Kabanata 36

20.5K 970 1.1K
                                    

Flare

Lumabas ako ng gate ng bahay matapos makatanggap ng text mula kay Miss Ven na nasa labas na ito. Pagkatapos nyang sagutin ang tawag kanina ay sinabi ko dito kung pwede ba kaming magkita at agad din naman itong pumayag matapos nito marinig na umiiyak ako. Bakas sa boses nito ang pag-aalala sa akin at bago nito ibinaba ang tawag ay sinigurado muna nito kung ayos lang ba ako.

Nagpalinga-linga ako at nakita ang sasakyan nito sa kanto. Mabilis akong lumapit dito at binuksan ang passenger seat.

Mabuti na lang at saktong hindi uuwi ngayong gabi sina Charity at Miss Three ng bahay dahil may mga inasikaso daw ang mga ito nang tinanong ko si Manang Lydia. Simula kasi nang dumating ako ay hindi ko pa sila nakikita kaya panatag ang loob kong walang magtatanong kung bakit alas diyes na ay nasa labas pa ako.

If I know, magkasama na naman sila ng fiancee nya at kasama pa mga parents nito.

Pagkapasok na pagkapasok ko ng kotse ni Miss Ven ay agad akong sinalubong ng nag-aalalang mukha nito.

"M-miss Ven." agad na akong sumubsob sa dibdib nito at tuluyan nang humagulgol dahil sa bigat ng mga nararamdaman ko. Hindi ko na inisip ang hiya at gusto ko na lang na yumakap sa kanya at maramdaman na may isang tao akong pwedeng masandalan sa mga oras na ito.

Agad kong naramdaman ang mga braso nyang pumulupot sa katawan ko at ang paghaplos ng palad nya sa likod ko.

"Ssshhhh. It's alright, Flare. It's alright."

Matapos ang ilang minutong yakapan ay hinawakan nito ang magkabilang balikat ko at marahan akong inilayo dito. Tumaas ang isang kamay nito at pinunasan ang mga luha ko.

"Now, what happened? Why are you crying?" pinakalma ko muna ang aking sarili at tumitig dito. Sa mga oras na ito ay hindi ko na dapat isipin pa ang kahihiyang matatanggap ko sa gagawin ko dahil walang-wala na talaga akong mapupuntahan pa at malalapitan kundi sya lang.

"I need your help, Miss Ven." Yumuko ako at napabuntong-hininga.

"What is it, Flare?"

Nagtaas ako ulit ng tingin at tumitig sa kanya. " P-pwede po ba kaming makituloy muna ni Nanay sa inyo kahit pansamantala lang hanggang sa makahanap ako ng trabaho, Miss Ven?" napakagat ako sa ibabang labi ko nang mataman ako nitong tinitigan.

Dahil wala itong isinagot ay binalot ng kaba ang dibdib ko.

"P-promise po Miss Ven, bukas na bukas din pagkatapos ng graduation ceremony, m-maghahanap kaagad ako ng trabaho kahit part time lang muna." nagsusumamo kong pahabol dito at pinipigilan ko na namang maiyak dahil baka hindi ito pumayag.

Bigla akong nakaramdam ng pag-asa nang ngumiti ito at inabot ang pisngi ko at marahang hinaplos-haplos ito.

"Of course, Flare. Kahit na sa akin na kayo ni Nanay Ali, walang problema sa akin." walang pagdadalawang isip na pagpayag nito na mas lalo pang lumawak ang mga ngiti sa labi. "May pinagsamahan din naman kami ng nanay mo, alam mo yan. At hindi na kayo iba sa akin. Anytime, pwede kang tumira sa bahay ko." napasinghot ako at nabunutan ng tinik sa dibdib dahilan para gumaan ang pakiramdam ko.

She held my hand and kissed the knuckles softly. "Sabi ko naman sayo,  If you need anything, I will always be there for you." Her eyes are filled with so much emotions na pati ako ay napakurap-kurap dahil pakiramdam ko ay nalulunod ako habang tumititig dito.

"I care for you so much, Flare, at hindi ako magdadalawang isip na puntahan ka kaagad kapag kailangan mo ako."

Sa mga sinabi ngayon ni Miss Ven ay parang nalulunod ang puso ko sa galak. Hindi ko alam na may ganitong taong handa akong tulungan kahit na walang hinihintay na kapalit.

Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)Where stories live. Discover now