit ilang taon na ang nagdaan ay nakatali parin pala sa unang inibig nito?

"Z-zarah?" rinig kong usal ni Miss Zabuel. Dahil ayoko nang masaksikan pa ang mga susunod na mga mangyayari ay nagsalita ako.

"M-miss T-three. M-mauna na po muna ako sa itaas at may b-bisita po pala kayo." nanginginig ang boses kong paalam ko dito.

Mukhang hindi ako nito narinig at tulala lang itong nakatingin kay Miss Zarah kaya kahit wala akong natanggap na pag sang-ayon mula rito ay pinilit ko na ang mga paa kong humakbang paakyat.

Charity was right. I should have guarded my heart in the first place. And now she's back. Miss Zabuel's love of her life....is back.

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa paglandas sa mga pisngi ko. It feels like my heart was ripped in pieces, like it was shattered nang pinong-pino at hindi na kayang ayusin pa.

Agad kong isinara ang pinto ng kwarto ko at ini lock ito. Sa sobrang sakit ng dibdib ko ay napaupo na lang ako sa sahig. Para akong nawalan ng lakas sa nararamdaman ko ngayon.

It was my fault dahil umasa ako. Umasa akong naghilom na ang kanyang mga sugat na natamo sa pagdaan ng mga taon. Pero nagkamali ako. Maling-mali ako. Wala akong ibang pwedeng sisihin kundi ang sarili ko at sarili ko lamang. Nagpakatanga akong may pag-asa kami. Na kahit ang pagkabirhen ko ay aking ibinigay dahil sa pagmamahal ko sa kanya. Nagpakatanga ako dahil sa pag-ibig. Siguro nga ay wala lang talaga sa kanya ang lahat ng mga namagitan sa amin. Ako lang itong umasa. Asang-asa. Kaya nagpakatanga.

Hinawakan ko ang dibdib ko dahil nararamdaman kong sumisikip ito. Parang kinukurot ang puso ko na masaksihan mismo ng dalawa kong mga mata ang muling pagtatagpo nila. Na makikita sa mga mata nila ang pangungulila at pagmamahal na matagal na nakatago sa nakalipas na mga taon.

Napabuga ako ng hangin dahil sumasakit ang aking lalamunan. Tuloy-tuloy lang na dumadaloy ang mga luha ko na hindi ko parin kayang pigilan.

Pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko at dumiretso sa kama. Wala na akong lakas pa para magbihis at gusto ko na lang na sakupin ang buong sistema ko ng dilim. At least kapag tulog ako, hindi na ako makakaramdam ng sakit.

-
Nagising ako na mabigat ang pakiramdam. Pakiramdam ko ay tuyong-tuyo ang lalamunan ko at nauuhaw ako. Bumangon ako at nagpalit na muna ng damit pantulog. Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone at nagulat nang ala una ng madaling araw pa lang.

Bumaba ako at napahinto nang may pigura ng babaeng nakaupo sa sofa at umiinom. Dahil madilim ay inaninag ko muna kung sino ito. Biglang kumabog ang dibdib ko nang napalingon ito sa kinaroroonan ko.

"Miss Three?"

Tumitig lang ito sa akin kaya kagat labi akong napayuko. Mabuti na lang ay madilim at hindi nya mapapansin ang namamaga kong mga mata. Nang hindi ito nagsalita ay dumiretso na ako ng kusina para kumuha ng tubig at uminom.

Ibinalik ko ito sa ref at nagsimula nang humakbang papuntang hagdan nang marinig ko itong magsalita.

"Zarah.....The woman earlier....She was my ex-fiancee."

Nakatayo lang ako sa paanan ng hagdan at hinihintay itong magsalita muli.

"She's back, Peyton. And I don't know what to feel right now. Naguguluhan ako. Bigla na lang syang bumalik nang walang pasabi na parang walang nangyari." tumawa ito ng pagak. "But fuck me for feeling this way! Fuck her for making me feel this way!"

Unti-unti na namang nanumbalik ang sakit sa puso ko sa mga sinabi nito.

Yeah. Fuck me for feeling this way too, Ma'am.

Hiling ko na sana wag mo na lang masyadong ipamukha sa akin na mahal mo parin sya. Dahil ang sakit-sakit na.

I bit my lip still looking at her.

"Bumalik ka na sa pag tulog." matapos sabihin yun ay pinagpatuloy na nito ang pag inom ng alak at hindi na muling sumulyap sa akin.

Habang ako naman ay sinasaksak na naman ang puso sa sakit na nararamdaman na nakatayo.

Natawa ako ng pagak at naramdamang tumulo na naman ang mga luha habang pabalik ng kwarto.

Tama nga siguro ang sabi nila....

That first love never dies...It is always alive and lives all the time in your heart....How much try to forget, it never goes away from your heart.

Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)Where stories live. Discover now