Kabanata 24

20.8K 890 484
                                    

(Three Chastity Zabuel)

Flare

Dahil tapos na ang aming practice teaching, klase na lang ni Miss Zabuel ang binabalikan namin sa University. Nakahiga pa ako ngayon dahil 5:30 pa naman ang klase namin sa kanya. Isang buwan na lang at magtatapos na kami.

Napakislot ako nang tumunog ang cellphone ko hudyat na may nag text. Kinuha ko ito sa maliit na mesa at binasa ang mensahe.

"Flare! You need to come here! ASAP!!" iyon ang natanggap kong text mula kay Mandy. Hindi ko maintindihan pero bigla akong kinabahan.

Dali-dali akong bumangon at nag ayos ng sarili. Matapos ang mahigit kalahating oras ay nasa harap na ako ng gate papasok ng campus.

Hindi ko maintindihan ang kabang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay may hindi magandang nangyari.

Habang naglalakad, napapansin kong nagkukumpulan ang mga estudyante at may pinapanood sa kani-kanilang mga cellphone. May nagtatawanan, ang iba ay gulat, may ibang nag-aagawan ng kanilang mga phone.

"I fucking knew it, man. She's so hot! Damn."

"Tangina ang sexy pare."

"Oh shit ang sarap nya."

"Gago, ang ganda ng katawan. Ang sarap ikama, bro."

Ang babastos!

Ilan lang yan sa mga naririnig ko sa mga estudyanteng nagkukumpulan na nanonood sa kanilang mga cellphone.

Napabilis ang lakad ko papunta sa tambayan namin nila Mandy. Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko.

"Babe! Thank God, you're here! Come!" matapos akong makita ni Mandy ay hinila nya ako sa isang tabi.

"Anong nangyayari? Bakit nagkakagulo ang mga tao? Anong meron?" naguguluhang sunod-sunod na tanong.

"That's why I texted you to come here immediately. Look!" iniabot nya sa akin ang kanyang phone.

"Ano to?"

"Panoorin mo. Gosh! Jady sent me that."

Agad kong kinuha ang kanyang phone at pinlay ang video.

Biglang nanlaki ang mga mata ko. Isang babae na nakablurry ang mukha ang nakaharap sa isang camera na parang may inilagay at umalis din kaagad. Bago ito lumabas ay tumayo muna ito ng ilang minuto bago lumabas ng kwarto.

Niragasa ng kaba ang dibdib ko. Hindi ako maaaring magkamali. Ang suot ng babae, yun ang suot ko kagabi. At ang kwartong pinasukan nito ay kwarto ni Miss Zabuel! Ako ang babae sa video na yun! Pero paano?! Anong nangyayari? Bakit??

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang ilang sandali ay lumabas si Miss Zabuel mula sa banyo na walang kahit na anong saplot sa katawan at tumutulo pa ang mga butil ng tubig dito.

Napatutop ako sa aking mga labi. No! Oh no!

Hindi ko na pinatapos pa ang video at ibinalik ang cellphone kay Mandy. Nanginginig ang mga kamay kong lumapit dito.

Chasing Flare (GirlxGirl) (ProfessorxStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon