Kabanata 7

23.7K 1.1K 611
                                    

Flare

Napalingon ako nang bumukas ang pinto at pumasok si Miss Zabuel.

"Go home, Miss Fuenteval. We have an emergency meeting. I'll see you later in class." yun lang ang sinabi nya at lumabas na ulit sya.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang ginawa nya kanina sa akin pagkatapos nya kami makita ni Miss Leyla na halos magkayakap na. Bakit ganun na lang ang galit nya sa akin kanina? At bakit hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang magdikit ang mga katawan namin?

Ipinilig ko ang ulo ko sa mga iniisip ko. Tumayo na ako at niligpit ang mga gamit ko. May meeting sila kaya wala nang pasok ang mga bata sa afternoon session.

-

"Hi." napatigil ako sa paglalakad sa hallway nang may isang babaeng humarang sa dadaanan ko. Dahil hindi ako sigurado kung ako ba ang kinakausap nya ay lumingon ako sa likod ko kung may iba pa bang mga tao. Pero wala na at ang iba naman ay nasa malayong parte na.

Mahinang tumawa ang babae. "Silly. I'm talking to you." ngumiti sya sa akin at inilahad ang kamay nya. "I'm Denise."

Napatingin ako sa nakalahad nyang kamay sa harap ko. "Flare." kinuha ko ito at ngumiti din sa kanya.

"I want to introduce myself to you, Flare. Palagi kitang nakikitang dumadaan dito and I'd like you to be my friend." nakatingin sya sa akin habang hindi parin binibitawan ang kamay ko.

"Nah, she likes you, that's the real reason."

Napatingin kami pareho sa kung saan may nagsalita.

"Hey! Ano ka ba, Ash? Mamaya maniwala si Flare sayo." Denise rolled her eyes and looked at me.

"Wag mo sya intindihin. Papansin yan eh. Anyways. Flare, this is my bestfriend, Ash. Ash, Flare." pakilala nya sa amin.

"Hello Flare. Nice to finally meet you." she smiled and shake my hand. "And I am telling you the truth. I still remember the day when my Denny my friend here" tiningnan nya muna si Denise nang nakangisi bago ibinalik ang tingin sa akin. "was mesmerized by the beauty of this new girl who stumbled kasi nabangga ng tumatakbong lalaki."

Namula ang mga pisngi ko sa sinabi nya. Naalala ko yung araw na yun at napunta pa nga kami sa clinic dahil sa sumakit kong paa.

Denise rolled her eyes again.

"Pero careful kalang dito sa kaibigan ko. Womanizer to, Flare." hinampas sya sa braso ni Denise kaya napahalakhak sya ng malakas.

"Don't listen to her, Flare. She's lying. The truth is, kapag nagkagusto ako, sya lang talaga. Wala nang iba." hindi nya inalis ang titig nya sa mukha ko nang sinabi iyon.

"Ayan. Linya ng mga babaero yan." natawa ako dahil sumingit na naman si Ash. "Sinasabi ko sayo, Flare. Delikado ka jan."

"Teka, kaibigan ba talaga kita Ashley Bernette?" nakakunot noong tanong nya dito ay ang pagsabay nang pag tunog ng warning bell, hudyat na may limang minuto pa para sa pagsisimula ng klase.

Napangiti ako sa asaran nang magkaibigan. "Ang cute nyong dalawa. Pero mauna na muna ako, may klase pa kasi ako eh."

"Oh sorry. Kami din pala." napakamot sa batok na utas ni Denise.

"Oo may pasok pa tayo. Sus. Nakalimutan mo lang kasi nakatulala ka na sa magandang nasa harap mo."

Nahihiyang tumingin si Denise sa akin. "Sige, Flare. Alis na din kami. See you around." pagpapaalam nya.

"Bye, Flare. See you." kaway ni Ash.

"Bye. See you." kumaway din ako at tumungo na sa classroom namin.

-

"Babeeeee!!"

Boses agad ni Mandy ang narinig ko pagkapasok ko ng room namin.

"Hi, Mands. Kumusta? Okay ka na ba? Wala nang masakit sayo?" hinawakan ko ang noo nya kung mainit pa ba sya.

"Ano ka ba? Okay na okay na ako babe. Hindi ako pwedeng umabsent ngayon. Sayang ang plus points sa perfect attendance." humagikhik pa ito.

Natawa din ako. "Mabuti naman at okay ka na." umupo na ako sa tabi nya. Wala pa si Miss Zabuel at mukhang malelate pa yata.

"Kumusta sa duty? Kumusta yung asawa ko, babe? itinukod ni Mandy ang siko nya sa arm chair at nangalumbaba na tumingin sa akin.

Napaiwas ako ng tingin nang maalala ko ang nangyari kanina. Nagiinit ang tenga ko nang maisip ang ginawa ni Miss Leyla. "Ayos naman. Medyo nabusy lang kanina sa classroom nya kasi nag tantrums si Justin."

Ngumuso naman si Mandy pagkatapos kong sabihin yun at tumitig ng mataman sa akin.

"B-bakit?"

"Haaay. Nagpapapansin na naman ba sya sayo kanina, babe?"

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko sa kanya ang nangyari kanina. Alam ni Mandy na wala akong interes kay Miss Leyla pero ayokong malungkot din sya kapag sinabi ko yun. Ramdam ko din naman kasi na gustong gusto nya talaga ang guro kaso nga lang mukhang hindi sya napapansin kahit anong pagpapapansin nya doon.

Bago pa ako makasagot ay bumukas ang pintuan at pumasok na si Miss Zabuel na hindi tumitingin sa amin.

Umayos kami ng upo at ako naman ay nagsimula nang tumitig sa kanya. Hindi parin sya tumitingin sa amin kaya nakatutok lang ako sa kanya. Ang ganda nya talaga. Haaaay.

Naramdaman kong siniko ako ni Mandy kaya napatingin ako sa kanya.
Palipat lipat ang tingin nya sa amin ni Miss Zabuel sabay ngisi ng malawak.

Sumenyas syang lumapit ako. Inilapit nya ang mukha sa tenga ko kaya inilapit ko din ang ulo ko sa kanya. "Crush mo si Miss Three no?" bulong nyang nakangisi.

Dahil sa tanong nya ay bigla akong napaharap sa kanya at nagulat nang muntik nang magtama ang mga labi namin. Nagulat din si Mandy at nanlaki ang mga mata.

"If you just want to flirt inside my class, get out" Miss Zabuel coldy said.

Sabay kaming napatingin ni Mandy sa harap at nakitang sa amin na nakatingin ang lahat ng mga kaklase namin at si Miss Zabuel.

Umayos kami ng upo. Namula ako at napayuko na lang dahil sa hiya samantalang palihim na ngumisi si Mandy at tumingin sa gawi ko.

"Sorry, Miss." paumanhin ni Mandy.

Napatingin ako kay Miss Zabuel at nagtama ang mga mata namin. She rolled her eyes and started to type in her computer. She began to discuss in class na hindi na ako muling pinasadahan pa ng tingin hanggang sa matapos ang klase.

Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)Where stories live. Discover now