Kabanata 54 - Epilogue

29.8K 1.1K 1K
                                    

Napakislot ako mula sa pagchecheck ng mga liquidations ng mga professors and staffs nang bumukas at sumara ng malakas ang pinto ng aking office at nagdadabog na pumasok si Louise na namumula ang mukha habang magkasalubong ang mga kilay. Pabagsak itong naupo sa pang-isahang sofa at doon ay nanggigigil na bumubulong nang kung ano-ano.

Another year has passed and my niece is already in her second year in college. Sa mga nakalipas na mga buwan ay may pagbabago naman dito lalo na sa pakikitungo nito sa girlfriend ko pero wala paring papantay sa pagiging maldita at masungit nito.

".....damn that Professor. I hate her!" she mumbled while gritting her teeth.

Napataas ako ng kilay dahil sa narinig mula dito. I know she wasn't referring to Peyton 'cause they were in good terms and she already moved on from her. Yes, I know she was inlove with my girl and I was thankful na natanggap naman nito ang relasyon namin months after we officially announced it to everybody.

"What happened to you?" I curiously asked. Kulang na lang kasi umusok ang mga tenga at ilong nito sa inis eh.

Louise looked at me and crossed her arms. "Tita, can I ask you a favor?" salubong ang kilay na tanong nito.

"What is it?"

"That Professor Leandro, can you fire her? Ugh! I can't stand seeing her in class. She's so annoying! Gosh, I hate everything about her!" at napapadyak pa ito sa inis.

I chuckled and met her eyes. "You also said that to me when I first saw you hugging my girlfriend, Lu. Baka sa inis mo, ma deja vu ka sa professor mong yan?" taas kilay kong pang iinis pa dito.

"Oh God, Tita Tres! That....will never ever happen! Girlfriend mo lang naman ang nakapagpabend sa akin. And I know, sya lang talaga---hey!" mabilis itong napaiwas nang hagisan ko ito ng takip ng ballpen.

"My gosh! Kahit kailan talaga ang selosa mo, Tita. Nakamove on na ako, okay? Sinasabi ko lang naman na sa kanya lang ako nabaliko." pagpapaliwanag pa nito nang masama ko itong tinitigan.

"Good! Mabuti na yung malinaw, okay? And about your question, no, I can't fire her dahil lang sa gusto mo. I told you, hindi gagana sa akin ang pagiging anak ng may-ari mo sa akin, Lu. Besides, Professor Emme Deneby Leandro is a great teacher. Everybody loves her, ikaw lang naman ang may ayaw sa kanya." sagot ko dito na ikinairap naman nito. Padabog parin itong tumayo at tinitigan ako.

"Dahil pinag-iinitan nya ako, Tita Tres!" she exclaimed out of frustration. She heaved a deep sighed and walk towards my table. "If you can't fire her, then I will just give her a reason to leave this place. Easy-peasy!" then she smirked at napatingin pa sa kisame na parang may binabalak. "I'll get going na po. Bye!" Bago pa ito makalabas ng office ko ay may pahabol akong babala para dito.

"I'm warning you, Louise Shan! Don't do anything stupid to your professor!" pagbabanta ko dito.

"I'm serious, Advincula!!!" sigaw ko pa nang hindi ito lumingon at buntong-hiningang napasandal sa aking upuan nang mawala ito sa paningin ko. My Goodness, ilang beses na akong nase-stress sa pinagagawa ng batang yun. Masyadong spoiled brat!

Habang hinihilot ang aking sentido ay napangiti ako nang rumehistro sa phone ko ang picture at pangalan ng girlfriend ko. Kung iisipin, magdadalawang taon na sana kami kung hindi lang ako nawala ng walong buwan. But it's okay, wala naman na akong mahihiling pa dahil nasa buhay ko na ito.

"Babe?" I called.

"Hi, love. You're still in school?" I heard her asked on the other line.

Yeah, pauwi ka na?" nag-aaral kasi ito ngayon for her masteral at sa Ateneo de Davao University ito pumapasok. Nagtuturo parin naman ito dito pero mga pang gabing klase na lang dahil may pasok ito sa umaga.

Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)Where stories live. Discover now